Wednesday, February 12, 2014

PHILIP Lifestyle Guy! Season 2 na!

Sabi nga nila di tatagal ang isang program sa telebisyon kung wala itong dating at walang matutunan ang mga madlang pipol, hindi ba? Pero dahil sa ganda, nakakaaliw na programa at nakakatakam na magkain tuwing may foodtrip sila, hala syempre mas madaming pagpipilian ang mga madlang pipol para dito! Kaya naman ang PHILIP Lifestyle Guy ay nasa season two, oo tama kayo! Ang nag-iisang lifestyle show para sa lahat ng madlang pipol ay season two! Mas pinasaya,pinatakam at information overload na ang inyong masasasaksihan ngaun sa PHILIP Lifestyle Guy!

Dahil sa tagumpay ng PHILIP Lifestyle Guy ay nagkaroon ng munting meryenda ang mga social media infliuencers kasama syempre ang magaling na host na si Philip Abadicio na ginanap sa isang heritage house sa San Juan, walang iba kungdi sa Chef Laudico Guevarra's.

Narito ang ilan sa mga naging eksena sa meryenda launch ng PHILIP Lifestyle Guy! Season 2.




At syempre bilang pasasalamat ay nagkaroon ng munting palaro ang nag-iisang lifestyler ng bayan na si Philip Abadicio, simple lang question and answer tungkol sa kanyang mga past episode at ilan sa mga nakakatakam na foodtrip. Masaya ako sa naging resulta ng event na ito sapagkat lahat kami ay nagwagi kung baga walang uuwing malungkot!

Syempre masaya din ako kay Sir Philip dahil sa tuloy-tuloy ang magandang feedback ng mga madlang pipol sa kanyang palabas at higit sa lahat kung talagang nanood ka ng show nila maari ka pang manalo ng papremyo, o di ba saan ka pa!

Mapapanood ang Philip Lifestyle Guy tuwing linggo, 11 a.m. to 12 noon sa TV5.

Philip Lifestyle Guy is produced by Style RPA Media, directed by Dave Hukom and Tootoots Leyesa, and written by Rod Divinagracia.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa dito pumunta lamang sa www.starpowerhouse.blogspot.com 

Nagpapasalamat ako kay Ma Joy Calipes-Felizardo ng http://www.gastronomybyjoy.com at kay Philip Abadicio sa kanilang pag-imbita ng personal sa akin.

0 comments :

Post a Comment