Monday, September 29, 2014

Liv Co | No Limits. Only Possibilities


Ang bagong ngunit mapangahas, ika nga ni slogan nila No Limit. Only Possibilities, oo nga naman alam naman natin na sa bilis ng takbo ngaun sa mundo ng social media maraming nagbabago, wala ng limitasyon kundi posibilidad na lamang kaya naman sigurado o maaring magbabago sa landscape ng isang lifestyle ng isang tao tungo sa social media.

Anu nga ba ang target market o niche ng www.LivCo.com.ph?

www.LivCo.com.ph ay naglalaman ng iba't-ibang mga pakulo kung saan andito podcast, audio visual presentations (AVPs), mga blogpost patungkol sa kanilang mga event mula sa mundo ng  entertainment patungo sa mundo ng business syempre mawawala pa ba ang IN ngaun ang lifestyle.

Ang aim ng www.LivCo.com.ph ay mapakilala kung anu nga ba ang bago at kakaiba para sa masa sa pamamagitan ng social media networks.


Isa sa mga pakulo ng LivCo.com.ph ay ang STORYAHE na kumbinasyon ng storya (isang salitang Hiligaynon na ibigsabihin ay story) at ang byahe (na means journey). Ang STORYAHE ay tumatalakay sa isang kwento ng iba't-ibang mga tao kung saan nagbibigay ng kanilang mga karanasan sa mga kanilang buhay mula sa isang maganda o masamang paglalakbay na talaga naman magbibigay ng aral sa mga manonood.

At nasabi na rin ang travel syempre di mawawala sa paglalakbay ang pagkain kung saan mabibigyan ng review sa mga lugar na napupuntahan kungbaga para siyang munting dokumentary style na vblog (video blog).

At bilang parte ng soft launch ng website LivCo.com.ph nagbibigay sila ng isang Block Screening (2 remaining movies) na sigurado kaabang-abang lalong-lalo na sa mga kabataan ngaun sapangkat isa ito sa mga masasabi kung naging paborito ng iilan sa alin ang The Hunger Games: Mockingjay (to be shown on November 19, 2014) at ang The Hobbit: The Battle of Five Armies (to be shown on December 17, 2014). Di ba masaya ang magiging ganap para sa isang block screening kaya naman kung ako sa iyo wag na wag kang magpapahuli, malay mo isa ka sa mga mapipiling tao para makapanood ng block screening.

Para sa iba pang mga detalye patungkol sa LivCo.com.ph maari lamang ninyo bisitahin ang kanilang opisyal na website.

So paano kita-kits na lamang tayo sa mga susunod na event ng LivCo, malay mo magkita tayo doon!

0 comments :

Post a Comment