Tuesday, July 8, 2014

Just Thai for second time around

Sabi nga nila kung mas nagusgustuhan kang bagay at talaga naman tumatak sa iyo yun, di ka magdadalawang isip na balikan ito at kunin ulit.

Bihira lang ako bumalik sa isang restaurant lalo't na kung nagustuhan ko ang ambiance, mga staff at higit sa lahat ang pagkain nito. Syempre naman babalikan mo ang isang bagay na alam mo naman na magpapasaya sa iyo hindi ba? Ayan ang nagyari sa akin noong bumalik ako sa Just Thai sa Molito branch nila sa Alabang, bumalik ako hindi dahil meron akong gift certifate kungdi bumalik ako dahil namiss ko din ang mga pagkain nila lalong-lalo na ang isa sa mga naging paborito ko na ang tamarind juice na talaga naman natural na natural, hindi siya yung powder juice lang o mas tamang sabihin na artical tamarind juice.

Ika nga ng pinsan ko na kasama ko kumain dito, ito ang legit tamarind juice, panalo ang lasa.

At syempre dahil gabi na rin ng pumunta ako sa Just Thai, isa lang ibigsabihin nun its time na para sa isang masarap na thai food para sa dinner. At syempre ang inorder ko yung naging paborito ko na rin ang Khao Krok Kapi o mas madaling sabihin na isang binagoongan na kanin na sinamahan pa ng isang masarap na hilaw na mangga na talaga naman na nagbigay ng isang twist sapagkat di mo lamang malalasahan ang asim kungdi lahat ata ng uri ng panlasa mula sa maalat dahil sa bagoong, sa matamis at asim dahil sa mangga at tamang lasa naman para sa scrambled egg na ito.

Trivia: Good for three ang pagkain ng Khao Krok Kapi pero sa kaso namin at dalawa lang kami, busog na busog kami sobra at parang heavy meal yung kinain namin.

At syempre ang mga staff ng Just Thai Molito na mas naging accomadating lalo na yung manager nito na pinaunlakan ako sa isang munting kwentuhan patungkol sa mga bagay-bagay mula sa bansang Thailand.

So paano hanggang dito na lamang ako, sana sa susunod na bisita ko sa Just Thai Molito ay makita kita at makakwentuhan di lamang patungkol sa pagkain syempre kasama na dito ang tungkol iba pang bagay.

Mga larawan kuha sa aking munting mobile phone.

0 comments :

Post a Comment