Tuesday, November 11, 2014

Pure Love na pinagbibidahan nina Alex Gonzaga, Yen Santos at Joseph Marco magtatapos na

"Ala-ala mo sa akin ay gumugulo bakit 'di na lang bawiin, ang hapdi sa aking puso pipilitin ko limutin ang pag-ibig mo kung panaginip lang ito sana'y gisingin ang aking puso" sinu nga ba ang di nakakaalam ng kantang yan, kahit sinu sigurong tao alam na alam ang kantang yan sapagkat ginamit ang kanta na ito sa isang sikat na koreanobelang Pure Love at patuloy din ginamit sa Pinoy adaptation nito.

Pure Love cast and staff
Kaya naman sa lalapit na pagtatapos ng hit serye ng Pure Love kung saan pinagbibidahan nina Alex Gonzaga, Yen Santos, Joseph Marco, Matt Evans, at Arjo Atayde.

Samantala sa magaganap sa Pure Love ngaun linggo, mapapatawad pa ba ni Diane ang mga taong nakasakit sa kanya tulad nina Kayla (Yam Concepcion) at Raymond (Arjo)? Tuluyan na bang mawawala ang pag-asa sa puso ni Diane kapag nalaman niyang nakatakda pa rin siyang mamatay pagkatapos ng anim na araw? Paano siya magpapaalam sa dalawang taong naging pinakamalapit sa puso niya na sina Ysabel (Yen) at Dave (Joseph)?

Mabubuo kaya ni Diane ang tatlong luha na hindi nanggaling sa kanyang mga pamilya?

Narito ang ilan sa mga kuhang larawan sa naganap na Pure Love Prescon.

Yam Concepcion as Kayla Santos
Yen Santos as Ysabel Espirit / Danica Santos
Alex Gonzaga as Diane Santos
Matt Evans as Jake Espiritu / Scheduler

Narito naman ang mga piling mga eksena na naganap sa Pure Love Grand Prescon.


Kaya naman wag na wag mong papalagpasin ang Undying Conclusion’ ng “Pure Love” ngayong Biyernes (Nobyembre 14).

Mula sa direksyon ni Veronica B. Velasco at Mikey del Rosario

D3finity Manila ay opisyal na partner ng AXLPPI para sa pagkuha ng mga video sa mga bawat lifestyle event na pinupuntahan nito.

Para sa iba pang mga larawan pumunta lamang sa opisyal na facebook fanpage ng AXLLPI

1 comments :