Monday, February 17, 2014

WickedMouth : Unang Putok Book Launch tagumpay!

Wickedmouth isa yan sa madalas kung bisitahin lalong-lalo na yung nagsisimula pa lamang ako dito sa mundo ng blogging sapagkat sa bawat poste niya ng mga gawa niya nawawala pansamantala ang mga stress sa opisina, di ko nga alam kung totoo nga ba ang kanyang sinusulat eh dahil sa galing niya maglagay ng mga komendya. Kaya naman di nakapagtataka kung bakit maraming nahumaling sa wickedmouth, sino nga ba ang di makakalimot sa isa sa mga the best post niya ang "Himala" na kung saan akalain mong isang movie review yun pala isang nakakatuwang pananaw sa palabas na iyon.

At dahil sa galing at husay na pinamalas ng may akda ng wickedmouth ay nagkaroon siya ng isang libro, libro kung saan mababasa mo ang ilan sa mga best trending at nakakaaliw na kwento mula sa kanyang blog, isa sa mga naging paborito ko na karakter na si Khikhi.

Narito ang ilang eksenang naganap sa book signing ng Wickedmouth Unang Putok




Mots (cartoonist), Glentot (author) and Khikhi (one of the character in the book)

The audience 

Book Signing Time
 
Busy sa kakapirma

One of the buyer

Sa dapat para special

The people behind the Unang Putok
Nakakatuwa sapagkat di naman ito ang unang beses kung umattend ng book launch pero maramil dahil naging fan din ako ng kanyang likha kaya naman may kopya ako ng libro (ang kaso nasa pinsan ko kaya di ko napapirmahan). Kaya ikaw kung gusto mong mawala ang iyong stress bili ka na ng libro, madami kang matutunan dito, ika nga ng isang pinsan ko parang kalevel niya si Bob Ong pero iba nga lang ang estilo ng pagsulat.

Mabibili ang Wickedmouth : Unang Putok sa lahat ng sangay ng National Book Store at iba pang Book Store sa bansa.

You like to see more photos of Wickedmouth : Unang Putok Book Launch ?
Like Us of Facebook

4 comments :

  1. Bongga ng unang putok dahil andming nasabugan hahaha

    ReplyDelete
  2. Sayang wala ako jan due to my financial incapability.LOLS! o isa lamang yan na patunay na di ako umiiwas Axl ha.. kahit sino di ko napupuntahan pag ala ako pera at me work ako kinagabihan.. defensive much

    ReplyDelete
  3. wow celebs! hehe as usual, wala pa din akong copy too busy and my budget is too tight this past few months haha

    ReplyDelete