Wednesday, November 5, 2014

Iñigo Pascual at Sofia Andres debut movie titled "Relax, It’s Just Pag-ibig"

Relaks, It's Just Pag-Ibig iyan ang bagong pasabong ng Spring Films sa darating na November 12 kung saan masasaksihan natin ang mga bagong mukha sa mundo ng pelikula na pinagbibidahan nina Iñigo Pascual, Sofia Andres, Julian Estrada and Erica Villongco.

Cast of Relaks, It's Just Pag-Ibig
Baguhan sila pagdating sa pelikula ngunit di naman sila baguhan pagdating mundo ng entertainment sino nga ba ang di makakakilala sa bagitong anak ni Piolo Pascual na si  Iñigo Pascual, Julian Estrada na nagmula sa Estrada clan, Erica Villongco na galing sa girl group na Krissy and Erica at si Sofia Andres na kilala rin sa pag-akting sa Princess and I at MMK.


Anu nga ba ang storya ng Relaks, It's Just Pag-ibig?

Katulad ng nakasanayan na ng marami at sa titulo pa lamag nito ay alam na natin na patungkol ito sa pag-ibig, pag-ibig na maaaring first love, taking chances at pagkabigo.

Ayon sa ipinadalang press release "the story of a 16-year-old student Josh, who meet a fellow 16-year- old girl named Sari, who believes in a letter that tells the story of Salome and Elias. This particular Salome and Elisa promises a forever love under the Blue Moon.

At first Josh found Sari as something lunatic but in the long run he decided to join the lovely young lady to join her quest in finding it’s true love that put them in a journey to Leyte. Sari then, reunited with an old friend Kiko, who admitted that he was seriously in love with Sari.

The love triangle between Josh, Sari and Kiko features a romantic comedy that showcased how somebody fought for his love even though he is up against a well deserved challenged.

Sinu - sinu ang mga kasama pelikulang ito?

Inigo Dominic Pascual bilang Josh, Julian Estrada bilang Kiko, Sofia Andres bilang Sari, Erica Villongco bilang Cupcake makakasama din nila ang mahusay na komedyante na si Smokey Manaloto.

Tara Usap Tayo

At dahil andun na rin lang may mga ilang mga katanungan na ibinato ang mga media patungkol sa mga cast. Ilan dito ay ang patungkol kay Iñigo kung anu nga ba ang mga tips na ibinigay sa kanya ng kanyang ama na si Piolo Pascual pagdating sa showbiz career niya.

Iñigo killer smile
At ang sagot ni Iñigo sa tanung na iyon ay "Papa told me to be myself and be confident."

Natanung din kung anu nga ba ang edge niya sa kanyang ama at confident na sinagot ni Inigo na "singing style magkaiba kami at marunong akong kumawa ng kanta."

Naamin naman ng di oras ang bidang si Sofia Andres kung anu sa tingin niya sa kanyang leading man na si Iñigo.


"Yeah, gusto kong maging boyfriend haha.." anya ni Sofia Andres, nabanggit din niya na si Iñigo ang kanyang first off and on screen kiss.

Ericka Villongco nagsalita na!
Syempre di rin mawawala ang isang pasabog mula sa isang cast na si Ericka Villongco sapagat inamin niya na hindi maganda ang kanilang paghihiwalay ni James Reid.

Ayon mismo sa kanya, "nung nag-break kami last March, officially, it was hard having a lot of bashers and keeping quiet of our relationship, because I did not want to interfere with his movie."

Natanung din ng mga press people kung nakamove-on na siya sa kanilang break at sabi niya "it’s been almost been five months, I can say I’m much happier now and the only regret is that I wish that we were able to end civilly or like friends."

At ang huling nagbigay ng isang malaking rebelasyon ng gabing iyon ay si Julian Estrada kung saan napaamin siya tungkol sa kanyang estadong puso.

Basta may something  - Julian Estrada
Sapagkat sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasabi ni Julian na nagkaroon nga sila ng special something na si Julia Barreto ngunit hindi na ito ibinahagi kung anung nangyari sa kanilang relasyon at kung bakit sila naghiwalay.

Di ba pasabog lahat ng mga cast ng Relax, It’s Just Pag-ibig maging isang pasabog din kaya ang kanilang pelikula? Naku yan ang dapat nating abangan sa darating na 30 November 2014.

Para sa iba pang mga larawan ng Relax, It’s Just Pag-ibig prescon pumunta lamang sa https://www.facebook.com/AxlPowerhouseProductionInc

2 comments :