Wednesday, December 10, 2014

Photo Coverage : My Big Bossing | Blogcon

Sabi nga nila hindi makokompleto ang isang Metro Manila Film Festival kung walang entry si Bossing. Syempre nakasanayan na ng mga pamilyang Pilipino ang pelikulang komedya ni Vic Sotto tuwing sasapit ang December 25 kung saan ito din ang buwan ng Metro Manila Film Festival.



Kaya naman ngayong darating na Metro Manila Film Festival 2014 may bagong handong nanaman si Bossing Vic Sotto sa ating lahat ito ang My Big Bossing, uunahan ko na kayo hindi po siya sequel ng My Little bossing sapagkat magkaiba ang konsepto na ginawa nila dito sa My Big Bossing.


My Big Bossing ay mayroong tatlong episode kung saan tampok ang ilan sa mga sikat na artistang ngayon henerasyong ito syempre di mawawala ang mga bida nito na sina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.


Anu-anu ang tatlong episode na meron sa My Big Bossing?

Sirena : Sa episode na ito makakasama nila Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon at Marian Rivera sina Manilyn Reynes Pauleen Luna at Wally Bayola.

Taktak : Sa episode na ito makakasama naman sina Jose Manalo, Paolo Ballesteros, Cris Villonco at Chlaui Manlayo

Prinsesa :  Sa episode na ito makakasama naman sina Nikki Gil, Alonzo Muhlach, Zoren Legaspi, Nino Muhlach, Maricar De Rosa, Sef Cadayona, Rafa Siguion Reyna at Ruby Rodriguez.

Narito ang ilan sa mga eksena naganap sa My Big Bossing | Blogcon






Mapapanood ang My Big Bossing sa produksyon ng  Octoarts Films * Mzet Television * APT at mapapanood ito sa darating na Metro Manila Film Festival, December 25, 2014 sa lahat ng sinehan kaya wag mong palagpasin!

Para sa iba pang mga larawan pumunta lamang sa opisyal na fanpage ng AXLPPI

0 comments :

Post a Comment