Thursday, December 5, 2013

Time to enjoy life in a convenience way!

Sabi nga nila may mga bagay talaga sa mundo na ang hirap gawin at di mo alam kung ligtas pa ito at tama ba ang kanilang ginawa. Syempre kung isa kang Yuppie o Young Professional mas gusto mo yung mga bagay na madali at mabilis lalo na sa panahon ngaun na ang dami-dami pagbabago na nanyayari, buti na lamang at pumunta ako sa Blogapalooza 2013 para malaman ang iba't-ibang mga bagong apps o quick-services na nababagay sa ating mga Yuppies.

Isa na dito ang Grab-A-Taxi, masasabi ko na isa ito sa mga best app na nagustuhan ko sapagkat tested na siya sa Pilipino market at sigurado ka na ligtas ang taxi na sasakyan mo, lalo na ngaun na mahirap sumakay ng taxi dahil sa dami ng mga modus nila, isa na dito ang mabilis na metro, ililigaw ka pa o kaya naman at pagnanakawan ka pa. Paano nga ba nagwowork ang Grab-A-Taxi simple lang naman siya para ka lang nag download ng game app, i-download ang apps na GrabTaxi sa iyong smart phones, tapos magbook ng taxi at mamili ka kung saan ka pa pupuntahan ng taxi at kung saan ang iyong destinasyon yun nga lamang may dagdag na 70Php na bayad para sa booking at syempre kasama na dun ang tips sa driver, may kamahalan oo pero sigurado ka naman na safe ka sapagkat nakatrack ang kanilang taxi sa mismong server nito. Para sa iba pang detalye sa GrabTaxi pumunta lamang sa www.grabtaxi.com./mnl/

Isa din sa mga nagustuhan kung site o app ay ang ZipMatch para siyang Sulit kasi andun na ang lahat ng detalye na gusto mong malaman sa real estate pagdating sa mga lugar na gusto mong rentahan o bilhin kung baga one stop na siya kasi nakadetalye na doon ang lahat kagaya na lamang kung sinu ang developer,sinu ang broker, saktong address ng real estate at di lamang yun nabigyan ako ng pagkakataon para makita ang kanilang site, i must say amazing lalo-lalo na yung part ng virtual reality kung saan para ka na rin nag tour mismo doon sa loob ng bahay sapagkat meron silang 360degress view, oh di ba kaya naman sigurado akong magugustuhan ito ng mga mahilig na mag-invest sa mga condo or sa mga gusto magplan na bumili ng mga bahay. Para sa iba pang mga detalye pumunta lamang sa kanilang site na ZIPMATCH.

Isa sa mga nagustuhan kung booth sa Blogapalooza ang Enjoy Philippines. Bakit dahil pangalan pa lamang nito na Enjoy Philippines eh talaga naman na maeenjoy mo ang Pinas dahil sa kanilang mga partner established na subok na at siguradong mag-eenjoy ka lalong-lalo na kung medyo kuripot ka dahil may mga special discount at promo sila sa kanilang mga partner established mula sa restaurant clubs, spa/clinics at hotel. Lalo na ngaun na simula na ang bigayan ng mga regalo tiyak ako na magagamit ito para sa bonding ng pamilya at mga kaibigan.
Para sa iba pang mga detalye para sa Enjoy Philippines bisitahin ang kanilang website www.enjoythebest.ph

So paano alam mo na kung saan at anu ang mabilis na paraan para magenjoy kahit na busy ka ngaun.

0 comments :

Post a Comment