Thursday, December 4, 2014

#Y magtretrending na sa lahat ng sinehan ngayon Disyembre 10

#Y ay isa sa mga masasabi kung may laban pagdating sa cinematography at sa kanilang mga panatay na mga eksena lalo't na ngayon na angkop ang pelikulang ito sa generasyon ngaun.

Ang #Y ay bahagi ng Cinemalaya X kung saan nakamit din nito ang Special Jury Citation for Best Acting Ensemble sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival awards night.



Anu nga ba ang kwento ng #Y?

Ang #Y ay sumasalamin sa buhay ng mga mayayaman at modernong kabataan kung saan pinapakita ang pagka-adventurous, impluwensya ng social media, internet at ang na-uusong "You Only Live Once" o mas kilala sa tawag na YOLO kung saan ideological lifetsyle na pinaniniwalaan ng madaming kabataan ngayon.

Ilan sa mga cast ng #Y ay ang mga pinakamahuhusay na aktor at aktress sa atin bansa na sina Elmo Magalona, Coleen Garcia, Sophie Albert, Kit Thompson, Slater Young at Chynna Ortaleza.

Narito ang ilan sa mga larawan na kuha sa kanilang prescon noong Nobyembre 3, 2014.

Sakto lang, yan ang sagot ni Elmo Magalona noong tinanong siya kung gaano nga ba siya sa wild.
 
Yung movie na to, parang kami rin yung nga lang medyo sakto lang di yung sobra. - Slater Young

Habang ginawa namin ang pelikulang ito para lang kaming gumawa ng isang thesis noong college kasi ang turingan namin dito parang barkahadan. - Direk Gino Santos


Direk Gino gives us freedom to be actors.

Mula sa direksyon ni Gino Santos at panulat ni Jeff Stelton.

Mapapanood ang #Y sa Disyembre 10, 2014 sa lahat ng sinehan sa bansa sa pamamagitan ng Star Cinema.

Kaya naman wag na wag mong papalagpasin ito.

Para sa iba pang mga larawan pumunta lamang sa opisyal na facebook fanpage ng AXLLPI

0 comments :

Post a Comment