Monday, December 29, 2014

Mangan Ta Na : Vikings Luxury Buffet at SM Jazz Mall

Mangan Ta mo kening Viking, Sm Jazz Mall, oo kapampangan ang gamit ko sa simula, bakit? Simple lamang naman kasi ang Pampanga ang sinasabing Culinary Capital of the Philippines kung saan matitikman mo ang iba't-ibang mga kakaiba ngunit masarap na putahe nito. Sinu nga ba ang di nakakaalam ng Sisig kung saan naging patok ito hindi lamang sa Pilipinas kungdi pati na rin sa ibang bansa. Kahit naman no doubt kung bakit masarap ang luto ng Pampanga at dahil nga tiga-pampanga ako medyo nabibihasa na ako sa paggamit at pagtikim ng mga iba't-ibang mga putahe nito, syempre pati na rin sa ibang lugar isa na dito ang Viking.

Sinu nga ba ang di nakakaalam kung anu ang Viking halos lahat na ata ng Pinoy alam na ang Viking, hindi ba? Pero sa mga di nakakaalam ang Viking ang isang buffet restaurant kung saan makikita mo ang iba't-ibang mga putahe simula sa   Appetizers, Japanese and Korean, Chinese, Filipino, Italian, Carving, Grilling, Dessert, at Beverage kung saan lahat ng ito ay meron ang Viking Luxury Buffet.

Kaya naman noong nagbukas ang isa sa mga pinakabagong branch nila sa SM Jazz Mall na kung saan ay pag-anim na nila kaya naman wag na wag na kayo magtataka pa kung isang araw ay malapit na lang ang Vikings Luxury Buffet sa iyo.

Kaya naman sinubukan ko kung anung meron at bakit nga ba pinipilahan ng madla ang Vikings Luxury Buffet?

Pagpasok mo pa lamang sa loob ng Vikings Luxury Buffet, Sm Jazz ay maaamaze ka na sa concept interior nila sapagakat parang kombinasyon ito ng Mediterranean at European style kung saan nagustuhan ko naman sapagkat maaliwalas ang loob nito at maeenganyo ka lalo kumain.

Narito ang ilan sa mga interior design ng Vikings Luxury Buffet.








What i really like about the interior of the viking is yung presence ng lugar alam mo yung tipong pagdinala mo yung family mo dito sa interior pa lang sulit na ang bayad mo kasi maaliwalas siya at si masakit sa mata.

At syempre anu pa nga ba ang hinihintay ng lahat ang pagtikim at pagkain ng ilan sa mga masasarap na putahe ng Vikings Luxury Buffet. Tara samahan mo akong tikman at damhin ang bawat lasa ng putahe ng Vikings Luxury Buffet.





Oh di ba katakam-takam naman talaga ang mga putahe ng Vikings Luxury Buffet sa dami ba naman ng mga pakain dito ewan ko na lang kung di ka pa mabusog at take note, ang isa sa mga gusto ko dito ay ang babait ng mga crew nila kung saan pwede mo sabihin kung anu ang gusto mo, so di mo na kailangan pang tumayo-tayo at pabalik-balik sa mga lugar na gusto mo basta siguraduhin mo lamang na tama ang menu na alam mo.

Dahil nga ito ang bagong branch ng Vikings Luxury Buffet at ito ang kanilang ikaanim na branch ay nagooffer sila ng 20% discount para sa mga nakatira sa Makati City at mga employees‎ nito. Nagsimula ang promo noong December 27, 2014 magtatapos ito ng January 5, 2015. (Make sure na may valid ID para makuha mo ang promo nila)

Para sa iba pang impormasyon o reservations maari lamang kayong tumawag saVikings Jazz Mall 891-3888, 891-4888, 0917-827-1888, 0919-999-7888 o di kaya naman ay mag-email vikings.jazz@yahoo.com

So paano kita-kits na lang tayo sa Vikings Luxury Buffet at SM Jazz Mall malay mo mailibre pa kita pag nasa masayang mood ako.

Mangan Ta Na!


Para sa iba pang mga larawan pumunta lamang sa opisyal na fanpage ng AXLPPI.

0 comments :

Post a Comment