Intramuros

Intramuros ay [(Latin) intra: within; muros:walls]. The popular name given to the walled city of Spanish Manila. The name “Manila” (it is claimed) derives from nilad, a type of mangrove that bore white waxy flowers (Ixora).

Luneta Park

Park or Rizal Park is one of the historic destinations in the Philippines.

MOA Eye At Night

Last February 18, 2012 nagkaroon ng isang munting gathering ang mga Helios para sa 1st gathering nito para sa 2012.....

MALL OF ASIA SAN MIGUEL BY THE BAY

Its time of Photowalk again actually its on my plan talaga na magphotowalk sa buong Mall of Asia sa loob mismo ng mall kaso bawal nga magtake ng mga pictures with the permission........

The Sunset

Sabi ka ni Adriaan Kortlandt “Once I saw a chimpanzee gaze at a particularly beautiful sunset for a full 15 minutes, watching the changing colors [and then] retire to the forest without picking a pawpaw for supper.

Saturday, December 28, 2013

My 12 Great Photographs of 2013

Sabi nga nila lahat sa mundong ito'y hindi permanente pero kaya naman gawan ng paraan upang ito'y di lumapas hindi ba?

Kaya naman narito ang aking year-ender na photographs na naging malaking ambag sa akin at naging parte ng masaya,malungkot,nakakatakot at ligalig na paggala sa iba't-ibang dako ng lugar.

At syempre papasalamat ko na din ang aking naging kasama sa paglalakbay na ito mula sa Powerhouse G5, Heritage Lakwatseros, Blog Mo Ipasuot Mo, Pinoy Bloggers Outreach, Datung Hunters Team at syempre sa mga blogista nakasama ko sa loob at labas ng online world.

A lot of people head into courtship looking for fireworks. Don't pass up a chance by dumping someone after a first date because you don't feel the fireworks. The fireworks can happen at any time and be maintained. - Helen Fisher 
Some books leave us free and some books make us free. - Ralph Waldo Emerson 

Trees are Earth's endless effort to speak to the listening heaven.- Rabindranath Tagore 

Architecture should speak of its time and place, but yearn for timelessness. - Frank Gehry 
The life of the dead is set in the memory of the living.- Cicero, Philippics

The city buildings in the distance are holding up the sky, it seems. - Markus Zusak, Fighting Ruben Wolfe
I don't dance like I used to, but I'm moving and I'll be doing my form of dance at Town Hall... I hit my limitations but I learn to work with what I've got.- Ben Vereen 
Everything human is pathetic. The secret source of humor itself is not joy but sorrow. There is no humor in heaven.- Mark Twain 
Food for the body is not enough. There must be food for the soul.- Dorothy Day 
What is success? It is a toy balloon among children armed with pins.- Gene Fowler 
A good goal is like a strenuous exercise - it makes you stretch.- Mary Kay Ash 
Nothing happens when you sit at home. I always make it a point to carry a camera with me at all times…I just shoot at what interests me at that moment. – Elliott Erwitt


So paano hanggang dito na lang, kita-kits na lang tayo sa 2014 at sana makasama ka sa aking muntong Powerhouse Journey! Hapie New Year!

Monday, December 23, 2013

Saranggola Blog Awards 2014 | Winners

Isa sa mga pinakahihintay ng lahat ay ang Saranggola Blog Awards dahil dito nagsasalo-salo ang ilan sa mga sikat at mga bigatin mga bloggers. Ito rin ang pagkakataon para makilala ng personal at mga idolo mo kung dati rati ay nakakausap mo lamang sila sa online pwes dito sa Saranggola Blog Awards makikita.

Anyway anu nga ba ang Saranggola Blog Awards o mas kilala bilang SBA?

Ang Saranggola Blog Awards ay isang contest sa internet kung saan gagawa ka ng isang tula, maikling kwento, sanaysay at kwentong pambata. Dito mo paipapamalas ang iyong galing sa pagsusulat gamit ang ating pambansang wika.

Pero bago ko muna sabihin kung sinu-sinu nga ba ang mga nanalo ay nagkaroon muna ng kaunting pagpapakilala sa mga bloggers na dumalo at kaunting mga palaro para naman mas mabuhayan ang mga ito.

At syempre bilang mga bloggers nagbintana na rin si Sir Blue isa sa mga founder ng SBA ng isang guest para sa amin, ang topic ay tungkol sa HIV, oopss wag mag-isip ng masama ha, isa po itong campaign kung saan binibigyan halata ang lifestyle ng mga tao ngaun, dahil ako sa statistic tumataas na daw ang mga bilang mga mga kabataan na nagkakaroon ng HIV dahil sa di tamang lifetsyle.

Para sa iba pang mga detalye tungkol sa bagay na ito maari ninyo po bisitahan ang kanilang official site http://www.loveyourself.ph .

Syempre ito na ang pinakahihintay ng lahat kung sinu nga ba ang mga nanalo ngaun taon para sa Saranggola Blog Awards .

Kwentong Pambata

Unang Karangalan 
"Alaala ni Santa" ni Joel Laig ng Tuyog Tinta ng Bolpen

Ikalawang Karangalan
"Gusto Ko Lang Naman Maglaro sa Labas" ni Jemaima Robles ng Tikatik ng Tiklado

Ikatlong Karangalan "Amoy ng Tahanan" ni Czarina Jhannette Ventura

TULA

Unang Karangalan
"Lipat Bahay" ni Emmanuel Barrameda ng Balikwasak

Ikalawang Karangalan
"Talambuhay ng Isang Tahanan" ni Erwin Aguila ng LipadLaya

Ikatlong Karangalan
"Warat" ni Ramil Gubalene ng Blog,Poetry and Notion

Sanaysay

Unang Karangalan
"Bunso'y " ni Shoichi Ida ng Metaporista

Ikalawang Karangalan 
"Pagm-AMA-hal" ni Derrick Quibael ng Simpleng Manunulat

Ikatlong Karangalan
"Piring" ni Kevin George Barrios ng Kevincibles
Ikatlong karangalan
"Salamat Inay at Itay" ni Ronnie Mia ng NiteWriter

Maikling Kwento
Unang Karangalan
"Katre" ni Emmanuel Barrameda ng Balikwasak

Ikalawang Karangalan
"Retasa" ni Marie Giselle Dela Cruz ng Omaygash!

Ikatlong Karangalan 
"Sampung Piso" ni Jerson Capuyan ng Serendipity101

Para sa iba pang detayle maari lamang kayong pumunta sa official site ng SBA www.saranggolablogawards.com

Narito ang ilan sa mga larawan na naganap noong SBA Awards night











So paano kita-kits na lang ulit tayo next year sa Saranggola Blog Awards, sana this time makagawa na ko ng isang kwento!


Friday, December 20, 2013

Mga Anino ng Kahapon Film By : Alvin Yapan | Review

Mga Anino ng Kahapon Poster
Mga Anino ng Kahapon ay isa sa mga kalahok na pelikula para sa New Wave Category ng Metro Manila Film Festival na ipinapalabas sa Glorietta 4 Cinema 1 at sa Sm Megamall Cinema 7 sa buong linggong ito.

Anu nga ba ang kwento ng Mga Anino ng Kahapon?
Ang Mga Anino ng Kahapon ay tungkol sa schizophrenia. Ang schizophrenia ay isang uri ng sakit sa pag-iisip kung saan ang isang tao ay dumadanas ng pagkahibang at mga guni-guni, yung bang parang may kausap sila pero wala naman, feeling nila may sumusunod o humahabol sa kanila pero ang totoo gawa-gawa lamang iyon ng isang imahinasyon.

Pero syempre di lang schizophrenia lahat tumatalakay din ito sa pamilya, buhay ofw, relasyon ng mag-asawa at sa komunidad.

Ang kwento ay iikot sa pag-asawang Ed (TJ Trinidad )at Irene (Agot Isidro ) kung saan parehas silang mga nars ngunit dahil nga mas malaki ang kita ng nars sa ibang bansa ay nagpasya si Ed na pagsamantalang iiwanan ang pamilya at magtrabaho sa Dubai. Ngunit wala pang ilang buwan na paglisan ni Ed ay nagsisimula na magkaroon ng sakit si Irene, sapagkat may nakikita siyang mga rebelde at mga sundalo noong panahon ng Martial Law ngunit ang di niya alam ay isa na ito sa mga sintomas ng schizophrenia.

Alamin natin kung paano nga ba nalagpasan ni Irene ang sakit na schizophrenia.

Mga simpleng pag-uusisa sa pelikula

Hindi ako fan ni Tj Trinidad kahit na sabihin nating naging parte siya ng Abs-Cbn hanggang sa lumipat siya sa GMA dahil parang masyado raw pa yung akting niya pero nagulat ako kung paano niya nagawang ibahin ang atake niya sa bawat eksena niya dito, hindi ko alam kung dahil ba yun sa galing ni Direk Alvin Yapan, isa sa mga nagustuhan kung eksena dito ni TJ ay kung paano niya suportahan at alagaan sa kabila ng sakit niya.

Kay Agot Isidro wala ako masabi sa akting niya talaga naman nadala ako dito lalong-lalo na sa eksena kung saan may dumadalaw daw umaano sa kanilang bahay na mga rebelbe at yung huling atake ng schizophrenia sa kanya, grabe lang ang intense ng eksena na yun. Kung basa para siyang si Sisa sa galing ng akting niyang iyon.

Papakawalan ko ba ang maliliit na detalye syempre hindi no, special mention kay Carlo Cruz (bilang kapatid ni Ed) kahit na sabihin nating ensemble lang ang dating niya dito ay di pa rin matatawaran ang galing niya sa pag-arte lalong-lalo na sa eksena kung saan nakisakay siya kay Irene na kunwari ay nakikita niya rin ang mga rebelbe at yung nakita niya si Irene na may kinakausap sa hospital kung saan umanoy dinalaw daw siya ng kanyang girlfriend.

Kay Direk Alvin Yapan, di parin ako binigo sa kanyang mga pelikulang ginagawa, mula sa Ang panggagahasa kay Fe at Ang sayaw ng dalawang kaliwang paa kung titignan mo ang kanyang mga ginawa mapapansin mo na gawan gawa niya ay may kinalaman sa nangyayari sa lipunan natin ngaun na di gaano napapansin ng iba marahil naisip din niya na isa ang schizophrenia  sa dapat bigyan ng pansin sapagkat di biro ang sakit na ito dahil lifetime ang gamutan. Kaya naman kudos kay Direk Alvin sa mahusay na pagdedeliver at magderik ng pelikulang ito.

Narito ang ilan sa mga larawan sa premier night ng Mga Anino ng Kahapon.


TJ Trinidad and Agot Isidro 

Lead star TJ Trinidad and Agot Isidro 

The cast and staff of Mga Anino ng Kahapon

The cast, director and the producer

Agot Isidro and Jimmy Paredes talks about the amazing Mga Anino ng Kahapon

Bibigyan ko ng 7.9/10 na rating ang Mga Anino ng Kahapon.

Kaya wag na wag mong papalagpasin ang pelikulang ito, malay mo meron ka na ding sintomas ng schizophrenia.

Dukit film by: Armando Y. Lao | Review

Dukit ay isang kapampangan word na ibigsabihan sa tagalog ay inukit sa kahoy.

Isa ang Dukit na kasama sa New Wave Category ng Metro Manila Film Festival 2013 o mas kilala bilang MMFF 2013.

Anu nga ba ang kwento ng Dukit?

Ang kwento ng dukit ay tungkol sa isang matagumpay na mang-uukit sa lungsod ng Pampanga at di lamang yun sapagkat sumasalamin din ito sa buhay ng isang ordinaryong Pilipino mang-uukit man o hindi.

Si Waldo ay isang masipag at matagumpay na dukit sa Betis, Pampanga, bata pa lamang siya ay naging mang-uukit na siya ng mga santo sa simbahan, sa murang edad pa lang ni Waldo ay nakaranas na siya ng kahirapan mula sa kanyang ama na iniwan siya para sumama sa kabit nito, ang pagkamatay ng kanyang ina.

Kaya naman si Waldo na ang umako ng lahat ng responsibilidad para sa kanyang 3 babaeng kapatid at hanggang sa mapakasal niya ang kanyang childhood sweetheart na si Bebeng. Di naging madali ang naging sitwasyon nila noong pakasalan niya si Bebeng sapagkat madaling paghihirap ang kanilang tinamo kasama na dito ang pinansal na pangangailangan.

Pero dahil nga likas na maabilidad, talino, disiplina at maniniwala si Waldo at syempre dahil tiwala na binigay sa kanya ng katolikong simbahan sa kanya, kaya naman mula sa pagiging isang simple mang-uukit ay naging kilala at sikat ang mga gawa niya di lamang sa Betis kungdi sa karatig bayan nito.

At syempre mawawala ba naman ba ang isa sa mga naging higlight ng pelikula ang pagpapatawad ni Waldo sa kanyang ama sa mga naging kasalanan nito sa kanya at kanyang ina.

Mga natutunan ko sa pelikulang Dukit.

Una pinakikita dito ang pagmamahal at passion sa iyong ginawa lalong-lalo na kung ito ang dahilan upang mabuhay ka.

Ikalawa lahat tayo nasasaktan at nadadapa pero parte iyon bilang isang tao kaya naman dapat bumangon ka at harapin ang anumang pagsubok na darating.

Ikatlo matuto kang mangpatawad kahit sabihin natin na isa ang pagpapatawad sa mahirap gawin lalo na kung ang isang taong may kasalanan sa iyo ay mahirap matawarin pero sabi nga nila mas masarap sa pakiramdam na wala kang dinadalang mabigat sa loob mo hindi ba? At kung ang Dios nga ay marunong magpatawad tayo pa kayang tao lamang.

Mga simpleng pag-uusisa sa pelikula.

Maraming nasasabi na magulo ang pelikula dahil hindi linear ang mga bawat eksena nito at medyo magalaw ang kamera lalo na may parte ng sayawan at sa inuman session nito ngunit para sa akin maganda ang pagkakalahad nito ika nga ng isang kaibigan kung nanood din "Kahit gusto ko nang lumabas para jumingle ay di ko magawa sapagkat ang bilis ng mga eksena kaya dapat tutok ka at alerto ka", tama nga naman ang kanyang sinabi lalong-lalo ang mga eksena kung saan nakita ni Waldo ang ginagawa ng kanyang ama sa fiesta, masakit ito sa parte ng bata sapagkat ang iyong inaakalang masaya at perpektong pamilya ay hindi pala.

At ang isa sa mga best scene dito ay ang pagsabi ni batang Waldo kay Bebeng na "Bebeng balang-araw papakasalan kita."

Bibigyan ko na rating na 8/10 ang Dukit.

Tuesday, December 17, 2013

Christian Bautista and Brothers compose a Christmas song

Kasabay ng pagrenew niya ng kanyang endorserment ng Ink All-You-Can sa ikatlong taon ay opisyal na niyang inilungsad ang ginawa nilang kanta para sa mga naging biktima ng Yolanda kasama ang kanyang mga magagaling na kapatid na si Joshua Baustista at Jordan Bautista.






Ang titulo ang kanilang kanta ay "Paskong Pamasko" at makukuha ang kantang ito sa OPM2go.com, ang kikitain ng kanta ay idu-donate ng magkapatid sa World Vision kung saan isa si Christian Bautista sa volunteer.

Ito rin ang unang pagkakataon kung saan nagsasama sa isang munting kanta ang pagkakapatid na Bautista.

Ginanap ang kanyang renewal of contract sa Max' Restaurant noong 10 ng Desyembre 2013.

Para sa iba pang larawan pumunta lamang sa official fanpage sa facebook.
 

Monday, December 16, 2013

Fun with FIlipino Bloggers Worldwide

Isang piging naman ang naganap noong nakaaraang araw, kung saan nagsama-sama ang ilan sa mga mahuhusay na bloggers sa iba't-ibang niche nito.

Isa din itong pagkakataon upang makilala mo ang ilan sa mga hinahangaan mo sa mundo ng blogging at syempre pagkakataon mo na rin ito para makinig sa mga ilan sa mga naging speaker sa piging na ito na sina Jason Cruz at Stanley Chi.

Narito ang ilan sa mga larawan sa piging na ginanap sa SM Mall of Asia SMX.

Host of the night Ann Purificacion and Franc Ramon

One of the Speaker of the Night Jason Cruz

Second Speaker Stanley Chi

Lesson for the bloggers

Quotable Quote of the night

Winners of the raffle

The Social Media Influencer 

So far sobrang saya ng get-together dahil sa wakas nakapagpicture din ako sa isa sa mga founder ng bawal magshoot dito dahil sa tagal-tagal na namin nagkikita eh dito lamang ako nakapagpicture sa kanya.

Muli salamat sa Filipino Bloggers Worldwide Admin sa masayang get-together na ito! Kita-kits ulit tayo sa susunod na taon!

Para sa iba pang larawan pumunta lamang sa official fanpage ng AXLPPI sa facebook.

Saturday, December 14, 2013

My Little Bossing | Blogcon | Photoset

My Little Bossings (also known as Torky and My Little Bossings) is an upcoming 2013 Filipino comedy film for 2013 Metro Manila Film Festival entries that is to be released in theaters nationwide on Christmas Day (December 25, 2013) by OctoArts Films, M-Zet Productions, APT Entertainment, and Kris Aquino Productions . Directed by Marlon Rivera, starring Vic Sotto, Kris Aquino, Ryzza Mae Dizon, and James "Bimby" Aquino-Yap.

Vic Sotto as Torky Villanueva

Ryzza Mae Dizon and Story Writer Bibeth Orteza

Ryzza Mae Dizon as Ching
 Plot :

A man learns to take care of a boy not his own, and in the process realizes he’s never done anything for the daughter he had blamed for the death of his wife. Rejected in her youth, the daughter bears a girl she’s unable to acknowledge as hers at birth. Circumstances bring man and daughter and their respective wards together, and it is through the children’s innocence that the healing begins. Sarcasm turns into affection and irony translates into laughter. Fear is replaced by trust. Love, for the win!

Torky Villanueva, aka Bossing (Vic Sotto), works as personal bookkeeper to Barbara 'Baba' Atienza, a Forbes Park-based cash management specialist. He is funny and he likes to clown around, but the comic nature is really to cover up the loneliness that crept into his life after his wife died. It's a loneliness he thinks would be easier to deal with if he lived abroad, so he plans to someday leave the country and sell his house soon as he saves enough money. He privately agrees with Dan Brown: he lives in the gates of hell.

When Torky's employer Baba’s partner Marco Guzman accuses her of authoring a huge pyramid scam, she goes low-key to investigate Guzman and expose him as the real scam artist. Meanwhile she entrusts her 6-year-old son Justin (James Aquino Yap) in Torky's care, for he’s the one person Guzman will never think she will leave the boy with. Baba presumes Justin'll be happy with Torky, whom she believes to be warm and happy-go-lucky.


Bossing Vic Sotto : Syempre naman may pressure pa din ako sa MMFF.


So dont forget to watch the one of the funniest but fhere's a sense of truth My Little Bossing, this coming 25 of December 2013.

For more photos of tis blogcon, kindly go on the official fangpage of AXLPPI.

Thursday, December 12, 2013

Nakapagpag ka ba? | Pagpag, Siyam na buhay

Hinahandog ng ng Star Cinema at ng Regal Films para sa 39th Metro Manila Film Festival ang isa sa mga naakatakot at nakakakilig na pelikula ng taon ang Pagpag, Siyam na buhay, sa pangunguna ng Teen King at Teen Queen na sila Danile Padilla at Kathryn Bernardo kasama sina Paulo Avelino, Shaina Magdayao, Clarence Delgado, Miles Ocampo, Matet De Leon, Dominic Roque, Cj Navato, Michelle Vito, Janus Del Prado at Marvin Yap.

Mula sa direksyon ni Frasco Mortiz na nagdirek ng Luv U, Going Buliit at sa panulat ni Joel Mercado.

Anu nga ba ang kwento ng Pagpag, Siyam na Buhay?

Ang Pagpag, Siyam na buhay ay hango sa pagpag na pamahiin na hindi dapat dumiretso sa bahay matapos makiramay at bumisita sa isang burol dahil maaring sumunod ang malas at masamang espiritu.

Ang subtitle naman na Siyam na Buhay ay kumakatawan sa 9 na sikat na pamahiin na kunektado sa kamatayan at mga burol na siyang pinapaniwalaan at sinusunod ng madaming Pilipino hanggang sa mga araw na ito.
May kasabihan na maaring humantong sa labis na kamalasan ang mangyayari sa sino man ang lumabag sa alin man sa 9 na paniniwala.

Narito ang ilan sa mga makikitang mga paniniwala kapag ikaw nanood ng Pagpag, Siyam na Buhay.

1. Bawal hindi magpagpag pagkatapos ng lamay.
2. Bawal magwalis sa burol.
3. Bawal magpatak ng luha sa ataul.
4. Bawal manalamin sa burol.
5. Bawal maguwi ng pagkain.
6. Bawal pumunta sa burol kapag may sugat.
7. Bawal punasan ang luha sa ataul.
8. Bawal nakawin ang abuloy sa burol.
9. Bawal maghatid sa mga nakilamay.

Base sa trailer na nakita ko ang kwento ay iikot sa pagkakabarkada kung saan hindi nila sinunod ang ilan sa mga pamahiin na ito, ayun sa plot may kahindik-hindik na mga pangyayari ang magaganap sa di inaasahang pagbisita nina Cedric (Daniel Padilla) at kanyang mga kabarkada sa isang burol na inayos ni Leni (Kathryn Bernardo). Ang bawat miyembro ng grupo ay lalabag sa mga paniniwala at kasabihan. Di namamalayan nina Cedric at Leni na naguwi pala sila ng masama at mapaghiganting espiritu.

Sa Prescon | Cast

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Direk Frasco

Paulo Avelino

Shaina Magdayao

 Cj Navato,

  Michelle Vito

Miles Ocampo

(L-R) Paulo,Shaina,Direk Frasco, Kathryn and Daniel

Cast of Pagpag, siyam na buhay

Magtutulungan sina Cedric at Lani sa pagasang matatalo nila ang mga kababalaghang na kanilang kinakalaban. Ngunit parami ng parami ang mga napapahamak at nawawalan na sila ng mga paraan upang iligtas ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

Hanggang saan kaya hahantong ang pakikipagtalo nila sa mga masasamang espiritu?

Trivia:

Muling masasama ang bigating film outfit na Star Cinema at Regal Films pagkatapos ng 17 years, una nilang ginawa noong 1993 ang Adan Ronquillo na pinagbibidahan ni Bong Revilla.


Ipapalabas ang Pagpag, Siyam na Buhay sa mga sinehan sa buong bansa simula sa darating na 25 ng Disyembre 2013.

Kita-kits sa sinehan mga kapamilya!