Tuesday, October 1, 2013

Richard Yap "Ser Chief" ganap ng singer

Sinu nga ba ang di makakakilala kay Richard Yap o mas kilala ngaun bilang Ser Chief mula sa teleseryeng pangtanghali na "Be Careful with my Heart" kasama si Jodi Sta.Maria o mas kilala bilang Maya, kamakailan lamang ay inilaunch na ang kanyang kauna-unahang album na self-title album.

Isa sa mga pangarap ni Richard Yap ay ang magkaroon ng sariling album dahil bata pa lamang siya ay mahilig na siyang kumanta, sa mga di nakakaalam noong college siya ay meron siyang banda at di lamang yun ang dream niya ay maging isang lounge singer.

Isa sa mga paboritong siyang singer ay si Kenny Roger at si Jose Marie Chan.

Ilan sa mga naging impluyensya niya sa mundo ng musika ay sila Queen, Barry Manilow,Kenny Rogers Hall and Oates, Phil Collins at Mike Francis.



Tinanong siya ng kasamahan naming blogger kung may nararamdaman ba siyang pressure sa kanyang unang album, ani niya "wala naman pressure kasi lahat naman ng genre pasok dito dahil may pop,ballad at alternative. Hindi lamang sila para sa music fans na ka-age group ko kundi maging sa teens at in-betweens."
Dagdag pa niya, "Naka-espesyal sa akin nitong album na ito kasi pinagpaguran namin para siguradong sulit sa mga tao,sana tulad ko ay magustuhan siya ng lahat ng amin supporters."


Tampok sa solo debut album ni Richard Yap ang revivals ng "Don’t Know What To Do, Don’t Know What To Say" na personal choice niya, “Promise Ain’t Enough,” “Think I’m In Love Again,” “Can Find No Reason,” “You Take My Breath Away,” “Chasing Cars,” “High,” “Afterglow,” at ang “Oh Babe” na chinese version.

Mabibili na ang album ni Richard Yap sa lahat ng records nationwide. Maari na rin itong madownload sa internet ang kanyang tracks pumunta lamang sa iTunes, Amazon.com at MyMusicStore.com.ph

Para sa karagdagan nga larawan pumunta lamang sa
https://www.facebook.com/media/set/?set=a.680585858621003.1073741916.119203451425916&type=3


3 comments :

  1. Interesting... Buti na lang at crush ko siya. *hihi*

    ReplyDelete
  2. wow... galing naman... at buti ka pa daming artistang na meet na.... kainggit naman.....

    ReplyDelete
  3. Halos same kami ng influence ...bat wala pa ako album? just kidding.

    magandang mapakinggan ang boses nya para maiba naman sa mga normal na kantahan... yung pang-lounge pero masa ang market.

    ReplyDelete