Intramuros

Intramuros ay [(Latin) intra: within; muros:walls]. The popular name given to the walled city of Spanish Manila. The name “Manila” (it is claimed) derives from nilad, a type of mangrove that bore white waxy flowers (Ixora).

Luneta Park

Park or Rizal Park is one of the historic destinations in the Philippines.

MOA Eye At Night

Last February 18, 2012 nagkaroon ng isang munting gathering ang mga Helios para sa 1st gathering nito para sa 2012.....

MALL OF ASIA SAN MIGUEL BY THE BAY

Its time of Photowalk again actually its on my plan talaga na magphotowalk sa buong Mall of Asia sa loob mismo ng mall kaso bawal nga magtake ng mga pictures with the permission........

The Sunset

Sabi ka ni Adriaan Kortlandt “Once I saw a chimpanzee gaze at a particularly beautiful sunset for a full 15 minutes, watching the changing colors [and then] retire to the forest without picking a pawpaw for supper.

Wednesday, January 29, 2014

Santo Niño de Pandacan At Ang Kasaysayan

Santo Niño de Pandacan 
Isa sa mayabong na lugar sa kamaynilaan ang lungsod ng Pandacan, maari itong ituring na Vigan ng Maynila sapagkat sa ganda ng lugar at mababakas pa dito ang ilan sa mga lumang bahay na itinayo pa noong panahon ng mga Kastila.

Unang pagkakataon kung napuntahan ang Pandacan nitong nakaraang pista ng Santo Niño de Pandacan noong 19 ng Enero 2014 upang saksihan kung gaano nga ba kayabong ang pista dito sapagkat dati rati ay nakikita ko lamang sa telebisyon ang kasayanan na ito pero noong andun na ko di ko mawari ang aking kasiyahan lalo't pa nakita ko ang isa sa mga ipinagmamalaki ng Pandacan ang aking itim na Santo Niño, mga tradisyon at ang isang kilalang heritage mansion, ang Romualdez Mansion.

Anu nga ba ang kasaysayan ng Pandacan? Paano napunta ang itim na Santo Niño dito? Anu-anu ang mga kwentong bayan?

Ayon sa ang  Pandacan ay nakatali sa patron nito, ang Santo Niño de Pandacan.

Bago pa man nadiskubre ang poon, ang bayan ng Pandacan ay isang pamayanan ng mga taniman ngunit opisyal na "itinayo" ng mga Pransiskano ang pamayanan ng Pandacan noong 1574. Naging pagawaan din ang bayan ng mga bangka, sapatos, at iba pang mga produkto na siya namang dinadaan sa ilog Pasig at kinakalakal sa mga karatig bayan.
Pandacan aerial view
Nadiskubre ang imahe ng Santo Niño de Pandacan sa isang lubluban ng mga kalabaw ng mga kabataang naglalaro sa pandanan. Noong mga panahon na iyon, ang karamihan sa lupain na malapit sa Ilog Pasig ay taniman. Dinala ang imahen ng poon sa Simbahan ng Mahal na Birhen ng Loreto sa Sampaloc na noong mga panahong iyon ay sumasaklaw sa Parokya ng Pandacan sa kasalukuyang panahon.

Ayon sa mga kuwento noon, palaging nawawala ang Santo Niño sa kanyang kinalalagyan sa Simbahan ng Loreto at bumabalik sa kanyang maputik na puwesto sa tabi ng mga lubluban. Matapos maka-ilang ulit na nawala ang Santo Niño mula sa Simbahan ng Loreto at pagkakita nito sa kanyang kinatagpuan ay naisipan ng mga pari at mga residente na magpatayo ng isang visita (isang maliit na kapilya) sa kinalalagyan ng lubluban kung saan siya natagpuan.


Simbahan ng Santo Niño De Pandacan
Noong ika-30 ng Mayo, 1712 ay itinatag ang Bayan ng Pandacan at itinatag naman ang Parokya ng Iglesia Romano Katolika noong ika-23 ng Nobyembre, 1712. Ipinatayo ang unang simbahan ng Pandacan ni Padre Francisco del Rosario noong 1732 at inabot ng mahigit 30 taon ang pagsasagawa sa simbahan bago ito tuluyang natapos. Nasira at tuluyang nawasak ang simbahan ng dalawang malalaking lindol (1852 at 1937) na tumama sa kamaynilaan. Ipinaayos ang simbahan ni Padre Francisco Teodoro. Ipinatayo ang kasalukuyang simbahan ni Padre Victor R. Serrano, na binasabasan ni Arsobispo Jaime L. Cardinal Sin noong ika-31 ng Marso, 1974.

Ang Pandacan ay tinaguriang "Little Venice" noon dahil sa dami ng mga estero na dumaraan sa buong bayan at dahil sa dami ng mga teatro't taong bihisa sa mga sining na noon ay naninirahan sa bayan ng Pandacan. Katunayan nga ay tumira si Fransisco Balagtas, isa sa mga pinaka-sikat na manunulat sa Katagalugan, sa Pandacan noong 1835 at umibig pa nga sa isang residente nito, si Selya o "M.A.R.", na kanyang binangit sa "Florenta at Laura". Binangit ni Balagtas ang Ilog Beata sa kanyang dedikasyong "Kay Selya" at ang ilog na ito, na ngayon ay isang estero na lamang, ay nasa Pandacan. Sa ngayon ay may isang pamayanan na dedikado sa kanya, ang "Kapitan Tikong", kung saan ang mga kalye ay ipinangalan sa mga karakter ng Florante at Laura.

Ilan pa sa mga kilalang pinanganak o nanirahan sa Pandacan mula sa mundo ng sining ay si Ladislao Bonus (Ama ng Filipino Opera), Honorata Atang de la Rama (Pambansang Alagad ng Sining - Teatro at Musika), at si Pantaleon Lopez (Manunulat ng mga dula/zarzuela).

Naging duyan din ng mga bayani ang Bayan ng Pandacan. Isa na sa mga pinakilalang bayani na nagmula sa Pandacan ay si Fray. Jacinto Zamora, isa sa mga paring lumaban para sa sekularisasyon at pantay na pagtrato sa mga Paring Pilipino at Espanyol. May isang mataas na opisyal noon na nanghingi sa kanya ng pabor na iburol sa loob ng simbahan ang isang espanyol na sundalo na nagpakamatay ngunit tumangi si Padre Zamora kahit pagbantaan man siya o bayaran... sumusunod lamang si Padre Jacinto sa mga turo ng simbahan. Isa pa sa mga ginawa ni Padre Zamora ay ang pag-daos niya ng mataas na misa noong kapistahan ng Santo Nino, isang bagay na noon ay maari lamang idaos ng mga paring espanyol. Ikinagalit ng mga Pransiskano ang ginawa niya.

Si Fray Jacinto Zamora, kasama sila Padre Mariano Gomez at Padre Jose Burgos, ay binitay sa pamamagitan ng garrote sa Bagumbayan noong ika-17 ng Pebrero, 1872 pagkatapos nila madawit sa isang pagaalsa sa Cavite.
Makalipas lamang ng 24 na taon, isang bayani naman ang sumikat sa Pandacan. Noong ika-24 ng Hunyo, 1896, ay idinaos ang huling naka-talang pagpupulong ng Mataas na Kapulungan bago magsimula ang himagsikan.

Si Heneral Ramon Bernardo, isa sa mga heneral na naatasang mamuno sa pagsisimula ng pag-aalsa noong hating-gabi ng ika-29 ng Agosto, 1896, ay napagtagumpayang agawin ang Pandacan mula sa mga Espanyol. Inatasan si Heneral Bernardo ng mataas na kapulungan, sa pamumuno ni Pangulong Andres Bonifacio, na lasubin ang sentro ng bayan ng Pandacan. Ang mga tauhan ni Heneral Bernardo ay nahahati sa tatlong pangkat: Ang mga pangkat ni Celestino Manuel, Miguel Resurreccion, at Angel Bulong. Isang oras matapos ang paglusob sa Mandaluyong ay nilusob at nakubkub ng mga pangkat ng Republika ng Katagalugan ang simbahan ng Sto. Nino de Pandacan. Nakatakas ang pari nito na si Padre Angel bago pa man makarating si Heneral Bernardo.

Isa pa sa mga rebolusyonaryong nanirahan sa bayan ng Pandacan ay si Apolinario Mabini na noo'y nanirahan sa tabi ng Tulay ng Nagtahan (ngayo'y Tulay ni Apolinario Mabini), dito rin siya namatay. Ang replika ng lumang bahay ni Apolinario Mabini ay naka tayo na ngayon sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.

Sa pagpasok ng industrialisasyon sa Bayan ng Pandacan ay nagkaroon ng mga pabrika sa lugar na iyon. Ang unang makabagong pabrikang itinayo sa Pilipinas ay ang "Compania General de Tabacos de Filipinas" na itinayo sa Pandacan noong 1882. Noong panahon ng mga Amerikano ay naging tahanan ang Pandacan sa maraming mga "Oil Company" tulad na lamang ng Shell.

Mga ilan sa mga sikat na mansion sa Pandacan.

Romualdez Mansion
Bonus Mansion

Sitsiritsit at iba pa

Santo Niño sa Pandacan, Putoseko sa tindahan kung ayaw kang magpautang, Uubusin ka ng langgam.
Isa sa mga pinaka-kilalang kanta ay ang Sitsiritsit. Sabi ng ilan ay na mula ang linyang ito na tumutukoy sa Poon sa isang matandang kwentong bayan. Noon daw ay mayroong babaeng tindera ng Puto Seko na nagbebenta sa silong ng lumang simbahan. Nilapitan daw siya ng isang batang may hawig sa Santo Nino ang lumapit ang nangutang sa babae na, sa kagustuhan niyang di siya maistorbo at na kumita, ay pinaalis ang bata. Nagbanta ang bata na kung hindi siya pauutangin ay uubusin ang paninda nung ale ng mga langgam. Noong umalis ang bata at nang balikan ng tindera ang kanyang paninda ay natagpuan niya na lamang ito na pinapapak ng langgam.

Sabi sabi ng ilan sa mga residente ng Pandacan na may isang bata na laging naglalaro sa mga lugar na malapit sa simbahan: minsan ay nakikipaglaro ng holen at kumakausap sa mga residente. Ayon pa sa ilang mga tao na kadalasan ay nagtatrabaho sa Parokya ng Pandacan ay may nakikitang bata na naglalaro sa may hagdan ng Kumbento at may naririnig pa minsang halakhak ng isang batang naglilibot umano sa kumbento.

Ayon din sa ilang mga mamayan ng Pandacan, pa minsan minsan ay may mga holen pa nakikita sa mismong lalagyan ng Poon, at na minsan ay may putik ang paanan nito, kasama ng ilang mga damo sa loob ng lumang salaming lalagyan nito (noong bago pa ayusin ang altar).

Maraming himala din ang nagawa na noon ng Santo Nino ng Pandacan. Noong ika-19 ng Mayo, 1837 ay mayroong isang babaeng nagngangalang Doña Josefa Andrade na pinagaling sa isang sakit na tinatawag na "Sayaw ni sa Vito".
Noong 1896, noong mapag-alaman ang mga kinalaman ng Bayan ng Pandacan sa Rebolusyon ay isinailalaim ang buong bayan sa Juez de Cuchillo, na nangangahulugan na ang buong bayan ay bobombahin at na pwede na gamitin ang mararahas na pamamaraan (pagsunog sa mga bahay at pagpatay) upang patahimikin ang bayan.

Noong tutukan na ng mga kanyon ang bayan ng Pandacan mula sa Nagtahan ay laking gulat ng mga sundalo noong may isang batang naglalakad sa gilid ng pampang ng ilog Pasig, malapit sa Simbahan ng Pandacan, gayong alam na ng mga mamayan na kailangan nilang lumikas. Agad na tinigil nang mga sundalo ang planong bombahin ang Pandacan sa takot na ang batang iyon ay ang Santo Nino de Pandacan.

Noong 1911, isang malaking sunog ang muntikan nang kumain ang Pandacan ngunit natigil ang pagusad ng sunog noong iharap ni Padre Silvino Manalo ang Santo Nino sa direksyon ng sunog. Agad na nagbago ang ihip ng hangin. Noong ika-18 ng Disyembre, 1941, sa takot ni Reberendo Padre Teodoro Francisco na pasasabugin ang buong bayan ng Pandacan matapos silaban ng USAFFE ang mga tanke ng gasolina ay agad niyang sinubukang iligtas ang imahen ng Santo Nino ngunit hindi ito maalis maski ano man ang gawin niya. Hindi sumabog ang mga tanke at muling naligtas ang buong Bayan ng Pandacan.

Sana nagustuhan at may natutunan kayo sa post kung ito? Ikaw nakapunta ka na ba sa makasaysayang lugar ng Pandacan?

Impormasyon mula kay Jhon Gorme at larawan mula sa AXLPPI

You like to see more photos of Santo Niño de Pandacan At Ang Kasaysayan ?
Like Us of Facebook

Tuesday, January 28, 2014

Coach Jim Saret and Coach Toni Dimaguila-Saret Join Forces for Metafit Fitness Camp Season 3

The Metafit Fitness Coaches Raffy Tan, Hazel Chua and Jim Saret
Sabi nga nila fitness is a lifestyle sa panahon ngaun lalo't na ang bilis ang ikot at di natin namamalayan na may mga bagay na palang di magandang nangyayari sa atin mentality at physically pero syempre dapat alagaan din natin ang ating katawan, dahil ito ang ating puunan para sa araw-araw na gawain mula bahay, opisina o sa mga iba pang mga pangyayari.

Ika nga nila  being fit isn't just about having the right curves and looking good. Being fit means FEELING good and FEELING strong.

Kaya naman laking tuwa ko ng maimbitahan ako ng Mediacard-Metafit fitness Bootcamp season 3 para sa kanilang bloggers session (ito na ang ikalawang pagkakataon na naimbitahan ako. noong huli ay sa Makati ginanap) sapagkat meaning its time to do the routine kung saan di ka lamang pagpapawisan ng husto kungdi literal na maghihina ka at ang bilis ng reaction nito sa iyong katawan kung ikukumpara mo ito sa mga ordinaryong gym routine na ginagawa mo.

Sabi nga nila Coach Raffy and Coach Hazel "There are 3 ways to get fit the fitness approach, nutritional approach and the motivational approach. What makes Medicard-Metafit Fitness Boot Camp the best is that they make sure to tap on all 3 approaches. Participants will be trained not only on proper workout techniques but proper diets as well."

Doing the routine
Ilan sa mga routine na aming ginawa ay ang 4 minutes session o mas kilala sa tawag na short pocket workout, isa pa di mo kailangan pang gumamit ng kung anu-anu pang mga mamadaling gym equipment para lang maburn mo ang mga calories o kung anu pa mang mga exist fats mo sa iyong katawan, syempre mawawala ba naman ang magiging personal coach mo na pinangungunahan nila Coach Jim Saret at Coach Toni Saret samahan pa ng Pinoy Big Loser na si Hazel Chua at runner-up na si Raffy Tan and higit sa lahat ang kanilang work-out na itinuturo ay after burn effect ibig sabihin nito the weight loss process does not stop when your workout stops. Even as you rest, your body continues to burn fat. Oh di ba saan ka pa at talaga naman naranasan ko to dahil mga 3 araw sumakit ang aking katawan pero sulit naman!

Aaminin ko ibinuhos ko ang isang daang lakas ko sa 4 minute work-out na yun at talaga naman masasabi kung what the intense dahil naghina talaga ang buong katawan ko at nagpapasalamat ako kina Coach Hazel, Coach Toni, Team Medicard sa kanilang pagtulong sa akin.

Narito ang video kung saan nakapanayam namin ang possibleng maging coach din sa Metafit Fitness Camp Season 3.


Kaya anu pa ang hinihintay mo mag register ka na sa Medicard-Metafit Fitness Boot Camp! Register NOW! 

Ang Medicard-Metafit Fitness Boot Camp Season 3 ay magsisimula na sa 3 ng Pebrero hanggang 28 ng Pebrero sa ganap na 6:30 ng gabi sa bandang Cul-de-Sac of Westagate Center in Alabang, Muntinlupa City, 12 session po ito sa halagang Php1500. Sulit na sulit ang ibabayad mo dito kumpara sa gym.

For more info,
visit the Medicard-Metafit FB page HERE https://www.facebook.com/MEDICard.Philippines
or call (02) 891-0692

Salamat kay Aki Chua ng The Lifestyle Portal, Alvin Marayan ng PRC INC at sa Medicard.

You like to see more photos of Metafit Fitness Camp Season 3?
Like Us of Facebook

Friday, January 24, 2014

Marion Aunor Joins Star Magic Family

Marion Aunor is now an official member of the best homegrown talent of Star Magic!

Last 23 of January I got invited by the Star Records to a blogcon for the upcoming presentation of Marion Aunor Album.

The first time I saw her, I really amaze on her beauty aside from that the voice! She remind me one of the TVC of a famous fastfood chain.

Marion Aunor gave us the sample of the songs to her album, some on the songs that she sing for us are Do, Do, Do, Just Give me a reason and Sex on Legs.

On this album there was a 12 tracks which includes 6 orignal and 6 covers.

She had soft-launched last September at the A. Venue and Glorietta and will be officially launch on ASAP 19 this January 26.

Here some of the photos during the album launch and blogcon.








Marion Aunor's self titled album now available in all record stores nationwide. Songs can be download on www.starmusic.ph , www.amazon.com and ITunes Music stores worldwide.

She made her debut on February 2013 with an original song called "If You Ever Change Your Mind", which was also written by herself. Her song was one of the twelve finalists selected from the 2,500 songs from the auditions.The song won as the third place in the 2013 Himig Handog P-Pop Love Songs.

Thanks to Flow Galindez of ASK and Star Records for the invites.

You like to see more photos of Marion Aunor?
Like Us of Facebook

Thursday, January 23, 2014

You Turn : Al Estrella

Ali Esrella  o mas kilala bilang Ser Mots sa mundo ng blogging. Sinu nga ba ang di makakakilala sa kanya dahil sa galing at likot ng kayang imahinasyon sa pagdrawing at paggawa ng mga kwento tungkol sa kanyang mga estudyante. Kahit ako napapahanga niya sa bawat poste sa kanyang blog.
Inggit nga ako kasi sobrang galing niya.

Paano ko nga ba nakilala si Ali Esrella  o ser Mots? Nagkakilala kami noong panahon na nagsisimula pa lamang ako sa mundo ng blogging kung saan naglilibot-libot ako sa mga blog at boom, ayun na nakita ko ang kanyang blog at talaga naman namangha ako, isa siya sa dahilan kung bakit di masyadong naging boring ang pagbloghopping ko.

Kaya naman di ako nagdalawang isip pa na imbitahan siya sa aking munting blog upang interview sa bagay na iyon. Tara simulan na natin kilala ang mahusay ay magaling na si Ali Esrella o Ser Mots.

Full Name and Alias: Al Estrella / mots
Website/Blog: http://motsmots.blogspot.com/
Twitter: aliputput19
Location: Bulacan
Age: 17. charot. 27
Education: Elementary Education
Genre of your graphic illustration: 
comics, book illustration (?) kung genre nga yun.
Tell me something about yourself that people don't know:
may loan ako sa GSIS. haha

What is your current state of mind before we continue with the interview? 
napepressure ako sa dami ng trabaho haha. end of school year tapos isang book project. parang ang hirap pagsabayin. iniisp ko yung deadline.

When and how did you get your start in the industry?
nagstart lahat nung kinuha ako ng isang professor nung college na gumawa ng book cover para sa book niya at studies para sa inside illustrations. tapos tumigil na ko kasi naging busy ako sa pagiging dakilang guro. Years later, sumali ako sa Ang Ink tapos nagtuluy-tuloy na yung projects. hindi ko naisip na mapapasok ko yung industry na to kasi feeling ko dati, kailangn may degree ka sa arts para mapansin ka.

Did you go to school to study this genre?
yun nga, wala naman akong formal training. kaya nung sumali ako sa Ang Ink, feeling ko malulunod ako sa sobrag gagaling nung mga kasama ko. yung mga batikan na pati yung mga kabatch ko. naisip ko dating kumuha pero sabi nung career test result ko dapat magturo ako. haha
sa comics naman, basa lang ako nanag basa ng comics strip para matuto

How did you discover your passion for art? Was it always something you knew you wanted to do?
si pudrakels, sobrang artistic kaya ang mga laruan namin nung bata pa kami eh clay at crayons. so bata palang, naturuan na niya kami sa art pero pag may nagsasabi noong elem ako na "uy ang ganda ng drawing mo" o "ang galing ng kamay mo" parang di naman ako naniniwala.

Was it always something you knew you wanted to do?  Yes. Kaso gusto ko ring magturo at kung papipiliin ako, kahi ngayon, mas praktikal na pillin ko yung pagtuturo.

How did you find your style? Has it changed since you started?
syempre nag start ako na nangongopya ako ng style. dumi-disney tapos naging sailor moon (haha) tapos naging nickelodeon, tapos naging manix abrera tapos eto na nga. yung pacute pacute na drawing lang. nung ginawa namin yung wickedmouth, sabi nung publisher, masyado dw cute ang illustrations ko para sa book. doon ko na confirmed na kumbaga sa pelikula, pa teenybopper lang haha
so nagbago ba siya? Sobrang nagbago!

Narito ang exclusive artworks ni Al Estrella






What was your first ever illustration of, do you still have it, if not where is it?
na napublish? yes. yung school paper nung high school. sobrang pangit! haha masama pa loob ko kasi 3 beses pinapaulit sakin nung school paper adviser namin. eh para sakin ok na haha

Where do you get your ideas/inspiration from?
ngayon, sa trabaho ko kinukuha yung ideas ko. yung comics strip ko tungkol sa teachers, yung book ngayon, tungkol sa adventure ng isang grade 5 pupil. sobrang laking tulong na yung mga kailangan kong ideas eh napakalapit sakin. kumbaga eh di na ko lalayo para sa inspirasyon.

How did illustration/grapic design change your life?
dumami yung trabaho ko. haha minsan nga hindi ko na alam kung pano ko napagkakasya yung isang araw sa dami ng gagawin. kaya nga medyo inactive ang blog ko kasi maraming commitments (naks! artista) Pinasok ko to, kaya dapat responsable ako. sabi nga di ba? pag gusto mo yung ginagawa mo, hindi nakakapagod. Pero siyempre, dumadami rin ang kita! Hihi hello BIR!

What are the pros and cons of being a grapic illustrator?
May mga kuripot na clients. meron ding mga kakilala na porket kilala ka eh free na agad. hindi naman sa mukang pera ako, pero siyempre yung paghihirapan ko eh dapat tama yung katapat.
iba yung feeling n makikita mo yung gawa mo na naka print, ginagamit sa school, nasa exhibit o nasa bookstore. ang lakas maka-high.pero dapat hindi lalaki ang ulo at laging magsisikap para gumaling pa.

If you weren't a graphic artist/illustrator or a multimedia artist, what would you want to be? Why?
boldstar. siguro yung day job ko parin. Pagtuturo. Kunting galit, kunting turo, sweldo! Ahaha biro lang!

What legacy will you leave?
gusto ko siyempre na may magsasabi rin na nainspire ko sila. na nung nagsisimula sila, yung gawa ko yung ginagaya nila. ahaha ambisyosa lang. siguro mas makakapag-iwan ako ng legacy bilang teacher kaysa bilang isang illustrator.

How do you see yourself 20 or 30 yrs from now?
teacher/ illustrator/boldstar  parin. madami ng books na naillustrate, makapag exhibit pa at yumaman!

Your #1 art tip or words of wisdom.
Drawing lang nang drawing! Walang di nakukuha sa practice at tiyaga!

Any final message? Its your time to shine..
Nasa taas yung link ng blog ko hhih punta kayo!!!

Wednesday, January 22, 2014

Wait Until Dark | Review

Wait Until Dark ay unang pasabog ng Repertory Philippines sa taong 2014, noong unang ipinisinta sa amin ito noong nakaraang taon para sa kanilang open season para sa 2014 di ko mawala sa aking isipan kung anu nga ba ang kwento ng Wait Until Dark, kaya naman dali-dali akong gumawa ng sariling kung research at ayun nga mukhang interesante ang Wait Until Dark dahil mahilig ako sa suspense at trill movie.

Kaya naman laking tuwa ko ng naimbitahan ulit ako ng Repertory Philippines para sa kanilang media preview ng Wait Until Dark.

Anu nga ba ang kwento ng Wait Until Dark?

Ang kwento nito ay iikot sa isang bulag na nangangalan na Susy Henderson, isang bulag na nakatira sa Notting Hill Gate, isang maybahay at magiging target ng tatlong masasamang tao dahil may isang bagay sila na hinahanap walang iba kungdi ang isang manika.

Isang manika na maaring niyang ipahamak ang kanyang buhay at ng kanyang asawa ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay malulusutan niya ang tatlong masasayang loob na gustong kunin ang manika.

Paano nga kaya nalagpasan ni Susy ang tatlong masamang taong ito gayun bulag siya at kumakapa siya sa dilim?

Syempre hanggang diyan na lamang muna ang maari kung sabihin sa inyo at narito naman ang aking munting review para sa Wait Until Dark.

Liesl | Isang eksena kung saan may emergency
Isa malaking bravo at paghanga kay Liesl Batucan bilang Susy Henderson dahil talaga naman napawow niya ako sa galing ng kanyang performance madadala ka sa bawat eksena at di lamang yun matagumpay din ang kanyang pag-arte bilang isang bulag, alam kung binigyan niya ng panahon ang pagrerehears sa pagiging bulag.  Isa sa mga nagustuhan ko eksena niya dito ay kung paano niya magawang gamitin ang lahat ng senses niya upang matalo niya ang kalaban, ikalawa kung saan anino'y mayroon isang pagsuyo na naganap kay Mike (play by Joel Trinidad).

Dani at Liesl | Isang tunay na kaibigan
Dani Gana bilang Gloria wow factor din kung saan nagkaroon sila ng isang argumento ni Susy grabe ang intense yung scene na yun pero dito makikita na may mga ganitong mga kabataan pala noon ngunit subalit kahit naging sutil naman siya ay masasabi ko naging malaking papel din siya sapagkat kung di dahil sa kanyang pagiging sutil ay di mabubuhay si Susy sa kamay ng mga masasamang loob.

Liesl Batucan at Arnel Carrion | Isa sa mga intense na eksena 
Arnel Carrion bilang Harry Roat Jr. masasabi kung mautak at magaling siyang umarte sapagkat sa character na kanyang ginaganap ay talagang nakatuso nito maging ang kanyang mga kasamahan ay nagawa niyang lokuhin upang makuha niya lamang ang kanyang gusto. Sa pagdating naman sa kanyang eksena gustong-gusto ko yung eksena nila ni Susy kung saan nagkaroon sila ng isang nakakatrill at nakakaintense na pagtatalo, habulan at batuhan ng ilaw.

Joel Trinidad at Robbie Guevarra
Ang iba pang natuhan na sina  Robbie Guevara (Sgt. Carlino) na nagbigay ng aliw factor sa eksena lalong-lalo na sa unang act pa lamang talagang binuhay niya ito at di naging boring, kay Lorenz Martinez (Susy's husband, Sam) ay touch down ako kahit na saglit lamang siya lumabas pero nakikita mo mahusay ika nga nila walang maliit o malaking role basta ibinigay mo ang lahat ng iyong makakaya.

Joel at Liesl | Pamamaalam
Ang set design maganda talaga naman ramdam mo na nasa London ang lugar at maganda ang lighting nito.

Bago ko tapusin ang post na ito kung familiar kayo sa  TV Commercial na "nasaan ang apple?" at "ilabas ang lechon" malamang makikita ninyo si Liesl nito.

Bibigyan ko ng rating ito ng 7.8 / 10 dahil kung talagang mahilig ka sa trill at suspense siguro akong magugustuhan mo ito kung baga di na kailan pa ng mha special effect para lamang suspense at matrill ka sa palabas na ito at syempre kay direk Miguel Faustmann sa mahusay na interpretasyon at pagsalin sa teatro ng movie ito.

Ang Wait Until Dark by Fredireck Knott at Directed by; Miguel Faustmann

Muli nagpapasalamat ako kay Mr. Joselito Tolentino ng  J. Tolentino Communication Consultancy at sa bumubuo ng Repertory Philippines sa imbitasyon na ito.

Kaya ikaw wag na wag mong papalagpasin ang suspense trill at opening season ng Repertory Philippines.

For show buying, tickets, reservations and details of the show, please call the Repertory Philippines office at (02) 571-6926 and (02) 571-4941; or email:  inquiry@repertoryphilippines.com or log on to: www.repertoryphilippines.com. Tickets are also available through Ticketworld at (02) 891-9999 or visit www.ticketworld.com.ph.

Naganap sa Onstage, Greenbelt1, Makati City, Philippines, 18 ng Enero 2014.

You like to see more photos of Wait Until Dark?
Like Us of Facebook

Tuesday, January 21, 2014

Angel Locsin reveal the real story behind "The Legal Wife"

Angel Locsin reveal what they feel while doing her comeback drama series in Abs-Cbn entitled "The Legal Wife".


Here the list of the cast of the upcoming drama series The Legal Wife.

Cast
Angel Locsin as Monica Santiago-de Villa
Jericho Rosales as Adrian de Villa
Maja Salvador as Nicole Esquivel
JC de Vera as Max Gonzales

The Legal Wife is an upcoming Philippine television drama to be broadcast on ABS-CBN on January 27, 2014, replacing Maria Mercedes.

So don't miss the comeback of the original Darna in Philippine Television

You like to see more photos of Angel Locsin?
Like Us of Facebook

Monday, January 20, 2014

Tender Bob's | Review

Dahil andito na rin lang ako sa isang masarap at magandang venue ng Tender Bob's sa Greenbelt 2, syempre anu pa nga ba ang dapat gawin ng isang katulad ko na reviewer kundi namnamin ang mga pagkain at tikman ang kanilang masarap na best seller food.

Upang pasok ko pa lamang sa restaurant na ito ay naaliw na ako sapagkat maganda yung ambiance nila hindi yung tipikal na american restaurant sapagkat meron yung pader nila ay maganda ay may pagka mexican cowboy style at dahil isa ako heritage advocate natutuwa ako sa ganitong lugar.

So paano simulan na natin ang kainan, yum, yum, yum!!!

Ang una namin tinikman ang isa sa mga best seller nila at hindi nga nagkamali ang madlang pipol para piliin ang putaheng ito sapagkat talaga naman masasabi kung umami at maganda ang naisip nilang concept dito ha kung baga walang sayang sa lahat ng parte, gamit na gamit ang lahat ng laman nito. Walang iba kung di ang potato skin.

Paborito ung sawsawan nila sa potato skin ang cream cheese!

Ang sumunod naman na hinahain sa amin ni Chef Alfred Ordinario ang isa ding masarap ang Pork Belly, isang malaking umami to the max ang tender ng Pork Belly na ito, kung baga hindi siya yung tipikal na makakain mo dahil sa sarap nito at di lamang yun feeling ko namarenate talaga ng husto ang Pork Belly na ito.

Pork Belly sulit na sulit ang kain mo dito sapagkat american serving sila lalo na kung medyo gusto mo ng maramihan at takenote ramdam mo ang tenderness nito at nagbleblend pa ang sweet at kaunting sour at may kasama itong slice sweetcorn at carrots na pangbalanse.

Syempre ang paborito ng lahat ng mga Amerikano maging ang mga Pinoy walang iba kungdi ang burger pero subalit di lamang siya ordinary burger, isa siyang One Pound Burger (Grilled Black Angus) na masarap, malasa, di mo ramdam ang mantika nito (pero syempre alam naman nating na meron) at higit sa lahat malaki siya kung nasubukan mo na ang Zark's Burger sigurado ako na mas magugustuhan mo ang One Pound Burger (Grilled Black Angus).

Ito ang kanilang One Pound Burger (Grilled Black Angus) oh di ba? sulit na sulit ang binayad mo dito sa masarap na burger na ito.

Ito na ang pinakahihintay ko ang dessert, dahil isa sa mga gusto talaga sa isang restaurant ay ang dessert section dahil dito mo malalaman kung may creativity ba ang kanilang chief o basta-basta na lamang kumuha ng ibang ideya sa ibang restaurant.

Ang matamis pero di nakakaumay na Sizzling Caramel Bread Pudding, yung sinerve sa amin ang Sizzling Caramel Bread Pudding talaga naman nagsizzling at amoy na amoy mo ang caramel nito at talaga naman matatakam ka na kainin ito.

Grabe busog na busog ako dito masasabi ko na sulit na sulit ang perang magagastos mo dahil una ang serving nila ng food madami tipikal american serving at maganda pa ang ambiance, isa yan sa mga tinitignan ko bago ako pumasok sa isang restaurant sikat man yan o hindi.

Muli maraming salamat kay Ma Joy Calipes ng GastronomybyJoy sa pag-imbita, kay Restaurant Supervisor Mary Ann Bernare at kay Chef Alfred Ordinario sa hospitality at sa pagsagot sa ilan sa mga tanung namin ni Joy.

So paano baka gusto mo rin subukan ang Tender Bob's sigurado naman akong di kayo magsisisi dahil sa mabait na staff at masarap na pagkain na kanilang inooffer.

Para sa iba pang larawan ng pagkain pumunta lamang sa official pagebook ng AXLPPI.

Tuesday, January 14, 2014

Foodtography Workshop by The Photography Academy- Manila

Here the behind the scene of the foodtography workshop provide by The Photography Academy- Manila, This is the first leg of the food photography of the academy. The food provide by Tender Bob's, Greenbelt 2.
 Welcome remarks of Mr. Christopher Santos, the marketing strategies of The Photography Academy- Manila.

 Chef Alfred Ordinario giving the background of the Tender Bob's and the menu they will reserve.

 The pointers of the food photography provide by the professor of De La Salle - College of Saint Benilde and owner of Green Lens Photo Studio Ms. Japz Azur and Steph Batac.

 The student of the actual food photography session.

Ofcourse I apply what I learn on this event and here some sample food photography that I shoot.

  Honey dijon Salmon

 The best seller Potato Skins

One Pound Burger (Grilled Black Angus)

For more shoot of the behind the scene and the actual scene of food photography workshop kindly go on AXLPPI

For more information about the Foodtography you can message the The Photography Academy - Manila

Special thanks to Mr. Christopher Santos of The Photography Academy - Manila for always inviting me for the photography workshop / session and Tender Bob's for providing the umami food. 

Monday, January 13, 2014

Kim Chiu And Xian Lim for Bride For Rent

Mula sa isang matagumpay na pagsasama ni Kim Chiu at Xiam Lim sa pelikulang "Bakit di ka crush ng crush mo" noong 2013 ay muli na naman silang magsasama para sa isang kwela at masayang pelikula ng taon na pinakamagatang Bride For Rent.

Ito ang unang pasabog ng Star Cinema ngayong bagong taon ang Bride for rent.

Anu nga ba ang kwento ng Bride For Rent?

Ang Bride for rent ay isang nakakaaliw at nakakatuwang love story kina Rocco Espiritu (Xian Lim) at Rocky Espiritu (Kim Chiu) na parehong desperadong nangangailangan ng pera. Kailangan magpakasal si Rocco upang makuha niya ang kanyang malaking mana habang si Rocky naman ay kailangan din ng pera pambayad sa kanyang renta, sa takot ng mawalan ng tirahan dahil malapit na siyang mapalayas kasama ng kanyang pamilya.

Makikipasabwatan si Rocco kay Rocky na papayag ng magpanggap na asawa ni Rocco kapalit ang malaking talent fee. Matapos ito isang katutak na nakakalokong mga problema ang kanilang haharap nina Rocky at Rocco. Uubra kaya ang kanilang plano o magiging biktima sila ng kanilang panloloko dahil baka magkaroon talaga sila ng nararamdaman sa isa't-isa?


"Palagi naming pinag-uusapan muna ang bawat eksena, dapat more pa ng ganito ng ganyan, pero boss ko si Kim sya pa rin ang masususnod [laughs] yung mga kakulitan nya natural nya talaga yun kaya masisiyahan po talaga kayo sa pangalawang movie na'min na ito" Xian said. "Actually tuloy-tuloy napo ito kasi in my personal note nag-sisimula napo akong mag-blog, it's www.xianlimm.com" anya ni Xian Lim

"Dito sa pelikulang ito makikita dito kung anu talaga kung anu talaga ang mag-asawa." - ani ni Kim Chiu

Direk Mae: May pressure to deliver and hit the numbers. It's a cloud hanging sa every project. Dagdag pa niya, "The reason why I say she found her niche is kasi, as compared to other actresses of her generation, meron siyang nagagawa na hindi nagagawa ng iba. May naibibigay siya na hindi naibibigay ng iba. Kumbaga, she can be sweet, but she can be sexy. She can be funny, but she can do drama. So anglaki ng potential niya dito sa genre na 'to, in rom-com. I would say she's a "rom-com princess." She can own it and she can go very, very far pa pag nag-grow pa siya."

"Lalo na yung mga punchline na makikita sa BrideForRent galing kina  Kim." ani ni  Carmi Raymundo

Mula ito sa manulat ni Carmi Raymundo at Charlene Grace Bernardo.


Makakasama nila Kim Chiu at Xian Lim sina Dennis Padilla, Empoy Marquez, Martin del Rosario, Lloyd Zaragoza, Matt Evans, Eda Nolan, Zeppi Borromeo, Marlann Flores at RJ Ledesma may special participation sina Ms. Pilita Corrales and Tirso Cruz III.

Mula sa direksyon ni Czarina Mae Cruz na ang pinakahuling pelikula ay ang smash hit noong 2013 na She The One.

Trivia:
Ito ang muling pagbabalik ng Asia Queen of Song Pilita Corrales sa big screen.

Ipapalabas sa lahat ng moviehouse nationwide ang Bride for rent simula 15 ng Enero.

Para sa iba pang larawan sa naganap na Bloggers Conference pumunta lamang sa AXLPPI Fanpage

Pasasalamat:
Kay Flow Galindez ng AngSawariKo.com at ng Star Cinema sa paanyayang ito.

Friday, January 10, 2014

Eksena sa Pista ng Nazareno

Isa sa mga inaabangan sa pagpasok ng bagong taon ay ang kapistahan ng itim na Nazareno na ginaganap tuwing ika-9 ng Enero kung saan dinadayo ito hindi lamang ng mga deboto pati na rin ng mga ilan mga dayuhan upang maranasan ang itinatawag na trraslación, kung saan mangagaling muna ito sa Quirino Grandstand patungo sa kanyang tahanan sa simbahan ng Quiapo.

Narito ang ilan sa aking mga kuhang mga larawan na naganap sa pista ng Nazareno.

Mula sa simbahan ng Quiapo






Hanggang sa tulay.


Patungo sa Hidalgo Street at sa simbahan ng San Sebastian



Ronnie Liang spotted at the Feast of Nazarene, he's doing a movie entitled "Esoterica Manila" under the Film Development Council Of The Phils.


At ito na ang eksena ng pagdating ng Poong Nazareno.


Masasabi kung masayang makigulo sa pista ng Nazareno kahit na sabihin nating mahirap makipagsiksikan dito pero sabi nga nila wala naman mawawala kung susubukan mo hindi ba?

Isa di ko matandaan kung ito ba ang una kung pagkakataon na pumunta sa pista ng Nazareno sapagkat ang aking ama ay naging deboto rin nito at isa pa malapit lamang dito ang trabaho niya dati.

Tinatanong mo ba ako kung nakipagsiksikan ako, oo sobrang naramdaman ko din ang alon ng tao, buti na lamang ay nalagpasan ko ito at isang pasasalamat ito.

Trivia:

Revival of the Dungaw
On 9 January 2014, an old tradition called Dungaw in Tagalog (a calque of its Spanish name Mirata, "to see" or "to look") was revived and reincorporated into the Traslación after old documents attesting to its practise were re-discovered. The custom involves the Black Nazarene being made to stop briefly at Plaza del Carmen fronting the neo-gothic Basilica Minore de San Sebastián. After the recitation of the rosary by the congregation and while the bells in San Sebastián's twin spires peal, the resident Recollect priests remove the statue of Our Lady of Mount Carmel from its shrine in the retablo mayor (high altar). This image, which was given to the Recollects in 1617 by a Carmelite nunnery in Mexico City, is then brought on a high platform at the side of the church, where it is lifted up to "see" and "meet" the Black Nazarene.[3] The moment is accompanied by relative silence and fervent prayer on the part of devotees, and shortly thereafter the priests slowly turn the Virgin's statue so that it "watches" the Black Nazarene depart the vicinity of Plaza del Carmen.


It is notable how the images are from a similar period and provenance, and that the practise echoes the Fourth Station of the Cross, which commemorates how Christ met his mother, the Virgin Mary, as he was walking to his crucifixion.

Special credit to wikipedia for the trivia.