Monday, November 3, 2014

Mangan Ta Na : Red Baron Ribs and Steaks

Red Baron Ribs and Steaks ngalan pa lamang ng restaurant alam mong masarap ang kanilang pagkain at alam mo na kaagad kung anu ang genre ng restaurant na yun.


Sabi nga nila kung gagawa o magtatayo ka ng isang restaurant siguraduhin mo na ang ngalan na ito ay madaling tandaan para mas lalong balik-balikan ng mga tao kahit sabihin natin na malayo ito, hindi ba?

Kung tutuusin nga masasabi kung isa itong hole in the wall sa metro sapagkat di mo madaling makikita to kung di mo kabisado ang sulok ng kamaynilaan at di lamang yun dahil kakaiba rin ang napili nilang lugar, dahil ang kanilang tabing establisment ay isang car wash. Kung bakit? Dahil naging part owner ng Red Baron ang war cash na iyon dati ayun yan sa impormasyon aking nasagap hanggang andun ako sa lugar na iyon.

Pagpasok ko pa lamang sa loob ng Red Baron Ribs and Steaks masasabi kung medyo combination ito ng high-end at fastfood style dahil bukod sa maliit lamang ito ay maganda naman ang interior nito sa loob at di lamang yun mayroon din silang free wifi. Kaya naman panigurado na di ka maiinip habang hinihintay mo ang iyong masarap na order mula sa Red Baron Ribs and Steaks.

Anung ba meron sa Red Baron Ribs and Steaks??

Alam naman at halata naman na kung anu ang sineserve nila hindi ba? Kundi Ribs at Steaks pero alam ninyo ba na bihira lamang sa metro ang nagooffer ng ganito sapagkat alam naman natin na hindi naman basta-basta ang pagkuha ng mga ganun nga ingredient (buti na lamang maraming silang supplier) at isa pa ang nakakatuwa lamang dito ay pwedekang kumain habang hinihintay mo na matapos linisin ang kotse mo (dahil nga katabi lamang ito ng carwash).

Mangan Na Ta Mung  Red Baron Ribs and Steaks

Dahil andito na rin ako syempre kailangan tikman na ang mga dapat tikman lalo na ngaun alam kung magugustuhan ko ang pagkain kanilang ihahain sa amin.

Nachoriffic | PhP238.00
Unang sinerve sa amin ang paborito ng mga Mexicano ang Nachoriffic, oo nachos lamang ito pero kakaiba ang lasa, di siya katulad ng ibang nachos na nakakaumay pagmatagal mo ng kinakain at di siya kulay yellow at higit sa lahat di makunan.

Let's Drink!!

Syempre kung may pambara kailangan meron din panulak hindi ba? Kaya naman narito ang ilan sa mga drinks na pwede mo din subukan.

Good Shepherd's Ube, a frizzy non-coffee | Php138
Strawberry milkshake | Php155
Kitkat Matcha Hot Non-Coffee Based | PhP98.00

Peach mango | Php98

Kitkat Matcha Frizzy Non-Coffee Based | PhP138.00
Sandwich Time Na!

Ito na ang pinakahihintay ng lahat ang pagkain ng kanilang masarap na ribs at steaks, panahon na para malaman kung papasa pa sila sa panlasa ng isang kapampangan, hindi ba?

Unang sinerve nila ang masarap na sandwich nila na akalain mo yun patok batok lang ang peg.

Volcanic Bacon Mushroom Melt | PhP255.00
Naglalaman ang Volcanic Bacon Mushroom Melt ng  Mozarella with Certified Angus Burger, Cheese Sauce at Bacon Strips syempre ang masarap na twisted fries!

Brunch Monster Burger | PhP245.00 
Isang rawr certified angus burger sa tinapay na sinamahan pa ng isang itlog with bacon at  keso.

 Ribs and Steaks Na  Nga!


Herb crusted heavy porter house | PhP1959.00
Sabi nila ang meat daw na ito ay ibinabad ng 22 days kasama ng iba't-ibang mga herbal kaya naman di na ako magtataka kung bakit parang may kakaibang sipa ito at after taste pagkinain mo.

Rib Eye Steak | PhP289.00
Lamb Steak | PhP299.00
Blue Marlin Steak | PhP289
Oh di ba? Masasabi kong pasok sa banga ang bawat lasa nila, kung baga sa isang tindahan sa palengke sulit na sulit ang bawat kain mo. Maliban pa doon maganda ang ambiance ng lugar at sigurado akong patok na patok ito sa magbabarkada kung sakali man na magawi sila sa lugar na ito.

Challenge Me!

Syempre meron din silang munting pakulo kung saan dapat mabeat mo ang kalaban sa loob lamang ng 5 minutes para libre na ang pagkain na yun at kung hindi wala babayaran mo ito.

Food Ranking

Kung ako ang tatanungin kung anu ang iskor ng restaurant na ito 8 / 10, masyado bang mataas para sa iyo? Pero kung titignan mo ng maigi ang lugar maganda, ang mga staff mabait at mabilis kumilos, ang pagkain hindi tinipid at talaga naman mararamdaman mo ang lasa ng bawat kain mo.

Saan ito matatagpuan?

143 D. Tuazon corner Calamba Street, Brgy. Lourdes, Quezon City, Metro Manila
Store hours: 9:00am to 9:30pm daily
Contact nos.: (02) 3545970 or 09054002138

0 comments :

Post a Comment