Friday, March 18, 2011

Summer Song IX

Muling nagbabalik ang aking munting mini series pagkaraan ng isang buwan......


Summer Song Series


Sorry guys medyo natagal bago ulit ito nagkaroon ng another chapter, medyo naging busi-busihan lang sa mga events at mga business meeting eh...

Anyway i hope you like this chapter medyo may kaunting kadramahan ang chapter na to...

Hope you enjoy reading, open for any criticism, suggestion or violent reaction ....

Happie reading!

============================================


Pinalipad ni Kelvin ang kanyang bagong biling yamaha R1 sa kahabaan ng daan, mainit pa rin ang ulo at kinakausap ang sarili.  Pagkadaan nya sa isang convinience store, tumigil ito para mag sindi ng yosi at isabay sa paglabas usok ang sama ng loob.  Habang ito'y nakaupo sa labas ng convinience store at nakatingin sa kanyang motor, bigla nyang narinig ang malakas na tugtog ng papalapit na SUV. Napatayo sya sabay tingin sa sasakyan na nagmamadaling nag park sa tabi ng motor nya. Bumaba si randolf sabay duro kay Kelvin.



randolf: hoy pare, ayoko talaga ng ginawa mo kanina ah...di ko mapigilang uminit ang ulo ko.

kelvin: so? problema ko ba yun?

randolf: you're such an a-hole dude...alam mo ba yun?

kelvin: why thank you! I’ll take it as a compliment.

randolf: ano ba talaga problema mo ha pare!?

kelvin: kayo! kayo problema ko...ano ngayon gagawin mo??

randolf: pucha, you're crazy man...di ka pa nadala sa banat ni Jairus? gusto mo tiklupin kita?

kelvin: wow pare...i'm soooo scaaaared.

Habang nakatingin ng masama si Randolf  kay Kelvin, tumatawa namang paasar si Kelvin sa kanya na tipong nag aantay na maunang gumalaw si randolf. di na nakapag pigil si Randolf sa kanyang galit, isa si Randolf sa mga taong madaling maubos ang pasensya at basag-ulo sa erito. Bigla na nyang sinugod si Kelvin.

randolf: gago ka rin no! (sabay tulak kay Kelvin)

kelvin: ah eto ba gusto mo? (binaba nya ang hawak nyang helmet)

Biglang sumuntok si Kelvin gamit ang kanang kamay pero nakaiwas kagad si Randolf. Pag yuko ni Randolf ay sabay nyang in-upper cut si Kelvin at sapul sa panga. Napaatras si Kelvin sa lakas ng suntok ni Randolf. Pag lapit ni Randolf ay bigla syang sinipa ni Kelvin sabay suntok sa tiyan.

Nagsimula nang maka agaw ng atensyon ang gulo ng dalawa at marami nang tao ang nanonood. May mga babaeng sumisigaw at may mga lalaking tuwang-tuwa sa panonood ng pagsusuntukan ng dalawang lalaki.  Paikot-ikot silang dalawa sa labas ng convinience store, nagkanda basag-basag ang mga paso na naka lagay sa may pintuan ng tindahan.

Makalipas ang dalawang minuto ay duguan na ang mukha ni Kelvin, at may punit naman sa pisngi si Randolf dahil sa nadampot ni Kelvin ang helmet nito at naihampas nya kay Randolf.

Maya-maya lang ay may dumating na sports car na humaharurot sa pag park. Ang porsche ni Hei. Bumaba si
Hei, at sa kamamadali di na nya nasara ang pinto ng kotse nya, sumigaw sya kagad sa dalawa para pigilan.

hei: hoy, magsitigil kayo!

Walang pakelam ang dalawa at nagpatuloy sa pag papalitan ng mga kamao.  Tinulak ni Hei si Randolf na nakadagan kay Kelvin. Hinarang nya ito at pilit nakikiusap na itigil na ang gulo.

Si Kelvin naman ay nakahiga, duguan, at punit-punit ang damit.  Umupo ito pero nahihilong nagpapahinga.

Pinuntahan sya ni Hei.

hei: pare, are you okay?

kelvin: do i look okay stupid!?

hei: alright alright...just sit down and relax.

Biglang lumapit si Randolf tila sisipain si Kelvin, daliang tumayo si Hei at pinigilan si Randolf.

hei: dude! stop it na...tapos na pare...relax lang. okay??

randolf: kulang pa yan pare, i should break his bones!


...at biglang lumingon si Randolf kay Kelvin...

randolf: ano pare, masarap ba? did you like it? you want more?

kelvin: hahaha, give me five minutes to rest...round two tayo, you piece of crap.

Sinigawan ni Hei ang dalawa na tumigil na...

hei: ano ba guys, just stop it! lumayo ka muna randolf...go inside your ride.  ikaw naman kelvin, just shut up okay?

May isang babae na nanonood sa gulo na biglang sumigaw, "di ba sila Randolf yan and si Kelvin?", sabay sagot ng iba, "ay oo nga no, grabe, ganyan ba talaga sila? mga basagulero!"

Biglang dumating ang isang patrol car, at bumaba ang dalawang pulis.

pulis1: anong nangyari dito?

pulis2: sinong nagsimula ng gulo na to?

randolf: yang ulol na yan! (sabay turo kay kelvin)

kelvin: ako?? teka, sino ba unang umatake satin, di ba ikaw? sira ka pala eh...

hei: sir, i already settled it up. explain ko na lang po.

Makalipas ang ilang minuto sa pag eexplain ni Hei ay lumapit ang dalawang pulis kina Randolf at Kelvin...

Pulis1: ano boys, meron bang mag sasampa ng kaso sa inyo, or mag b-blotter? o pag uusapan nyo na lang?
Di umimik ang dalawa...

Pulis2: ano, sumagot kayo? dadalhin namin kayo sa presinto.

Hei: sir okay na to, ako na bahala. i'll take the responsibility.
pulis1: okay, siguraduhin mo lang bata. pero paalisin mo na yung isa bago kami umalis para masigurado namin na wala nang gulo.

hei: okay sir (sabay lingon kay kelvin)

kelvin: oo, aalis na ko...

Padabog na umupo si Kelvin sa motor, pagkatapos ay hinarurot ito paalis ng convenience store. sumunod na ring umalis ang mga pulis pagkatapos nilang paalisin ang mga taong nakikichismis.

Hei: okay ka lang randolf? may sugat pisngi mo pare. daan tayo hospital, pagamot natin yan.
Randolf: sige, badtrip ah...naisahan ako ni kumag ah. teka, paano mo nalaman na sinundan ko si Kelvin?

Hei: di na mahalaga yun...tara na. una ka, sunod lang ako. tawagan ko lang tita ko para derecho na tayo sa clinic nya.

Randolf: alright, sige...teka, si jairus ba nasundan mo?

Hei: hindi eh, di ko rin alam kung san pupunta yun.

Randolf: ah ganun ba.

Hei: i'm sure magpapalamig din ng ulo yun somewhere. ikaw naman, tama na init ng ulo mo...tapos na. ngumiti ka naman para astig haha.

Randolf: baka gusto mo ring gumulong sa daan?

Hei: eto naman o, di mabiro. sabi kasi sayo eh, anger will get you nowhere bro. tara na...sundan kita.

Randolf: okay okay...natakot ka naman kagad haha.

Sabay umalis si Hei at Randolf at dumerecho sa hospital para magpagamot. pag dating nila sa hospital eh sinubukang kontakin ni Hei si Jairus habang nagaantay tong matapos si Randolf.  Di sumasagot ng cellphone si Jairus. "sana okay ka lang tol" sinabi na lang ni Hei sa sarili nya.


Abangan ang 2 huling chapter ng Summer Song


XOXO

18 comments :

  1. buti hndi napuruan si randolf sa away, pag nagkaganun naku, kawawa siya.

    ReplyDelete
  2. ang haba ah, hehe! putol putol kong binasa.. bongga cla sport car..

    ReplyDelete
  3. pare, gusto ko yung tugtug mo.. hehe

    ReplyDelete
  4. kelvin: wow pare...i'm soooo scaaaared.

    hahaha... natawa ako sa linyang toh! ambabaw ko kasi...

    ReplyDelete
  5. wow balik kwentuhan tayo ah

    ReplyDelete
  6. katapang ni randolf, napapasayaw ako,(nakna) ang ganda ng kanta. oi babatiin kita, ang ganda ng blog mo, tsaka ung mga larawan

    ReplyDelete
  7. yun! dalawang chapters na lang at malilinawan na ang lahat :D

    ReplyDelete
  8. at talaga namang bumibira nag summer song with matching story---at may murahan pa....ouch...at me model pa.ikaw na talaga Axl!!!hahhaha

    ReplyDelete
  9. o my gulsy! away!!! ayoko ng brutal natatakot ako pag may nag aaway...

    la lang.....sana ok na sila pareho...emote-emote

    ReplyDelete
  10. hahah enjo7y talaga casting mo tol... feel na feel ang moment.. wahehhe

    ReplyDelete
  11. @bino... heheheh oo na parang hindi lilinaw ang lahat heheh "D

    @ anton.. hehehe thanks :D

    @marz.. hehe thanks "D

    @iya... heehe ganun talaga :D

    @batman.. heheh :D thanks :D

    ReplyDelete