Friday, March 1, 2013

Blogging Is Fun : Bloggers Event and Bloggers Outreach


Sabi nga nila isa sa mga benefits ng isang blogista ay ang maimbitahan sa mga events mapa-red carpet man ito, product launching, movie, o maging isang reviewer sa isang restaurant, siguro ako dun dahil ako mismo ay nakaranas nito, sa di inaasahang pagkakataon.


Isa sa mga official event na napuntahan  ko ay walang iba kung di ang product launching ng ni Georgina Wilson (isa sa mga sikat na elite fashion at ramp model) at nagkataon naman na si Georgina Wilson ay isa sa mga crush ko sa mundo ng modelling at syempre dahil ito ang aking unang official event ay di ko alam ang aking gagawin, buti na lamang mababait ang mga nakasama ko at nakilala kung mga bloggers sa event na iyon

Narito ang buong detalye GARNIER'S EVENT WITH GEORGINA WILSON

Pagkatapos ng event na ito ay unting-unti na rin ako nagkaroon ng mga ilan mga imbitasyon mula sa mundo ng telebisyon,sinehan o maging sa teatro na rin.

Isa sa pinaka the best the bloggers event na napuntahan ko ay walang iba kung di ang bloggers conference ni Yeng Constatino, bakit kamo? simple lamang naman dahil isa rin siya sa mga crush ko haha, simula pa lamang ng Pinoy Dream Academy ay naging tagahanga na niya ako, di lamang sa ganda niya kungdi dahil na rin sa kanyang personalidad lalo na kung nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap sya ng one-on-one para sa kanyang bagong about na album na Metamorphosis.

Yeng like AXLPPI

Para sa kumpletong detalye sa naganap na mag-uusap pumunta lamang sa YENG CONSTANTINO IS FALLING INLOVE WITH CHINITO .

At syempre di lamang puro event ang social life ng isang blogista, kungdi kasama na dito ang pagshare ng mga blessing na galing kay papa God, isa sa mga unang masasabi kung naging bahagi ako ng isang outreach ng mga blogista ay ang Blog Mo, Ipasuot Mo.


BMIM Ikatlong Sabak

Nagpapasalamat ako sa mga bumubuo ng BMIM sa masaya pagtanggap sa akin sa kanilang group at pagsama sa akin sa kanilang outreach noong ikatlong sabak. siya nga pala anibersaryo ng BMIM ngaun Marso, actually bukas ang anniversary sabak nila sa Bulacan, gusto ko sana na pumunta kaso may prior commitment na ako, pero di bale ika nga nila may iba pang pagkakataon.

At ang bagong group naman na nakasama ako walang iba kungdi ang Pinoy Bloggers Outreach o mas kilala bilang PBO.

PBO First Project


Ikaw anung kwentong Bloggers Event at nakasali ka na ba sa mga bloggers outreach program?

Kung di pa? Tara na at magkijoin na!!




9 comments :

  1. Nakakatuwa naman! Sana makasama ako sa PBO someday :)

    ReplyDelete
  2. haha nice sikat ka talaga kung sino sino taartits nakakasama mo

    dapat makapunta na ko sa pbo out reach para makatulong man lang

    ReplyDelete
  3. Kailan kaya ako makapunta sa isang blogger events? hahaha

    parang ang saya lang ah! nakakainggit!

    P.S. ang rami mo namang crush! hahaha

    ReplyDelete
  4. wow. super astig. truly, blogging is fun

    ReplyDelete
  5. Ikaw na nakatabi si Yeng! Hehe

    ReplyDelete
  6. Ikaw na talaga Axl. Iba ka. Pati si Yeng napahawak mo ng ganun. hihi

    Daming events ah. Thanks for supporting PBO :)

    ReplyDelete
  7. maraming salamat din at naging bahagi ka ng BMIM.. sama makasama ka naming muli sa mga susunod pang mga sabak..

    ReplyDelete
  8. pasensyahan boss di ako nakagawa ng video medyo busy pa.. huhuuh... pero malapit na talaga anniv.. heheh happy anniv in advance :)

    ReplyDelete