Intramuros

Intramuros ay [(Latin) intra: within; muros:walls]. The popular name given to the walled city of Spanish Manila. The name “Manila” (it is claimed) derives from nilad, a type of mangrove that bore white waxy flowers (Ixora).

Luneta Park

Park or Rizal Park is one of the historic destinations in the Philippines.

MOA Eye At Night

Last February 18, 2012 nagkaroon ng isang munting gathering ang mga Helios para sa 1st gathering nito para sa 2012.....

MALL OF ASIA SAN MIGUEL BY THE BAY

Its time of Photowalk again actually its on my plan talaga na magphotowalk sa buong Mall of Asia sa loob mismo ng mall kaso bawal nga magtake ng mga pictures with the permission........

The Sunset

Sabi ka ni Adriaan Kortlandt “Once I saw a chimpanzee gaze at a particularly beautiful sunset for a full 15 minutes, watching the changing colors [and then] retire to the forest without picking a pawpaw for supper.

Monday, September 29, 2014

Liv Co | No Limits. Only Possibilities


Ang bagong ngunit mapangahas, ika nga ni slogan nila No Limit. Only Possibilities, oo nga naman alam naman natin na sa bilis ng takbo ngaun sa mundo ng social media maraming nagbabago, wala ng limitasyon kundi posibilidad na lamang kaya naman sigurado o maaring magbabago sa landscape ng isang lifestyle ng isang tao tungo sa social media.

Anu nga ba ang target market o niche ng www.LivCo.com.ph?

www.LivCo.com.ph ay naglalaman ng iba't-ibang mga pakulo kung saan andito podcast, audio visual presentations (AVPs), mga blogpost patungkol sa kanilang mga event mula sa mundo ng  entertainment patungo sa mundo ng business syempre mawawala pa ba ang IN ngaun ang lifestyle.

Ang aim ng www.LivCo.com.ph ay mapakilala kung anu nga ba ang bago at kakaiba para sa masa sa pamamagitan ng social media networks.


Isa sa mga pakulo ng LivCo.com.ph ay ang STORYAHE na kumbinasyon ng storya (isang salitang Hiligaynon na ibigsabihin ay story) at ang byahe (na means journey). Ang STORYAHE ay tumatalakay sa isang kwento ng iba't-ibang mga tao kung saan nagbibigay ng kanilang mga karanasan sa mga kanilang buhay mula sa isang maganda o masamang paglalakbay na talaga naman magbibigay ng aral sa mga manonood.

At nasabi na rin ang travel syempre di mawawala sa paglalakbay ang pagkain kung saan mabibigyan ng review sa mga lugar na napupuntahan kungbaga para siyang munting dokumentary style na vblog (video blog).

At bilang parte ng soft launch ng website LivCo.com.ph nagbibigay sila ng isang Block Screening (2 remaining movies) na sigurado kaabang-abang lalong-lalo na sa mga kabataan ngaun sapangkat isa ito sa mga masasabi kung naging paborito ng iilan sa alin ang The Hunger Games: Mockingjay (to be shown on November 19, 2014) at ang The Hobbit: The Battle of Five Armies (to be shown on December 17, 2014). Di ba masaya ang magiging ganap para sa isang block screening kaya naman kung ako sa iyo wag na wag kang magpapahuli, malay mo isa ka sa mga mapipiling tao para makapanood ng block screening.

Para sa iba pang mga detalye patungkol sa LivCo.com.ph maari lamang ninyo bisitahin ang kanilang opisyal na website.

So paano kita-kits na lamang tayo sa mga susunod na event ng LivCo, malay mo magkita tayo doon!

Friday, September 26, 2014

Hari Ng Tondo mapapanood na sa mainstream

Isa ang Hari ng Tondo sa Director's Showcase ng Cinemalaya X noong Agosto at dinirehe ng nag-iisang Carlos Siguion-Reyna.

Di na ko magtataka pa kung bakit mapapanood na ng mga Pinoy ang isa sa mga pinilahan at binigyan ng iba't-ibang mga parangal noong Cinemalaya Awards night katulad ng Best Actor para kay Robert Arevalo, Best Supporting actress para kay Cris Villonco at Special Jury Prize para sa Director's Showcase.

Tuesday, September 23, 2014

RC Jamaican Patties

RC Jamaican Patties ay matatagpuan sa loob ng gusali ng Market-Market noon una akala ko isang fastfood chain ang RC Jamaican Patties kung saan nagseserve sila ng iba't-ibang mga putahe ng Jamaican food pero nagkamali pala ako sapagkat pagpunta namin doon ay isa pala itong kiosk, kahit ganoon ang naging reaction naisip ko na din ba bakit di ko subukan tutal andoon na rin naman ako malay natin magustuhan ko din ang ilan sa mga best seller nila.

Monday, September 22, 2014

Seven Reason To Watch "Shrek The Musical"

Sabi nila isa sa maaring makapagtanggal sa iyo ng stress ay manood ka ng isang magandang palabas at garantisadong pagkatapos mo itong mapanood ay magiging goodvibes ka.

Noong nakaraang 18 September 2014 ay naimbitahan ako upang paanorin ang isa sa mga bagong offering ng Atlantis Productions, walang iba kundi ang isa sa mga sikat na palabas pambata at pwedeng sa mga pusong bata na "Shrek". Sinu nga ba ang di makakakilala sa atin ng palabas na "Shrek" na talaga naman na nagbibigay ng kakaibang aliw sa mga bata pag-ito ay pinapanood nila.

Sunday, September 21, 2014

Moymoy Lulumboy, Ang Batang Aswang | Book Launch


Kung mahilig ka magbasa ng malaHarry Potter Series o ng Lord of the King Series marahil ay magugustuhan mo din ang Moymoy Lulumboy, Ang Batang Aswang na sinulat ni Segundo Matias Jr at igihuhit ni Jomike Tejido. Dahil ang Moymoy Lulumboy, Ang Batang Aswang ay isang kwentong mythological na kung saan naikwekwento dito ang isang masaya,malungkot at mabagsik na buhay ni Moymoy Lulumboy.

Kaya naman laking tuwa ko noong naimbitahan ako upang makasama sa isang munting book launch ng Moymoy Lulumboy, Ang Batang Aswang ay umoo kaagad ako sapagkat alam ko na magiging patok ito sa mga kabataan lalo't pa na nabalitaan ko na nauna pala itong inilimbang sa isang sikat na social media na Wattpad.

Saturday, September 20, 2014

The Maze Runner (film) | Movie Review

Isa sa mga masasabi kung sobrang ganda pelikulang napanood ko sa ngaun, marahil dahil mahilig ako sa mga sci-fi movie katulad ng Ender's Game, Hunger Games at iba pang katulad ng ganitong genre.

Ang pelikulang The Maze Runner ay tumatalakay sa kwento ng isang binata na napunta sa isang lugar na kung saan di niya alam kung anu nga ba ang dapat niyang gamit sapagkat pagdating niya sa lugar na iyon ay wala na siyang maalala, ang masama pa doon di niya alam kung anu ang rason kung bakit siya dinala doon. At marahil isa ito sa mga tricks para malaman nila kung anu nga ba ang meron sa lugar na ito, lugar na kumbinasyon ng makalumang pamamaraan at modernong nakabakod na lugar o mas tamang sabihin na isang malaking-malaking maze.

Zigla, the fresh, healthy and organic fastfood

Sabi nga nila ang bawat bilis ng panahon ay siya rin bilis ng iyong buhay sapagkat may mga bagay na nagbibigay sa iyo ng stress o sakit, marahil dala na iyon ng iyong pagkain, ika nga nila kung anu ang iyong kinakain ay siya rin ang magiging epekto nito sa iyong pagkilos o galaw. Lalo na ngaun na ang bawat gusto ng tao ay mabilisan yung tipong instant na andiyan sa harap mo.

Pero dahil sa mga instant na yan ay maraming nagkakasakit sapagkat di nila binibigyan ng pansin ang mga kinakain nila. Kaya naman dapat maging wais tayo kahit instant pa ito lalong-lalo na pagdating sa pagkain. Isa ang Zigla sa masasabi kung instant food di dahil mabilisan itong ginawa kungdi dahil di mo kailangan pang maghintay ng preparation ng mga healthy food sapagkat sila na mismo ang gagawa nito para sa iyo.

Tuesday, September 16, 2014

Eraserheads mula noon hanggang ngaun

EsquireEheads Cover
90’s. ‘Yan ang unang naalala ko nung marinig ko sa unang pagkakataon ang dalawang bagong kanta ng Eraserheads. Tunog palang kase 90’s pa din ang dating, napakahusay, wala pa ding  pinagbago. Muli tuloy bumalik lahat ng alaala ko nung nasa Grade 2 palang ako, sa kotse ng pinsan ko kung saan una kong narinig ang Eraserheads, unang album nila yun. Akalain mong halos 2 dekada na pala ang nakalipas. Sa bawat andar ng sasakyan kapag hinahatid sundo nila ako, hanggang pag-uwi sa bahay ay Tunog Eraserheads pa din ang pinatutugtog nya kaya halos mamemorize ko na nga ang bawat linya. Paborito ko nun yung kantang “Tindahan Ni Aling Nena” siguro dahil bata pa ako noon kaya ayun ang nagustuhan ko, nakakatuwa kase ang bawat linya.

Monday, September 15, 2014

Project: First Home | Book Launch

Sabi nga nila isa sa mga pangangailangan ng isang tao dito sa mundong ito ay ang pagkakaroon ng isang maayos na bahay. Dahil ang bahay ang maaring pagsimbolo ng katayuan o narating mo sa buhay.

Isa sa mga pangarap ko ay pagkaroon ng simple ngunit maayos na bahay at dahil wala naman akong alam patungkol sa kwento kung paano nga ba nabubuo ang isang bahay, isa marahil sa mga dahilan kung bakit nagustuhan kung umattend sa isang book launch dahil alam mo sa bawat basa mo ng isang libro o sa modernong panahon ngaun na tinatawag na e-book ay para mas lalong lumawak ang iyong kaisipan at kaalaman sa bagay na iyong gustong malaman.

Sunday, September 14, 2014

Giselle, Ang babalik sa Ballet Philippines

Isa marahil sa inaabangan ng masugid na manonood ng Ballet Philippines ang Giselle, paano ko nasabi? Simple lang dahil sa ganda ng tema nito kung saan isang klasikong kwento na bumabalot patungkol sa tradehya ng pagkawala, pagpapatawad at pag-ibig hanggang kamatayan. Pamilyar ba sa iyo ang ganung set-up? Kung sasabihin mo sa aking oo o mas tamang sabihin na tugma ito sa isang kwentong napapanood natin sa telebisyon, marahil tama ba?

Sinu nga ba ang ayaw sa ganung uri ng kwento, hindi ba?

Masasabi kung isa marahil ito ang dahilan kung bakit muling magbabalik ang Giselle sa Ballet Philippines sapagkat maisasalarawan nito ang kwento maaring makatulong o mas maging malawak sa mga bagay na nais mong maiparating.

Isa ang Giselle sa nakamit ng maraming parangal noong nakaraang Philstage Gawad Buhay award kung saan nakuha nito ang Outstanding Ensemble Performance for classical dance, male lead performance in classical dance at female lead performance in classical dance.

Kaya naman di nakapagtataka kung muling isasabuhay ng Ballet Philippines ito para sa kanilang Blue Moon Series, kaya dapat huwag na huwag mo itong papalagpasin sapagkat isa sa magiging gaganap na Giselle ay ang primera klaseng balerina na mula pa sa Estados Unidos na si Stella Abrera at syempre ang premirong balarino na si James Whiteside na nagmula pa sa Amerika na gaganap bilang Albecht, ang lalaking minahal ng Giselle ng lubos.

Narito ang ilang piling eksena na maaring makita sa prime night.





Syempre makakasama din nila ang Ballet Philippines principal dancers na sina Katherine Trofeo at Jean Marc Cordero, soloist na si Denise Parungan, Junior principal dancer Earl John Arisla.

Makakasama din ng Ballet Philippines ang Philippine Philharmonic Orchestra para mas lalong magbigay ng kakaibang ningning ng musika nito.

Kaya kung nacucurios ka kung paano nga ba muling ibabalik ang isang magandang kwento na si Giselle ata dapat panoorin mo lalong-lalo na bihira lamang ang salita na maririnig mo sapagkat mas maraming galaw ng katawan ito.

Mapapanood ang Giselle sa darating an September 19, 2014 sa ganap na 3pm at 8pm at September 21, 2014 sa ganap na 2pm at 6pm sa Tanghalang Nicanor Abelardo - Cultural Center of the Philppines.

Mabibili ang ticket sa CCP Box Office 832-3704 o sa ticketworld 891-9999

Para sa iba pang detalye patungkol sa Giselle maari lamang komonect sa kanilang opisyal na social media network.

Facebook : www.facebook.com/balletphilippines
Twitter : @balletph
Instagram : @balletphilippines
Youtube : www.youtube.com/user/balletph

So paano kita-kits na lamang tayo sa opening ng Giselle!

Saturday, September 13, 2014

Sa Dolfenal #LagingGoodVibes


Sabi nga nila dapat #laginggoodvibes ka kung gusto mong maging masaya sapagkat mas magiging magaan ang mga bawat bagay na iyong gagawin.

Tuesday, September 9, 2014

Pizza warehouse, your fastfood pizza parlor

Pizza Warehouse Logo
Sabi nga nila pizza ang isa sa mga paboritong pagkain ng pinoy, di ko alam kung bakit pero marahil dala ito ng kultura ng mga Kastila o ng mga Amerikano.

Aaminin ko isa ako sa mga mahilig kumain ng pizza noong nagtratrabaho pa lamang ako sa business district sa Ortigas madalas tuwing papatak ang araw ng Byernes ay pumunta kami ng aming grupo sa isang sikat na pizza parlor upang magchill at itreat ang aming mga sarili sa isang mahabang trabaho sa linggo na iyon.

Kaya naman mahaba ang aming hinihintay upang matikman ang aming pizza kumbaga nasasayang ang iyong oras para lamang sa isang pizza hindi ba?

Monday, September 8, 2014

Si Dok Philip at ang Acupuncture

Sabi nga nila lahat ng bago magiging luma at lahat ng luma ay magiging bago uli? Magulo ba? Sa tingin ko naman hindi naman siya magulo kung babasahin mo ng mabuti kung anu nga ba ang gusto ipahulugan ng bagay na yun?

Simulan natin sa tinatawag ng karamihan na alternative medicine na kung saan noong panahon ng ating mga ninuno ay ito ang mabisa at garandisadong mabisa kumpara sa mga nakikita natin ngaun sa merkado, hindi ba?

Isa sa mga nauuso o mas tamang sabihin na mas pinipili ng ilan sa mga karamihan lalo na yung mga nagsasawa na sa paginom ng mga gamot ay ang itinatawag na acupuncture. Isa ang acupuncture sa magandang dahilan kung bakit mas maging maganda ang pakiramdam mo pagkatapos mo itong subukan sapagkat di mo kailangan uminom ng kung anu-anu mga gamot na hindi mo naman gusto.

At isa sa mga nagsusulong ng acupuncture ay si Dok Philip kung saan nabigyan ako ng pagkakataon upang mas lalo pang alamin kung anu nga ba ang kahalagahan ng acupuncture sa isang tao at kung anu-anu nga ba ang dahilan kung bakit kailan mo itong gawin.

Narito ang aking munting interview sa kanyang patungkol sa bagay na iyan.

Tara kilalanin natin si Dok Philip at ang acupuncture.

Full Name and Alias: Philip Nino P. Tan-Gatue
Website:  http://acupuncture.net.ph
Twitter:  acupuncturephil
Location:  Manila
Education:  University of the Philippines Manila, 1998 and 2002, Nanjing University of Traditional Chinese Medicine, 2005,  China Academy of Chinese Medical Sciences, 2010.

Tell me something about yourself, your background and your profession?   I’m just an ordinary dude with extraordinary interests.  I got into acupuncture because of those extraordinary interests, and became a full blooded devotee of Chinese Medicine when it successfully helped me with my migraines.  Currently I am on a mission and my goal is to have Chinese Medicine and Acupuncture as a PRC licensed profession here in the Philippines someday.

Tell me about yourself that people don't know?  If I was not a medical professional, I would have wanted to be a sportscaster.

Thursday, September 4, 2014

Tumatambay sa Tambayan sa Kanto

Sabi nga nila ang pagkaing Pinoy ay kakaiba sa lahat ng mga pagkain sa ibang bansa sapagkat meron itong kakaibang lasa na talaga naman kahit araw-araw mo ata itong kainin ay masarap. Marahil dulot ito ng mga bansang sumakop sa atin kaya naman ganun na lamang ang ating sarap sa pagluluto.

Marahil nabasa ninyo na ang aking munting review sa Tambayan sa Kanto noong nakaraang buwan, ito ulit ako at muling magbabalik para muling tikman at lasapin ang pagtambay sa Tambayan sa Kanto.

Muli ang Tambayan sa Kanto ay isa sa mga masarap kainin sa puso ng Ortigas, sa loob mismo ng The Podim kung saan isa sila sa maitututing premier ng lugar.

Tuesday, September 2, 2014

Hot Spot : Jonas Fabian Roque

Jonas Fabian Roque isa sa mga kilalang personalidad sa likod ng facebuko at #ParangPagIbig sa LRT ngaun. Sinu nga ba ang makakalimot sa sikat na blogsite na facebuko, isa ako sa mga naamaze sa mga bawat sinusulat niya dito, di pa ako gaanong nagbloblog noon pero binabasa ko na ito, ngaun naman ang #ParangPagIbig naman ang kanyang bagong sinisimulan.

Noong una ko siyang nakita di ko kaagad siya nakilala hanggang sa nakita ko na lamang ang kanyang ID na boom siya pala si Facebuko, ang dami talaga nagagawa ng isang blogero sapagkat kikilala mo ang ilan sa mga hinahangaan mong personalidad sa mundo ng blogsphere.

At di ko rin akalain na mapapaOO ko sya dito sa aking munting feature sapagkat alam ko naman na isa siya sa mga busy na tao lalo pa ngaun na ang balita ko ay madaming siyang projects at madalas ang kanyang out of town triop, kaya laking papasalamat ko talaga sa kanya.

Tara mas kilalanin pa natin ng husto si Jonas Fabian Roque sa aking munting HotSpot.

Full Name and Alias: Jonas Fabian Roque / @facebuko / #parangpagibig
Website/Blog: jonas.ph
Twitter: @facebuko
IG : @parangpagibig
Location: Bulacan
Education: BS Computer Science
Genre of your Photography: Landscape

Monday, September 1, 2014

YouTurn : Ma.Teresa L. Sagun

Ma.Teresa L. Sagun o mas kilala bilang Tere ng kanyang mga kaibigan, paano ko nga ba siya nakilala? Sa pagkakaalala ko sa isang isang ata tapos ng karoon ng kaunting usapan sa buhay-buhay tapos ayun na, nawala na yung communication namin marahil naging busy na rin kami sa aming kanya-kanyang mga larangan kung siya sa  Digital arts, ako naman ay sa fotograpiya. Ngunit subalit nagulat na lamang ako ng may biglang lumabas sa aking news feed sa facebook kung saan pinost niya ang kanyang magagandang likha gamit ang kanyang magaling na kamay. Na talaga naman napabilib niya ako sapagkat buhay-buhay ang bawat pagkaguhit nito, animo'y parang isang gumagalaw na likha.

Tara mas kilalanin pa natin si Ma.Teresa L. Sagun sa aking munting YouTurn kung saan binibigyan ng pagkakataon ang mga mahuhusay sa larangan ng arts.


Full Name and Alias: Ma.Teresa L. Sagun, Tere, Rai
Website/Blog: https://www.paigeeworld.com/u/chitaae ||  http://teweway.deviantart.com/
Twitter: https://twitter.com/chitaae
Instagram: http://instagram.com/teweway
Location: Bulacan
Age: 19
Education: Far Eastern University Institute of Technology, BSIT Digital arts
Genre of your graphic illustration:  I do most realistic portraits/drawings, but I can also do vectors and digital paint.
Tell me something about yourself that people don't know:
I stop attending college  this school year because of multiple personal reasons, but I do not regret choosing staying at home for now.
I can honestly say that my skills got more better  here at home, more than attending class at school hahaha.
I do like reading books ,and even though I'm not that fit I really like getting involved in sports.