Monday, March 30, 2015

World Of DC Comics Present Super Hero World Record

DC Comic ay isa sa mga malakas na comic books na buong mundo, sapagkat di lamang ito basta-basta isang comics kundi isang funtastic comics kung saan dito mo makikita ang ilan sa mga sikat na paborito mong mga karakter na napapanood mo sa telebisyon o maging sa mundo ng pelikula. Ilan sa mga karakter na pinasikat ng DC Comics ay sina Flash, Batman, Superman, Wonderwoman at marami pang iba.

Kaya naman sa darating na  April 18, 2015 magkakaroon ng isang masayang pagsasama-sama ng iba't-ibang mga action super heroes ng DC Comics kung saan ang gagawin nila ay isang masayang fun run, hindi lamang ito ordinaryong fun run sapagkat dapat ikaw ay nakasuot ng iyong paboritong karakter ng DC Comics at bawal dito ang kontrabida ha, uunahan ko na kayo patugkol sa bagay na iyo.
Ang World of DC Comics : Super Hero World Record ay gaganapin mismo sa balwarte ng Mall of Asia Bay side magsisimula ang karerahan ng mga super heroes sa ganap na 4 ng umaga kaya naman sigurado akong mananalo ang Pilipinas sa padamihan ng DC Comics Super Heroes at bago ko makalimutan hindi lamang sa Pilipinas ginaganap ang World of DC Comics : Super Hero World Record sapagkat meron din ito sa iba't-ibang dako ng mundo kaya naman dapat andito ka unang masaksihan ito o mas tamang sabihin na sumali ka, hindi ba?


Paano nga a sumali dito sa World of DC Comics : Super Hero World Record simple lang naman magregister ka sa kanilang opisyal website na www.worldofdcph.com at bayaran mo ang iyong napiling takbo sa pinakamalapit na 7Eleven outlet na pwedeng bayaran ng cash o ng credit card.

Syempre makukuha mo ang iyong race kit once na talagang sumali ka na at ipapadala iyo sa darating na April o bago magsimula ang mismong World of DC Comics : Super Hero World Record.

Kung medyo nahassle lang ka sa pagonline pwede ka rin naman pumunta sa pinakamalapit na outlet ng Chris Sports upang doon na lamang nagregister.

Naglalaman ang race kit ng isang superhero na custome na pwedeng mong pagpilian na sina Batman with mask, Superman with cape, Wonder Woman with tiara, The Flash with mask o di kaya naman si Green Lantern with mask.


Ang presyo ng pagtakbo ay nakabase sa iyong gustong takbuhan, narito ang listahan na iyon.

Fee
3k distance – PHP 700 / 5k distance – PHP 800 / 10k distance – PHP 900.

So paano hanggang dito na lamang ako kita-kits tayo sa darating na World of DC Comics : Super Hero World Record ha.

1 comments :