Monday, January 6, 2014

A Place to treat your mind,body and sole: Foot Massage Lounge

Pagkatapos ng isang nakakastress na holiday dahil sa sunod-sunod na pagkain at pagbudget ng kung anu-anung mga bagay dahil sa dami ng bibigyan ng regalo, bakit di naman natin subukan ang magrelax, ika nga nila dapat paminsan-minsan meron ka din tinatawag na "Me Time" kung saan ipapamper mo naman ang iyong sarili sa isang nakakapagod at nakakastress na linggo o buwan.

Buti na lang naimbitahan ako ng isa sa pinakabagong bukas at susyalin tignan ngunit subalit mura naman, tamang-tama ito para sa katulad kung stress sa mga nagdaang mga linggo.

Ang "Foot Massage Lounge" oh di ba? Pangalan pa lang ng lugar talaga naman narerelax at mapapamper, pambungan pa lamang sa kanilang lugar isang malaking "wwoooww" talaga ang nasabi ko dahil ang ganda ng kanilang ambience panalo ang combination ng kulay na gold at black kumbaga parang pangroyalty ang dating.

Waiting Area of Foot Massage Lounge

At syempre dahil may nauuna na sa akin sa loob ay naghintay ako sa kanilang waiting area na talaga naman na sobrang ganda sapagkat may mga quotable line na mababasa ka at ang design ng waiting area para ka talagang nasa hotel.

At syempre habang hinihintay ko ang akong slot nagkaroon ako ng pagkakataon para naman mainterview ang tao sa likod ng magandang Foot Massage Lounge na walang iba kungdi si Ms. Cat Ilacad na siya din ang nasa likod ng successful na Posh Nail.

The owner Ms. Cat Ilacad

Unang taong ko sa kanya anu yung konsepto bakit ganito ang dating ng Foot Massage Lounge kumpara sa ibang massage parlor na nakikita namin?

The usual set-up in other massage lounges are crowded chairs in common rooms where one has to contend with noise and chatter. My concept is that of a boutique hotel lounge, where one can relax and luxuriate in a quite setting. ani ni Ms Cat Ilacad.

Talaga naman tama siya dun sapagkat oo nga naman pumunta ka sa isang massage lounge para makapagpahinga hindi para makinig sa mga kwentuhan ng katabi mo o ng ibang tao ta di lamang yun talaga mukhang hotel ang dating ng kanyang foot massage lounge, panalong-panalo siya.

Syempre tinanong ko naman siya kung bakit gold at black at kanyang napiling kulay.

"To give the feel of elegance and opulence in preparation for the luxurious pampering from their highly-trained massage therapist." ani ni Cat Ilacad.

At syempre ang huling tanung ko kahit na alam ko na kung anu ang sagot haha, kung anu ang magiging benefits nito sa aming mga kliyente niya, sabi ni Ms Cat Ilacad, "from traditional medicine practices, foot reflexology is believed to not only soothe sore feet, it can alleviate most other body aches and pains, We also combine foot reflexology with smoothing massage for the head, neck, shoulders and back, that will help reduce muscle tension, improve blood circulation and relieve acute and chronic pain. Our massage is also recommended to induce better lymph movement, improve and increase the mobility and range of motion of joints."

Pesto pagkatapos ng kaming unting usapan ay tinawag na ako upang ako naman ang kanilang imassage then pagpasok ko pa lamang sa kailang massage masasabi kong pinag-aralan nilang mabuti ang konsepto na ito, kung baga hindi basta-basta sa ganda ng design.



Dalawa ang inooffer nilang type of massage ang Deluxe Foot Massage which focuses on foot reflexology and is done for 60 minutes sa halagang Php600.00 at ang kanilang FML Signature Massage which is a 75-minute shiatsu and reflexology treatment sa halagang Php750.00. Ang aking pinili syempre ang FML Signatura Massage dahil di lamang ang iyong paa ang marerelax pati ang iyong buong katawan, syempre may mga preparation na ginawa at i most admit sobrang galing mga therapist nila natumpok nila ang dapat na matumpok sa sakit ng katawan ko kahit na minsan parang may maling stroke (oo alam ko dahil certified therapist din ako). Pero all in all pasado ang mga therapist nila at nakaidlip nga ako dahil sa galing ng therapist.

Makikita nga pala ang Foot Massage Lounge sa 2/F Forum South Global Bldg. Bonifacio Global City, Fort Bonifacio, Taguig City.

Para sa iba pang mga detayle:
www.footmassagelounge.com / call mobile number : 0926-7334929 / landline : (02)218-6744.

Social Media Account:
INSTAGRAM @footmassagelounge
TWITTER @fmassagelounge
FACEBOOK: Foot Massage Lounge

So bibigyan ko ng rating na 7 ang Foot Massage Lounge dahil sa ganda ng ambiance, trained therapist at pasok sa budget.

Pasasalamat:
Marcie Linao of Love and Light Productions at Cat Ilacad of Posh Nail & Foot Massage Lounge sa masayang at nakakarelax na experience na ito.

4 comments :

  1. parang kailangan ko yan... pantanggal ng stress..... kung malapit lang sana.... thanks for sharing....

    mukhang kakaiba nga sa lahat....

    ReplyDelete
    Replies
    1. recommendable sya paps.. try mo minsan kung madadayo ka sa taguig..

      Delete
  2. need ni mama ng ganyan! one of these days yan naman gift ko sa kanya

    ReplyDelete