Monday, January 13, 2014

Kim Chiu And Xian Lim for Bride For Rent

Mula sa isang matagumpay na pagsasama ni Kim Chiu at Xiam Lim sa pelikulang "Bakit di ka crush ng crush mo" noong 2013 ay muli na naman silang magsasama para sa isang kwela at masayang pelikula ng taon na pinakamagatang Bride For Rent.

Ito ang unang pasabog ng Star Cinema ngayong bagong taon ang Bride for rent.

Anu nga ba ang kwento ng Bride For Rent?

Ang Bride for rent ay isang nakakaaliw at nakakatuwang love story kina Rocco Espiritu (Xian Lim) at Rocky Espiritu (Kim Chiu) na parehong desperadong nangangailangan ng pera. Kailangan magpakasal si Rocco upang makuha niya ang kanyang malaking mana habang si Rocky naman ay kailangan din ng pera pambayad sa kanyang renta, sa takot ng mawalan ng tirahan dahil malapit na siyang mapalayas kasama ng kanyang pamilya.

Makikipasabwatan si Rocco kay Rocky na papayag ng magpanggap na asawa ni Rocco kapalit ang malaking talent fee. Matapos ito isang katutak na nakakalokong mga problema ang kanilang haharap nina Rocky at Rocco. Uubra kaya ang kanilang plano o magiging biktima sila ng kanilang panloloko dahil baka magkaroon talaga sila ng nararamdaman sa isa't-isa?


"Palagi naming pinag-uusapan muna ang bawat eksena, dapat more pa ng ganito ng ganyan, pero boss ko si Kim sya pa rin ang masususnod [laughs] yung mga kakulitan nya natural nya talaga yun kaya masisiyahan po talaga kayo sa pangalawang movie na'min na ito" Xian said. "Actually tuloy-tuloy napo ito kasi in my personal note nag-sisimula napo akong mag-blog, it's www.xianlimm.com" anya ni Xian Lim

"Dito sa pelikulang ito makikita dito kung anu talaga kung anu talaga ang mag-asawa." - ani ni Kim Chiu

Direk Mae: May pressure to deliver and hit the numbers. It's a cloud hanging sa every project. Dagdag pa niya, "The reason why I say she found her niche is kasi, as compared to other actresses of her generation, meron siyang nagagawa na hindi nagagawa ng iba. May naibibigay siya na hindi naibibigay ng iba. Kumbaga, she can be sweet, but she can be sexy. She can be funny, but she can do drama. So anglaki ng potential niya dito sa genre na 'to, in rom-com. I would say she's a "rom-com princess." She can own it and she can go very, very far pa pag nag-grow pa siya."

"Lalo na yung mga punchline na makikita sa BrideForRent galing kina  Kim." ani ni  Carmi Raymundo

Mula ito sa manulat ni Carmi Raymundo at Charlene Grace Bernardo.


Makakasama nila Kim Chiu at Xian Lim sina Dennis Padilla, Empoy Marquez, Martin del Rosario, Lloyd Zaragoza, Matt Evans, Eda Nolan, Zeppi Borromeo, Marlann Flores at RJ Ledesma may special participation sina Ms. Pilita Corrales and Tirso Cruz III.

Mula sa direksyon ni Czarina Mae Cruz na ang pinakahuling pelikula ay ang smash hit noong 2013 na She The One.

Trivia:
Ito ang muling pagbabalik ng Asia Queen of Song Pilita Corrales sa big screen.

Ipapalabas sa lahat ng moviehouse nationwide ang Bride for rent simula 15 ng Enero.

Para sa iba pang larawan sa naganap na Bloggers Conference pumunta lamang sa AXLPPI Fanpage

Pasasalamat:
Kay Flow Galindez ng AngSawariKo.com at ng Star Cinema sa paanyayang ito.

3 comments :

  1. Tanda ko na talaga. Si Pillita Corrales lang kilala ko. .di rin ako nakakapanood ng film from the Phiippines. Thanks for the updates:)

    ReplyDelete
  2. Hahaha, tawang tawa ako sa commercial neto.. Yung Friends romans countrymen.. lend me your earss! hahaha. Wanna see.

    ReplyDelete
  3. papanuorin ko talaga yan trailer palng dame ko na tawa ee haha

    ReplyDelete