Friday, July 19, 2013

Bakit Di Ka Crush Ng Crush Mo The Movie

Kung mahilig kang magbasa ng mga aklat marahil nabasa mo na ang isa sa mga magandang libro ng sikat na Youtube Action Superstar na si Ramon Bautista, ang "Bakit Di Ka Crush Ng Crush Mo?"

Anu nga ba ang kwento ng "Bakit Di Ka Crush Ng Crush Mo?" simple lang sa titulo pa lamang ng libro marahil alam muna kung ano ang nilalaman ng libro, katulad na lamang ng friendzone, break-ups, LDRs, at iba pang bagay tungkol sa pag-ibig. Pero syempre dahil ginawa itong pelikula magkakaroon ng istorya, dahil sa libro mostly nakalagay lamang doon ang ilan sa mga advice ni Ramon Bautista.

Anu-anu nga ba ang mga quotable quote o mga highlights ng libro na maaring makita sa pelikula.

 10 reasons kung bakit hindi ka crush ng crush mo:
1. Panget ka.
2. Masama ugali mo.
3. May shota siya.
4. May shota ka.
5. Bakla/Tomboy siya.
6. ‘Di kayo match sa horoscope.
7. Okay ka naman pero siniraan ka ng mga friends nya.
8. High maintenance ka.
9. Trip mo yung mga ayaw nyang TV shows.
10. Wala ka sa radar A.K.A. Hindi ka nya napapansin.

Simply put, the best revenge is to live an awesome life.

Hindi ako naniniwala sa fate, destiny at soul mates. Ang mundo ay binubuo ng mga pangyayaring random na kaganapan. Bahala ka sa buhay mo.

The only stupid question is the question that is never asked.

Kung hindi mutual ang felings natin, pwes, gagawin kong mutual. Ayaw ko na rin sa'yo.

Life is fun if you just find out how.

TANDAAN: mahirap mafriendzone, pero madali lang gumanti!

Abangan kung paano nga ba gagamitin nila Edward at ang  tatlong decision making bodies ang mga tao. Utak, puso at bird.

Anu naman ang dapat abangan sa "Bakit Di Ka Crush Ng Crush Mo" The Movie.





Simple lang dahil ito ang kauna-unahang movie team up nila Xian Lim at Kim Chiu pagkatapos ng kanilang successful teleseryeng "Ina,Anak,Kapatid".

Synopsis 
“Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo” isa a ‘self-help’ comedy movie about the lives of brainy ‘ugly duckling’ employee Sandy Veloso (Kim) and his rich and dashing boss Alex Prieto (Xian).

From an interesting encounter, the boss and the assistant will find themselves sealing a deal–Sandy will help Alex learn the ropes for him to effectively run their company, while Alex helps Sandy learn to play the practical game of dating and relationships for her to get back on her ex-boyfriend Gardo and not get her heart broken ever again.

Isa rin sa dapat abangan ang mga karakter nila Kean Cipriano, Diane Medina, Jojit Lorenzo, Ryan Boyce, Lilia Cuntapay, Tonton Gutierrez, at ang sumulat ng libro na si Ramon Bautista.

Para sa iba pang mga larawan pumunta lamang sa official fanpage ng AXLPPI.

2 comments :

  1. Uhmm nag dadalawang isip ako kung manunuod ako neto.. pero mukhang kakatawa naman siya

    ReplyDelete
  2. mayroon kabang gamit na gusto mong ibenta? post mona dito siguradong mabibili yan sa Anunsyo.ph

    ReplyDelete