Thursday, December 13, 2012

Team Kapamilya Simula Noon Hanggang Ngaun #NCA2012


4:30 na Ang TV na!!!!!!!!!!!!!!!!

Isa sa mga naging paborito kung palabas noong bata pa lamang ako, sino nga ba ang di makakalimutan sa mga walang kamatayang "nge!" pagkatapos ng isang nakakatawang dyok mula sa mga batang artista tulad nila Angelu De leon, Camille Prats at ng iba pa.


Sa pagdaan ng panahon marami na rin ang nagbago mula magiging STAR Network patungo bilang Kapamilya Network kung saan mas nagbigay sila lalo ng kasiyahan at tunay na public service. Sinu nga ba ang di makakaalam ng Hoy Gising! na ngaun ay Failon Ngayon, ang Magandang Gabi Bayan ni Noli De Castro kung saan mas inaabangan ito tuwing Undas dahil sa katakot-takot na katatakutan, ang longest comedy show ni Comedy King Dolphy ang Home along da riles at syempre ang teen oriented show na G-mik na ngaun ay pinagpapatuloy ng Luv U.

Sa pagdaan ng panahon mas lalo pinatingad ng Kapamilya Network ang kanilang palabas kaya naman mas lalo akung panatiko ng network na ito, dahil kung anu ang gusto naihahain nila sa tamang pagkakataon at nang maayos.

Kaya naman mula noon hanggang ngaun isa ako tunay na kapamilya. Kaya binoboto ko ang Kapamilya Network ABS-CBN 2 bilang “Favorite TV Station of the Year: Bloggers’ Choice #NCA2012 Ang Netizens’ Choice Awards ay isang proyekto ng LionHearTV, Starmometer and Showbiznest.

3 comments :