Intramuros

Intramuros ay [(Latin) intra: within; muros:walls]. The popular name given to the walled city of Spanish Manila. The name “Manila” (it is claimed) derives from nilad, a type of mangrove that bore white waxy flowers (Ixora).

Luneta Park

Park or Rizal Park is one of the historic destinations in the Philippines.

MOA Eye At Night

Last February 18, 2012 nagkaroon ng isang munting gathering ang mga Helios para sa 1st gathering nito para sa 2012.....

MALL OF ASIA SAN MIGUEL BY THE BAY

Its time of Photowalk again actually its on my plan talaga na magphotowalk sa buong Mall of Asia sa loob mismo ng mall kaso bawal nga magtake ng mga pictures with the permission........

The Sunset

Sabi ka ni Adriaan Kortlandt “Once I saw a chimpanzee gaze at a particularly beautiful sunset for a full 15 minutes, watching the changing colors [and then] retire to the forest without picking a pawpaw for supper.

Wednesday, April 30, 2014

Juan Luna E-Services Building

Formerly known as Pacific Commercial Building, this is the first office/headquarter of First National City Bank of New York (known today as CitiBank) in 1930's until 1940's.

The Pacific Commercial Building was built in 1922 with funding from the El Hogar Mutual Association.

The 92 year old building is currently undergoing in adaptive re-use and will be open for marketing as Juan Luna e-Services Building in a couple of months.

Right now the Juan Luna E-Services Building is being retrofitted to host a future business process outsourcing (BPO). The architect of this project is Augusto Villalon.

Here some of the photos inside the Juan Luna E-Services and some details of the building.

The elevator
The ground floor
The 7th floor
The 7th floor area
The terrace
The staircase
Taken during the Escolta - Quiapo tour of Carlos Celdran collab with KKBinc.

Located at Juan Luna St. Cor. Muelle Dela Industria Binondo, Manila.

For more photos of Juan Luna E-Services Building kindly go on the AXLPPI in facebook.

Tuesday, April 29, 2014

Escolta - Quiapo Tour with Carlos Celdran together with KKBInc

KKB Team ipinapaliwanag kung sinu at anu.
Sabi nga nila kung di ka tumingin sa iyong pinaggalingan di ka makakarating sa iyong paroroonan isang matandang kasabihan na talaga naman na naging malaking bahagi na ng aking isipan.

Kaya naman marahil isa ito sa dahilan kung bakit ako nahilig sa mga lumang mga bahay, gamit at kasaysayan, di makakaila na ang bahay kasaysayan ay may malaking epekto sa kasalukuyan, aminin man natin ito o hindi, sapagkat ang kasaysayan ang umuulit lamang sa taong panahon at pagkakataon.

Isa sa mga grupong naging aktibo ako ay ang Kapitbahayan sa Kalye Bautista o mas kilala bilang KKB, isang samahan ng mga young professional, students at iba pa pang individual.

Ang adhikain ng KKB ay imulat ang ilan mga kabataan o individual sa kahalagaan ng kasaysayan sa Quiapo at maging ka kamaynilaan.

Dahil sa adhikain na ito napansin ang aming galing ng isang kilalang at magaling na comic tour guide na si Carlos Celdran kasama ng kanyang VivaManila, kung dati rati ang isang ordinaryong tour lamang ang ginagawa ng Carlos Celdran ngaun ay iba na sapagkat naging isang theatrical walking tour ang naganap dahil sa aking husay na ipinamalas ng KKB, ang bigyan ng kanta at malalim na kwento ng kasaysayan sa lugar na pinupuntahan.

Narito ang ilan sa mga larawan na pinuntahan.

Carlos Celdran ipinapaliwanag kung saan nga ba nagmula ang salitang Escolta.
Sa loob ng Calvo Building, kung saan unang itinatag/headquarter ang GMA7.

Carlo ipinapaliwanag ang kahalagahan ng EL Hogar Filipino at ang kalagayan nito.

Ang KKB singers
KKB singer inside the Padilla Mansion.

Pagbibigay halaga ng mga turista sa kasaysayan.
Mahaba man at mainit ang tour na aming isinagawa ay maraming naman natuwa at naaliw sapagkat kagaya ng aking nasabi sa umpisa, di lamang ito ordinaryong tour.

Kung gusto mo rin maranasahan ang kakaibang experience na ito maari lamang kaming ikontak.

Para iba pang mga impormasyon patungkol sa KKB maari lamang sundan ang aming official social media account.

Email : kapitbahayansakalyebautista@gmail.com
Facebook Fanpage : https://www.facebook.com/KapitbahayansaKalyeBautista 
                              : https://www.facebook.com/BoixHouseRedux
Twitter                   : https://twitter.com/KKBatibapa 

Para sa iba pang larawan maari lamang na pumunta sa official fanpage ng AXLPPI sa facebook.

Friday, April 25, 2014

Arayat Escapade

Sabi nga nila kung gusto makalimutan pansamantala ang iyong mga problema o kaya naman medyo stress ka na sa iyong trabaho o maging sa pag-ibig. bakit di mo muna bigyan ng pagkakataon ang iyong sarili na magpahinga, ika nga nila wag mong pagurin ang iyong sarili dahil di ka si Superman na kayang gawin ang lahat hindi ba?

Kaya sakto ang mahal na araw upang pagnilayan ang mga bagay na nagawa mo sa iyong buhay, hindi lamang upang mag enjoy sa bakasyon kundi nannamin mo ang buhay na meron nga. Ika nga gawin mong makabuluhan ang buhay mo sapagkat darating ang raw na tatanungin ka ng iyong apo kung anu nga ba ang nagawa mo sa nagdaan mga panahon.

Kaya naman noong umuwi ako sa aking probinsya ay sinulit ko ito sapagakat bihira lamang ako makagala sa Arayat, dahil pagpumunta ako dito ay inaalagaan ko ang aking lola, pero dahil maraming mag-aalaga sa kanya ay nabigyan ako ng pagkakataon kaya ayun.

Isa sa mga pinuntahan ko dito ang barrio, matagal na rin ang huling uwi ko sa barrio kung di ako nagkakamali eh mahigit 10 taon o higit pa ang huling uwi ko sa barrio. Kaya naman laging gulat ko ang lagi ng pinagbago ng barrio, hindi mo naakalain na barrio na ito sapagkat iilan na lamang ang natitirang mga bahay na bato dito dahil halos lahat ay sementado na ang mga bahay maging ang kalsada di na lupa kundi aspaldo na, kaya naman di kami nahirapan na puntahan ito.

Narito ang ilan sa mga makikita sa barrio.

 Ang welcoming sign ng Candating kung saan dati ay isang simpleng kahoy lamang ngaun ay maganda pa!!

Pagdating namin dito ay dumaan muna kami ng simbahan upang magpasalamat sa lahat ng mga biyayang aming natanggap at humingi ng kapatawaran sa lahat ng kasalanan.

Syempre dahil mahal na araw yun ay di lamang simpleng misa ang naganap, nariyan ang tradisyon ng simbahan pag mahal na araw ito na dito ang mzga prusisyon at kung anu-anu pa.







Pagkatapos ng isang mahabang lakbayin, syempre anu pa nga ba ang nihihintay ng lahat, ang isang masarap na kainan o pagmalamig sa mainit na panahon.

Ang Kabigting's Halo-halo! Ang Kabigting's Halo-Halo ay itinatag noong 70's kaya naman masasabi kung maganda ang kalidad ng kanilang halo-halo.

Nagsimula ang Kabigting bilang sila lamang na simpleng negosyo ng pamilya pagsummer pero dahil nga sa sarap at unique na lasa nito, kaya naman dahil sa sarap nito nakarating ang Kabigting's Halo-halo sa Maynila at sa katabing lungsod nito.

Meron lamang na 3 sangkap ang Kabigting's Halo-halo,  Corn, Sweetened Beans and Caramel (made with Carabao's Milk and Egg Yolks) kaya naman masasabi kung manyaman talaga ito! Tanggal ang pagod mo sa haba ng byahe!
 The Head and first branch ng Kabigting's Halo-halo

Manyaman neng Kabigting's Halo-halo ne.
Manyaman (man-nya-man) ibigsabihin sa kapampangan ay masarap!

At dahil malapit lang ang kabigting's halo-halo sa amin bahay ay madalas ito ang aming meryenda.

Masasabi kung sulit na sulit ang aking Arayat Escapade. Marahil mauulit-ulit ito sapagkat sa buwan ng Mayo ay muli akong babalik sa Arayat, sana kasama ka na sa aking pagbalik!

Tuesday, April 15, 2014

Au Revoir Bahay Nakpil-Bautista

Sabi nga ng isang matandang kasabihan "Sa bawat pagkakatapos ay may isang maganda at mayabong na simula", marahil totoo ito para sa isang kabanatang pagtatapos sa akin buhay sapagkat noong 13 ng gabi April 2014 ay tuluyang ng magtatapos ang pagiging isang aktibong volunteer sa isang maganda, glamoroso at mapanghalinang bahay sa isang magulo ngunit kaakit-akit na lugar na Quiapo, Maynila.

Sinu nga ba ang mag-aakala na ang bahay na dati ay dinaanan at naging isa sa mga naging highlight sa aking munting Powerhouse Journey ay magiging ikalawang tahanan ko pala sa loob ng mahigit-kumulang na dalawang taon.

Isa siguro sa mga dahilan kung bakit bigla na lamang akong naging volunteer sa bahay na ito marahil ay dahil sa aking pagkahilig sa kasaysayan at ang kahalagahan ng mga lumang bahay noong panahon ng pananakop ng mga Kastila hanggang sa Hapon. Ika nga ng kasabihan "kung di ka marunong tumingin sa iyong pinanggalingan ay di ka makakarating sa paroroonan", isang kasabihan na naging malaking epekto sa akin simula noong bata pa lamang ako.

Ang Kwento sa pagpasok ng Balay.

Sabi nga karamihan sa isang lumang balay (bahay) mo makikita kung gaano nga ba ka pamoso at kagara ang pamumuhay ng ating mga elitista noon at dito mo rin makikita kung paano mahalagaan nito ang kanyang balay.

Sa aking pagpasok sa balay na ito ramdam mo kaagad ko paano ito napahalagaan kahit mahigit isang daang taon na ang nakakalipas ay mukha pa rin itong bago sa aking patingin, di lamang yun makikita mo pa rin sa balay ang mga detalye nito. Nakakatuwang isipin na sa bawat pagpanik ko ay laging bumabati sa akin si senyor na anino'y isa akong kagalang galang na bisita, sa aking pagpasok sa kanilang glamorosong hapag-kainin anino'y nag-aanyaya rin sila na saluhan mo. Sa bawat pagpasok mo sa mahiwang silid na nagbibigay sayo ng kakaibang presensya, presensya na nagsasabing salamat sa laging magdalaw at pag-respeto sa bawat paligid ng balay.

Ang pagdungaw sa napakalaking bintana at pagmasdan ang mga taong nagdaan, naglalarong mga bata at ang maingay na sasakyan na nagsisilbing musika sa aking pandinig habang nakaupo sa isang magarang upuan na pinatibay at pinatatag ng panahon.

Ang bawat tawanan, kwentuhan at higit sa lahat bawat argumento sa isang silid kung saan nagsimula ang lahat. Ang isang kaibigan at maituturi ko na ring pangalawang ina si Dr. Tess Obusan (custodian-curator ng balay). Salamat Tita Tess sa masarap na kwentuhan,biruan,kainan at higit sa lahat ang mga magagandang pangaral na aking magagamit sa tamang panahon at pagkakataon. Sa iyong paglisan sa itinuring mo na ring isang balay sa kamaynilaan masasabi kong naalagaan at nabigyan mo ng halaga ang balay, di lamang yun ang mga bawat tao na nais makita at malaman ang kasaysayan na nakapaloob mismo sa balay na ito.

Sa samahan na nabuo dahil isang adikhain at pagpapahalaga sa balay,kasaysayan at iba pa ang "Kapitbahayan sa Kalye Bautista" maraming salamat sa samahan, dahil sa inyo mas lalo kung nabigyan ng kahalagaan ang kasaysayan di lamang sa balay na ating itinuring pangalawang tahanan kungdi as a whole. Ika nga nila kung magbibigay ka ng pagpapahalaga ibuhos mo na ang isang daang porsyento mo.

Marahil dito na magtatapos ang aking magiging isang bibo at aktibong volunteer ng inyong balay. Maraming salamat sa naging residente ng balay na ito na walang iba kungdi sina Gregoria De Jesus (ang lakambini ng Katipunan), General Julio Nakpil, Doktor Ariston Bautista, Donya Petrona Nakpil, National Artist Arch. Juan Nakpil di ko man kayo nakasalamuha ng personal pero maraming salamat sa pagpapatuloy ninyo sa amin at higit sa lahat maraming salamat sa pagbibigay ng malaking ambag sa kasaysayan, sa lipunan,sa Pilipino at sa Pilipinas kong mahal.

"Sa bawat pagkakatapos ay isang may maganda at mayabong na simula".

Pero kagaya ng nasabi ko sa aking unang panulat "Sa bawat pagkakatapos ay may isang maganda at mayabong na simula", kasabay ng paglisan ng nag-iisang tigapamahala ng balay at siya na rin ang aking paglisan at bigyan naman ng pansin ang magiging bagong balay (na kalapit lamang ng BNB) ang Mansion de Boix, kasama ng aking mga kasamahan sa Kapitbahayan sa Kalye Bautista o mas kilala bilang KKBinc na mas kailangan ng higit na kalinga at pag-aaruga dahil sa ilang taong pagpapabaya ng mga naging tagamahalaga nito, ika nga "It's our time to bring back your original glory and release the best on you".

So paano Au Revoir Bahay Nakpil-Bautista!

Monday, April 14, 2014

Spaced: An Exhibit of Big Pictures

Spaced: An Exhibit of Big Pictures ay isa sa mga opening exhibit ng mga estudante ng De La Salle - College of Saint Benilde.

Ayon sa kanilang imbitasyon kung anu nga ba ang meron sa photo exhibit na ito ay "Spaced is a photography exhibit of BIG pictures by artists who want to create a change in the way people view things.

Today’s fast-paced world and technology driven generation makes it almost impossible for people not to experience things in a rush. Little is given to quality and detail. The more that is experienced, the less is appreciated.

Spaced is our reminder to the world that we should take time to pause and reflect."

Masasabi kung may mga bagay talaga na minsan binabale wala natin pero kung bibigyan mo ng pansin at papahalagaan mo ang iyong nasa paligid, masasabi mung ay isang bagay na iyon ay naging malaking parte sa iyo, aminin mo man ito o hindi.

Ika nga ng isang kasabihan sa putograpiya, "sa isang litrato marami ang ibig ipahiwatig."

Narito ang ilan sa mga kuhang larawan sa nagapan na event.






Masasabi kung naging matagumpay ang exhibit na kanilang ginawa di dahil kaibigan ko ang dalawa sa mga exhibitor kundi maganda ang naging resulta kung papaano nga ba nila ipapahiwatig ang themang "SPACED", at talaga naman di ka mabibigo at sulit na sulit ang pagpunta mo sa exhibit na ito.

Narito naman ang aking top 3 choice.




Ginanap ang opening ng Spaced: An Exhibit of Big Pictures noong April ng 11, 2014 sa ganap na 7 ng gabi pero bukas na sa publiko ito simula April ng 12 hanggang 16 sa ganap na 10 ng umaga hanggang 10 ng gabi sa Wil Tower Mall.

So paano kita-kits na lamang tayo sa Spaced: An Exhibit of Big Pictures malay mo may magustuhan ka at mabili mo ito.

Para sa iba pang mga larawan sa naganap na event na ito bumisita lamang sa official page ng AXLPPI.

Sunday, April 13, 2014

Paolo Onesa releases debut album entitle Pop Goes Standard


One of the finalist of the first season on "The Voice of the Philippines" under the coach of Bamboo.

Paolo Onesa is already a certified recording artist under the management of the largest recording company in the Philippines MCA Music (Universal Music Philippines).


“Pop Goes Standards” features the most loved pop songs in his signature standards style. It features the tracks “When I Was Your Man”, “You Are So Beautiful”, “Make You Feel My Love”, “Just My Imagination (Running Away With Me)” featuring fellow The Voice finalist Klarisse De Guzman, “Marry Me”, “You’re Beautiful” as well as recorded versions of the songs he performed on The Voice of the Philippines like “Skyfall” and “Elesi.” “Pop Goes Standards” also includes two original songs “Lucky In Love” and “Which Way Robert Frost?” written by American composers Roxanne Seeman, Daniel Nitt and Philipp Steinke.

Heres my shoot during the bloggers conference of Paolo Onesa at MCA Studio.

"Abangan nyo sa music video, crush ko sya ganda nya eh," Paolo said about who his celebrity crush.
   
i like the girl na mahimik and mysterious" he say about what type of girl he want.

Trying to make every moment count after the contest
Paolo Onesa singing Lucky in Love
Oh don't forget to grab an album of Paolo Onesa under MCA Music available now in all leading record bars nationwide or you can download via @spinnrph

Thanks to LionHearTV and MCA Music for the invitation.

For more photos about this Paolo Onesa blogger conference kindly go on official fanpage of AXLPPI.

Wednesday, April 9, 2014

When Zombies attack the Walled City: Intramuros

Isa sa mga pinakaaabang na Outbreak Mission ko ay ang Outbreak Manila sa may Walled City:Intramuros, di dahil isa akong runner kungdi gusto kung malaman kung paanong konsepto nila gagawin ang pagtakbo sa palibot ng Walled City at hindi nga ako nagkamali sapagakat mas exciting ito kumpara sa nakaraang Outbreak Mission na ginawa nila sa loob mismo ng Festival Mall.
Isa sa mga naging beneficiary ng Outbreak Manila ay ang Heritage Conservation Society kung saan isa rin ako sa mga aktibong membro nito.

Anu nga ba ang Heritage Conservation Society?

Ang Heritage Conservation Society ay isang non-goverment organization kung saan binigbigyan ng halaga ang ilan sa mga importanteng mga gusali o lugar na naging malaking parte sa ating kultura at di lamang yun isinusulong din nito ang pag re-use o pag-adapt ng contemporary design ng luma at bago.

Karanasan sa Outbreak Mission

Masaya,makulit at higit sa lahat challenging ilan lang yan sa masasabi pagkatapos kung tumakbo at makipaghabulan sa mga nakakatakot at pamatay na trick ng mga brotherhood at ng mga civil. Oo hindi ako tumakbo o sumali bilang isang runner sa event na ito kungdi bilang media pero naman, walastic sapagkat nakipagsabayan din ako ng adrenaline sa mga runnners, ikaw ba naman kumukuha habang tumakbo rin di ba? Ang kulit lang makita ng mga reaksyon ng mga runners pagnakakasalubong na nila ang mga zombie sapagkat di mo alam kung aatake ba ang mga ito o hindi lalong-lalo na sa parte ng isang balwarte na ang daming zombie hahaha.
May isang grupo akong sinamahan sa pagtakbo sa wave one walang iba kungdi ang mga grupo ng mga Amerikano, nakakanosebleed sila actually di dahil kinakausap ka ngunit dahil kinakausap mo sila habang tumatakbo kayo at masasabi kung mautak din ang mga ito lalo-lalong sa parte kung saan sila maniniwala sa brotherhood o sa mga civil pero nakakalungkot lamang sapagkat di ko na sila nasabayan sa magtakbo sapagkat na una na kami ng kasama kung HCS para makunan ang iba pang mga lugar at mga magagandang location.

All in all masasabi kung naging successful naman ang Outbreak Mission sa Intramuros bagamat may mga nasugatan o nasakatan na hindi naman maiiwasan lalo’t pa ang ilan sa mga bahagi ng walled city na hindi pantay ay naging masaya naman ito lalo na kung isa ka sa mga survivor ng Outbreak Mission.

Muli congrats sa bumubuo ng Outbreak Mission sa masayang takbo na ito hanggang sa susunod na Outbreak Mission!

Sana sa susunod na Outbreak Mission ay makita kita bilang isang runner kaibigan!

Para sa iba pang mga larawan pumunta lamang sa official fanpage ng AXLPPI sa facebook.

Tuesday, April 8, 2014

Blogging to the tenth power at IBlog10

Isa sa mga inaabangan taon-taon ng mga bloggers na katulad ko ang Philippine Blogging Summit o mas kilala sa tawag na IBlog kung saan nagsasama-sama ang ilan sa mga baguhan at mga batikan sa mundo ng blogging.
Anu nga ba ang rason kung bakit laging may summit at para saan ang summit na ito?

Bilang isang active blogger sa mundo ng cyberspace may mga bagay talaga na hindi pa natin alam o mas tamang sabihin na gamay masyado ang mundo ng cyberspace ika nga nila bawat araw nag-iiba ang trend, kaya naman sa kagaya kung isang simpleng blogger ay natutuwa sapagkat sa ikatlo kung pagdalo sa Iblog ay masasabi kong mas naging malinaw ang ilan sa mga gusto malaman lalo pa ngaun na ang bilis kumalat ng mga impormasyon na alam naman natin na di porke na siya ang unang nagbigay ng isang balita ay totoo na iyon, kailangan din nating tignan o iverify kung ang balita na iyon ay totoo, ika nga ni Howie Severino ng GMANewsOnline kung saan isa siya sa nga speakers, "Speed but not so fast, accuracy is still king" di ba? Ika nga nila di porke siya ang unang nag bigay ng isang importansyon ay kukunin mo na ay ibabablog sa iyong pahina at sabi pa nga ni Sir Ruben Licera Jr sa kanyang lecture "A blog is only as interesting as the interest shown in others" kung saan di ka lamang basta-basta magbloblog dahil iyon sa tingin mo ang tama o mali pero iba ang interpretasyon ng iyong mangbabasa o followers ika nga nila be accountable on what ever you blog, lalo pa ngaun na minsan sa social media na kumukuha ng impormasyon ang ilan sa mga tradisyonal media kaya naman dapat bigyan mo din halaga ang bawat isusulat mo. Sabi nga ni Jeoff Salas sa kanyang lecture "to advertise o write or promote in your blog is not about the platforms or accounts, it's your message" kaya naman kahit sabihin nating may freedom tayo isulat at lahat ay gagawin na natin. Ika nga nila make a line at dapat alam kung saan at paano patutungo ang iyong pagsusulat.

Isa sa mga speaker Jeoff Salas, he talks about social media marketing

Howie Severino talk about the big part of social media in journalist.

Atty. Jay talks about the importance of the cyber-crime law.

Isa rin sa dahilan kung bakit ako umaattend sa IBlog ay libre siya kumpara sa ibang social media summit na may kailangan kang bayaran. Isa pa dito po rin makakausap ng personal ang mga naging kapalitan mo nga mga comment o mga kuro-kuro sa mundo ng blogging, ika nga nila don’t just socialize online, go offline.


Janette Toral and Atty Jay. 
At syempre nagpapasalamat ako ng personal kay Ms. Janette Toral sa walang sawang pag-organize ng ganitong event para sa mga bloggers ika nga niya bloggers is a big community and we can diversity to make a better community outside the cyberspace.

Ginanap pala ang Iblog10 sa University of the Philippines Malcom Hall , April 4 and 5 2014.

Muli congrats sa bumubuo ng Iblog sa masaya,makulit,maingay at overload na information!
So paano kita-kits ulit tayo next year para sa IBlog11.

Para sa iba pang mga larawan pumunta lamang sa official fanpage AXL Powerhouse.

Monday, April 7, 2014

Visita Iglesia Around Manila Area

Isa sa mga naging tradisyon na ng mga katolikong tuwing semana santa ang ang pagpunta sa iba't-ibang mga simbahan o mas kilala bilang VisitaIglesia, ginagawa ang Visita Iglesia tuwing Maundy Thursday

Narito ang ilan sa mga akin listahan na pude ninyong puntahan sa darating na Lenten Season.

Magsimula tayo sa loob mismo ng Binondo, kung saan makikita ang isa sa mga sikat at masasabi natin na naging malaking impluwensya ang simbahan na ito sa kumonidad ng mga Tsino.

Binondo Church
Ang Minor Basilica of St. Lorenzo Ruiz o mas kilala sa tawag na Binondo Church.

Para sa ibang detalye sa Binondo Church maari lamang pumunta sa http://axlppi.blogspot.com/2012/03/powerhouse-journey-binondo-church.html

Syempre pagkatapos mo diyan didiretso ka na palabas ng Binondo kung saan ang punta mo ay sa Sta.Cruz District at sa Sta.Cruz District makikita mo ang isa sa mga luma at masasabi naging malaking parte ng Maynila sapagkat noong panahon ng mga pananakop ng mga Britanya ay maraming naganap mismo sa lugar na iyon. Ang aking tinutukoy ay walang iba kundi ang Santa Cruz Church.

Oh before i forgot sa mga di nakakaalam ang simbahan ng Santa Cruz ay matatagpuan sa Plaza Lacson (dating Plaza Goite), sa harap nito ang isa sa mga sikat fountain ang Carriedo Water Fountain at sa silid naman nito ang  Greco-Roman styled Roman Santos Building.

Para iba pang detalye sa Santa Cruz Church pumunta lamang sa 

Nasa Plaza Lacson ka na rin lamang dumaan ka na ng Quiapo kung saan makikita ang tahanan ng sikat na rebulto ni Item Nazareno.


Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala ng nakakarami na Simbahan ng Quiapo, para iba pang detalye sa simbahan pumunta lamang sa http://axlppi.blogspot.com/2012/04/powerhouse-journey-quiapo-church.html

Syempre ilang metro na lamang ang layo nito mula sa simbahan ng Quiapo, ang Basilica Minore de San Sebastián o mas kilala bilang Sebastian Church, masasabi kung isa ito sa kakaibang simbahan sa Metro Manila sapagkat ang buong simbahan ay gawa sa bakal kung ikaw ay mapupunta dito makikita mo ang ilan sa mga detalye ng bawat bakal at di lamang yun sa pader mismo makikita mo ang ilan sa mga larawan ng mga santo at santa.


Para sa iba pang detalye sa simbahan ng San Sebastian pumunta lamang sa http://axlppi.blogspot.com/2012/04/powerhouse-journey-basilica-minore-de.html

Pagkatapos mo nag-aalay ng panalangin syempre next destinasyon na kung kaya pa naman ng katawan mo ang isang medyo mahabang lakaran maari ka ng dumiretso sa Walled City , Intramuros kung saan noong panahon ng Kastila ay di mo mabilang ang simbahan at madali ka lamang makakapag Visita Iglesia ngunit dahil nga nagkaroon ng digmaan ay iilan na lamang ang natira dito.

Isa sa mga orihinal na natira o masasabi nating nakaligtas sa ikalawang digmaan pandaigdig ay ang Simbahan ng San Agustin.


Ang simbahan ng San Agustin ay maituturing na isa sa maganda at madami kang makikitang mga detalye ng narakaan, alam ninyo na na dito nakalagak ang labi ng isa sa mga dahilan kung bakit kahit paano ay naging progreseso ang Pilipinas at nakilala ito, walang iba kung di si Miguel Lopez de Legazpi.

Isa rin pala ang simbahan na ito na nabibilang sa World Heritage Site ng UNESCO under the collective title na " Baroque Churches of the Philippines".

Para sa iba pang detalye tungkol sa simbahan na ito maaari lamang pumunta sa http://axlppi.blogspot.com/2011/04/photowalk-intramuros-part2.html



Ang susunod na destinasyon ay ang Manila Metropolitan Cathedral-Basilica o mas kilala ng tao na Manila Catheral masasabi na isa ito sa maraming pinagdaan na renovation sa kasaysayan ng Pilipinas at isa rin ito sa tahanan ng mga archishop ng Maynila.

Para sa iba pang detalye tungkol sa simbahan na ito maaari lamang pumunta sa http://axlppi.blogspot.com/2012/07/gothic-inspired-statues-in-front-of.html

So paano hanggang dito na lamang ang aking munting visita iglesia, i hope nabigyan ko kayo kahit paano kung saan pude pumunta sa mahal na araw.