Tuesday, September 23, 2014

RC Jamaican Patties

RC Jamaican Patties ay matatagpuan sa loob ng gusali ng Market-Market noon una akala ko isang fastfood chain ang RC Jamaican Patties kung saan nagseserve sila ng iba't-ibang mga putahe ng Jamaican food pero nagkamali pala ako sapagkat pagpunta namin doon ay isa pala itong kiosk, kahit ganoon ang naging reaction naisip ko na din ba bakit di ko subukan tutal andoon na rin naman ako malay natin magustuhan ko din ang ilan sa mga best seller nila.

Tara samahan mo akung tikman ang ilan sa mga menu ng RC Jamaican Patties.

Beef Royale

Isa siguro ang beef royale sa masasabi kung best seller nila sapagkat patok ito sa mga panlasa ng Pinoy dahil sa siksik sa lahat ng beef at di hangin, ika nga nila sulit ito lalo na kung on the go ka.


Beef Grenada 

Isang kagat at pagdumapo ito sa panlasa mo tiyak na lasang-lasa mo ang spicy ng beef grenada at sigurado akong patok ito sa mga taong mahilig kumain ng mga spicy food.

Beef Supreme

Gusto ko yung laman nito na combinasyon na masarap na beef at kaunting keso na nagbibigay ng kakaibang blend sa iyong dila.


Beef Jerky

Ang Beef Jerky naman ay naglalaman ng kaunting meat thin strip at dried meat. Gusto ko kung paano nila pagsama ang lasa ng medyo matamis na may kaunting sipa ng spicy.

Syempre pwede ba naman na walang iinumin.

Isa sa mga napili kung inunim ay strawberry juice shake at masasabi kung panalo ang lasa ng pagkakagawa nila marahil siguro may halong kaunting yugart ito na mas lalong nagbibigay ng matamis na lasa ng strawberry.

Ikaw? Gusto mo rin bang subukan ang RC Jamaican Patties? Bakit hindi at masasabi ko sayo na swak na swak ito sa iyong bulsa at pwede mo tong kainin kahit saan ka patungo.

0 comments :

Post a Comment