Monday, March 23, 2015

Mga kanta Ng Batang 90s

Madaling araw na pero gising na gising pa rin ako marahil dahil siguro sa isang nakakagoodvibes na kanta. Isang kanta na nagbibigay sa iyo ng isang magandang alaala ng bata ka pa. Sinu ba dito ang batang 90s?

(c) http://mattersmost.deviantart.com/art/MGA-PINSAN-KONG-SUPERHEROES-198434799
Kung saan di pa uso ang mga teknolohiya na nagbibigay ng kaligayahan ng mga bata ngayon. Sabi nga nila kung batang 90s ka sigurado ako na nakaranasan mo ang mga iba't-ibang mga larong kalye katulad ng Nanay-tatay, Langit-Lupa, agawang base, tagu-taguan at iba pa..

At syempre sa mga bawat laro na yan may mga katumbas na kanta yan..

Tara samahan mo akong kantahin ang mga kinakanta ng mga batang 90s noon.




Narito ang ilan sa mga kantahin ng batang 90s.

Nanay, Tatay gusto kong tinapay.
Ate, Kuya gusto kong kape.
Lahat ng gusto ko ay susundin nyo, ang magkamali ay pipingutin ko.

Tagutaguan maliwanag ang buwan, tayo’y maglaro ng tagu-taguanWala Sa likod wala sa harap, pagbilang kong sampu nakatago na kayo, isa…dalawa…tatlo…apat…lima…anim…pito…walo…siyam…sampu!

"Jack n' Poy. Hale hale hoy! Sinong matalo, s'yang unggoy!"

“Sawsaw suka, mahuli taya!

Langit, lupa, impyerno, Im-im-impyerno
Saksak puso tulo ang dugo.
Patay, buhay. Umaaalis ka na diyaan.

pichi-pichi is a bubble gum, masarap ito at malinamnam, bumili kayo sa tindahan ng pichi-pichi gum...

Kung alam mo ang mga ito, siguro akong batang 90s ka nga!

0 comments :

Post a Comment