Wednesday, April 17, 2013

Daniel Padilla handa na sa kanyang Birthday Concert


Handang-handa na ang lahat ng production numbers at surprises para sa pinakaaabangang post-birthday concert ng Kapamilya teen sensation na si Daniel Padilla na gaganapin sa Abril 30 (Martes) sa Smart-Araneta Coliseum. Magdiriwang si Daniel ng kanyang 18th birthday sa Abril 26.






"Gagawin ko ang lahat para maging successful 'yung show," ani Daniel na ibibida ang 'old school rock' music sa lahat ng dadalo sa concert. "Regalo ko ito sa fans ko. Gusto kong makabawi sa lahat ng ibinigay niyong suporta sa akin kaya mag-enjoy lang tayo sa araw na 'yon." - Daniel Padilla.





Fresh mula sa box-office success ng first movie nila ng ka-love team na si Kathryn Bernardo na "Must Be...Love" at maging sa multi-awarded song niyang "Nasa 'Yo Na Ang Lahat" sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2013, todo-arangkada na ang platinum-selling recording artist ng Star Records sa concert niya na katatampukan ng ilan sa pinakamalalalpit na tao sa kanya, kabilang ang "Princess and I" co-star niyang si Khalil Ramos at ang kanyang 'prinsesa' na si Kathryn.



"Isa sa mga dapat ninyong abangan ang mga piling mga kanya ko."

Sa ilalim ng produksyon ng Star Records, ang "Daniel LIVE: A Birthday Concert" sa Big Dome ay magsisimula ng 7:30pm sa Abril 30. Mabibili ang tickets sa Ticketnet outlets at sa Smart Araneta Coliseum Box Office (Yellow Gate). Tumawag lamang sa 911-5555 o mag-log on sa www.ticketnet.com.ph.

2 comments :

  1. wow gusto ko siya mameet in person axl sama mo nmn ako sa mga lakad mo

    ReplyDelete
  2. dami ding haters ng batang yan...

    ReplyDelete