Thursday, November 25, 2010

Summer Song II

Check the Part I

Matapos ang limang minuto sa pag kwe-kwentuhan nila tungkol sa mga nagging professors nila at

classmates, nakakuha na ng paraan pano malaman ni Jairus ang pangalan ng babae. Patago syang
nagtext sa kanyang naging prof na si Mr. Sandoval at itinanong kung ano ang name ng babae. Tumunog
ang cellphone ni Jairus at si Mr. Sandoval nga ito. Binasa nya ang reply, “Hello Jairus, I think you are
referring to Ms. Crissa Ferrio, basing on your description.”, at nagreply sya ng simpleng, “Thank you sir”.



Jairus: May kilala ka bang Carla Luz?

Babae: Yeah kilala ko si Carla, classmate kami. Bakit?

Jairus: Ah, wala lang, kakilala ko lang din sya.

Babae: Sya yung model di ba?

Jairus: Yup, sya nga.

Babae: Uy, thanks Jairus ha…ang sarap ng libre mo, sa uulitin haha.

Jairus: You’re welcome, kapal ng mukha mo. Teka, di ko pa rin nakukuha ang name mo eh. Ganito na
lang, since sinabi mo na kelangan ko pag hirapan para makuha ko ang name mo…well, may naisip kasi
ako eh.

Babae: Eh ba’t mo ba gustong malaman ang name ko?

Jairus: Unang-una, panget namang manghingi ako ng dispensa sa babaeng nabangga ko pero di ko
alam ang name, pangalawa, di ba bastos naman yung pag di mo binigay ang name mo after kita ilibre?
(lumapit sya ng konti sa mukha ng babae sabay tanong) Bakit, bastos ka ba?

Babae: hindi no! eh gusto ko lang pahirapan ka hehehe. Kasi from what I’ve heard, lahat daw ng ginusto
nyong Erito boys eh nakukuha nyo eh.

Jairus: di naman talaga importante sakin ang name mo eh, pero syempre, gusto ko ring malaman
ang pangalan ng taong nakakakilala sakin. Para na rin magkaroon ako ng bagong friend..di ba? Ano,
sasabihin mo ba o hindi?

Babae: hindi…

Sabay nag hubad ng damit si Jairus.

Babae: Hoy! Ba’t ka naghubad!?

Tumingin si Jairus sa mga tao sa kabilang lamesa at sinabing, “pinag hu-hubad nya ko ng damit oh”

Jairus: (pabulong) ano, sasabihin mo o hindi?

Babae: O sige na! mag damit ka na…nakakahiya ka naman eh! Crissa name ko…bilis, balik mo na yang
polo mo nakakadiri ka!

Jairus: Hahaha, ba’t namumula ka, first time mo bang nakakita ng lalaking naka hubad? Ha Crissa Ferrio?

Babae: (napa nga-nga ito sa pagkagulat) how did you...

Jairus: O baka pasukan ng langaw yan, isara mo. Nagtataka ka ba ba’t alam ko? Well, ikaw na rin ang
nagsabi, kasama ako sa Erito Boys…lahat ng gusto namin, nakukuha namin tama? (sabay ngiting aso)

Tinawag na ni Jairus ang waiter at nagbayad ito. Sabay niyaya na nya si Crissa palabas. Nagpaalam at
nagpasalamat ulit si Crissa.

Crissa: Uy Jairus, salamat ulit ha

Jairus: Walang anuman, Crissa. San na lakad mo nyan?

Crissa: Papunta ako ng school, may kukunin lang. teka, alam mo pala pangalan ko eh, bat may pahubad-
hubad ka pang gimik kanina? Pano mo nalaman name ko?

Jairus: Paghirapan mong alamin.

Crissa: Walang kang originality, dyan ka na nga…una na ko sayo. Bye.

Jairus: Bye…ingat ka mukha ka pa namang dapa-in.

Bumalik si Jairus sa park at paikot-ikot syang kumukuha ng litrato dala ang kanyang munting armas, ang
kanyang camera. Iba’t-ibang klase at hugis ng bata ang nakikita nya na malikot at maliksing gumagalaw
na tila mga holen na ikinalat sa sahig.

Habang kinukunan nya ang mga batang nagpapatintero, merong dalawang batang nagka bangga-an.
Biglang pumitik sa kanyang isip si Crissa, at kanyang naisip, aha! Tama, pwede kong gamitin si Crissa
para gawing girlfriend ko kunwari at mapaselos ko si Carla, or gawin ko syang kunwaring pinsan ko tas
magpapalakad ako kay Carla…Hmmm…magaling naiisip mo Jairus. Dapat maging magka close kami ni
Crissa.

Pag atras ni Jairus upang kunan ng picture ang dalawang batang nagtatawanan, natalisod ito at
sumubsob sa may damuhan. Tumalsik ang cellphone nya, samanatalang nakataas naman ang
kanang kamay nya sa pag sagip sa kanyang hawak camera. Dalian syang tumayo habang wala pang
nakakapansin at dinampot nya ang kanyang cellphone. Pag yuko nya, saka nya naalala na nakalimutan
nyang kunin ang cellphone number ni Crissy.

Habang tinatanggal nya ang mga damong pumasok sa kanyang ilong, kinakausap nya ang kanyang sarili…

Jairus: Tanga ko talaga, nadapa na nga ko, nakalimutan ko pa kunin ang cellphone number nya. Aray
kooo…

Bumalik si Jairus sa tindahan para umupo at magpahinga; medyo nasaktan sya sa pagkakadapa kanina.
Tumingin ito sa mga batang naglalaro pero blanko ang kanyang titig na parang may iniisip. Natanong
nya sa sarili nya bigla, bakit kaya di kagad binigay ni Crissy ang name nya, may tinatago kaya sya? …Or

may ikinakahiya?

Biglaan nyang kinuha nya ang kanyang cellphone sa bulsa na parang nagulat at nag simulang mag dial…

Itutuloy…

18 comments :

  1. nice ah! di ko palalagpasin mga susunod na kabanata :D

    ReplyDelete
  2. wow congrats for the new series axl,, this is one of your productions as AXL Powerhouse Production presents "Summer Song".

    ang haba,. kya lng ako im fun of rush reading...

    il read this fully when i have more time.,

    thanks axl,.

    ReplyDelete
  3. @kira.. hehe think about that hehehe...
    oki naman yung series right :D

    ReplyDelete
  4. super nice, gawin mu tong ebooks.. my ebook maker ang blogger.. try it,. kya lng nkalimutan ko ung link hehehe..

    ReplyDelete
  5. @kira.. heheh sige-sige pagnatapos namin to ng maganda :D

    ReplyDelete
  6. pambihira naman tong c axl!
    ayoko ng basahin, paputol putol, nawawala ung momentum ko...hmmp!

    ReplyDelete
  7. nakakainis naman. .bat di mo tinapos?err hehe galing! KUDOS:p

    ReplyDelete
  8. ASTIIIIIIIIIIIIIIIIIGGGGGGGGGGGGGGG.....

    ReplyDelete
  9. gumaganda yung story. aabangan ko yung next part :)

    ReplyDelete
  10. wow, ang galing mo gumawa ng story bro ah. excited na ko mabasa lahat ng gagawin mo (hek hek hek)

    ReplyDelete
  11. @kim.. ganun talaga series nga eh.. hehehe :D
    @daphne.. heheh ganun eh.. bitin talaga dapat hehe :D
    @DR.. you will know soon :D
    @Kiko.. hehhe apir!!
    @sikoletlover... hehe thanks..

    ReplyDelete
  12. @rons.. whahaha apir.. alam mo yan... hehe :D

    ReplyDelete
  13. axl kelan ako gagawa??? dami ko na naiisip. hahaha

    ReplyDelete
  14. @arvin... sa part 6 ka na oki :D

    ReplyDelete