Sunday, December 23, 2012

Gift-Giving 2012


Isa sa mga masayang buwan ang Disyembre di lamang dahil puno ito ng mga ilaw,masasarap na pagkain o pagtanggap ng mga bonus kundi ito'y buwan din ng pagbibigayan sa ating mga kaibigan.

Nakaraang araw (Dec 20,2012) naganap ay isang gift-giving sa aming mga kaibigan na sina Kuya Jay, KM, Irene, Fe, Clou at Archieviner ng Chateau de Archieviner. Sayang nga lamang sapagkat di nakarating ang ilan sa kanila sapagkat may tinatapos pang mga report dahil year-end na kailangan daw ihabol ang mga dapat ihabol.

Pero kahit kainti lamang kami ay sobra saya sapagkat once in a blue moon lang kami nagkakasama ng mga ito, isa mga kadahilan ay iba-iba ang aming mga oras sa trabaho at magkakalayo pa ng mga lugar. Meron sa Valenzuela, Taguig, Makati, Las Pinas, Fairview at New Caledonia.

Pero syempre bago ang lahat magpapasalamat muna kami sa aming butihing kaibigan na itago na lamang na nating sa pangalang Archieviner na nasa ibang bansa ngayon (tsong miss ka na namin hahaha) na siyang nag bigay o mas tamang sabihin nagsponsor ng aming pagkain sa aming ginanap na gift-giving.

Kahit ganun nakasama naman namin siya salamat sa Social Media (Facebook Video chat at Skype) at nakausap namin siya at nakapagpapicture kami hahaha.


Narito ang ilan sa mga piling mga larawan sa naganap na gift-giving.


 Km, Fe and Irene
 Live via Skype with Archieviner

 Looking for yummy menu









Muli Archieviner maraming salamat sa food!

Di bale sa susunod kasama ka na di ba?

Maligayang Pasko sa inyong lahat!

Para sa iba pang mga larawan ILike lamang ang AXL Powerhouse Production Inc.


6 comments :

  1. Eto na yun. ahihi. Namiss ko din kayo. Next year dapat kumpleto na :)

    ReplyDelete
  2. wow! katuwa naman.... tagal na pala kayong magkakaibigan hehehe

    ang saya naman!

    Merry Christmas!

    ReplyDelete
  3. natuwa naman ako sa larawan ni ArChieviner with PikNik... may sumagi lang sa isip ko...

    Mukha ngang masaya...

    ReplyDelete
  4. haha nice oh pumaparty di nag iinvite hahaha my special participation pa si pareng archieviner

    ReplyDelete
  5. Wow, mukhang naging masaya naman ang gift giving niyo. :) Happy holidays Axl. :)

    ReplyDelete