Friday, April 24, 2015

Angel Locsin magbibigay ng special tribute sa dalawang SAF Commando

Angel Locsin ay isa sa mga hinahangaan ko magdating sa mundo ng pag-arte sa telebisyon o maging sa pelikula hindi dahil maganda siya kundi alam niya ang worth niya bilang isang artista. Marami nagsasabi na malaki na nga ang pinagbago ni Angel Locsin noong lumipat siya sa bakuran ng Kapamilya Network. Napansin ko din ang bahay na iyon bilang isang tagahanga niya at kung titignan mo ang mga naging palabas niya sa telebisyon o pelikula ay talaga naman pinag-isipan ng husto.

Kaya naman pagkatapos ng kanyang mahabang pahinga mula sa Legal Wife ay muling magbabalik ang nag-iisang Angel Locsin kung saan bibigyan niya ng special tribute ang dalawang SAF Commando na ipapalabas sa MMK sa darating na sabado.


Ang special tribute ng “MMK” na magsisimula ngayong Sabado ay iikot sa kwento ng dalawang SAF commando na sina Garry Erana (gagampanan ni Coco Martin) at Rennie Tayrus (gagampanan ni Ejay Falcon). Sa kabila ng kanilang pagmamahal para sa kanilang pamilya, kaibigan at mga mahal sa buhay, mas pinili nina Garry at Rennie isakripisyo ang kanilang panahon upang ibigay ang kanilang dedikasyon sa pagprotekta sa mga Pilipino.


Alamin ang mga pagsubok na pinagdaanan nina Garry at Rennie upang makamit nila ang kanilang mga pangarap bilang isang SAF commando, at tunghayan ang sakit at hirap na dinanas ng kanilang mga pamilya dahil sa sinapit nila sa pinakamapanganib na operasyon na kanilang kinaharap.

Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Javier Fernando at panulat nina Arah Jell Badayos at Benson Logronio.

Kaya naman wag na wag mong papalagpasin ang isa sa mga magagandang episode ng MMK sa darating na sabado.

At syempre dahil kaarawan ni Angel Locsin kahapon (April 23, 2015) tinanung siya kung anu nga ba ang mga bagay na pagpapasaya sa kanya at gusto pa niyang gawin sa buhay.

Narito ang kanyang sagot na kinunan sa video.



Kuha ni MC ng LionHearTV

Para sa iba pang mga larawan ni Angel Locsin sa prescon ng #MMKFallen44 maari lamang kayo pumunta sa opisyal na fanpage ng AXLPowerhouse.

0 comments :

Post a Comment