Thursday, March 5, 2015

Your Face Sounds Familiar Aarangkada Na!!!

Billy Crawford host the Your Face Sounds Familiar
Your Face Sounds Familiar ang isa sa mga pinakabagong handog ng Abs-Cbn ngayon unang taon ng 2015 kung saan nagbibigay ng kakaibang aliw,saya at maaring bumago sa isang competition. Ang Your Face Sounds Familiar ay isang franchise na nagmula sa Endemol na kung saan tumatok din sa iba't-ibang dako ng mundo.

Ang Your Face Sounds Familiar ay ihohost ng nag-iisang international RnB singer Billy Crawford kaya naman garantisado na maraming kulitan na magaganap sa palabas na ito.


Anu nga ba ang konsepto ng Your Face Sounds Familiar??

Ang Your Face Sounds Familiar ay isang palabas kung saan magtatagisan ng galing sa pag-awit at paggaya ng iba't-ibang mga icons sa mundo ng musika. Kumbaga para itong Kalokalike ng Showtime pero mas intense nga lamang sapagkat may mga challenge sila, sapagkat hahamunin ang walong celebrity performers na gumanap at kopyahin ang galaw, porma, mukha at maging boses ng iba't-ibang music icons, lokal man o international. Sa pamamagitan ng isang iconizer, marereveal ang music icon na gagayahin ng bawat celebrity performer para sa susunod na linggo.


Makakasama sa celebrity performers ang RnB King JayR, 6CycleMind vocalist Tutti Caringal, Prince of Indie Edgar Allan Guzman, Showbiz Royalty Maxene Magalona, Acoustic Singer Nyoy Volante, Prinsesa ng Masa Melai Cantiveros, Singer-Performer Karla Estrada, at ang nag-iisang Pop Icon Jolina Magdangal.


Sa paglalaban-laban nila ay ibubuhos ng bawat performer ang lahat ng kanyang alas at abilidad sa tulong na rin ng acting, dance, at vocal training kasabay ng kumpletong make-up transformation para lubos na magtugma ang yaos, itsura at galaw ng assigned music icon.


Natanung sila kung sino nga ba ang gusto nilang iperform kung sakaling bibigyan sila ng pagkakataon.

Narito ang ilan sa mga sagot nila patungkol sa bagay na iyan

Maxene Magalona ang kanyang namayapang ama na si Francis M, Jolina Magdangal ay si Madonna, Tutti as Aerosmith or AxelRose or any similar rock icon, Allan Guzman si Cris Brown, JayR naman ay gusto niyang subukan na gayahin si Nyoy, sina Carla at Melai naman kahit sinu basta alam niya ang tembre nila.

Kaya naman wag na wag mong papalagpasin ang  Your Face Sounds Familiar na magsisimula na sa Marso 14 at 15 2015 ng gabi sa Abs-Cbn.

Para sa iba pang larawan sa naganap na prescon ng Your Face Sounds Familiar tumungo lamang sa opisyal na fanpage ng AXLPowerhouse

1 comments :

  1. maka enjoy talaga saka i miss sharon cuneta

    ReplyDelete