Friday, May 1, 2015

Discover Broker in Manila

Anu nga ba ang meron ngayon sa Metropolis at biglang dami na lamang ng mga nagtatayuang mga condominium o ib pa bang katulad nito. Maganda ba ang naidudulot nito sa atin o sa ekonomiya ng bayan? O isa lamang itong ilusyon para sa iilan?


Bilang isang freelancer at umamatted ng iba't-ibang mga seminar para mas lumawak pa ang aking kaalamanan patungkol sa bagay na ito, syempre iispin mo muna ang kahalagaan nito sa iyong sarili hindi ba?


Kaya naman bago ako sumabak sa isang giyera dapat alam mo ang iyong gagawin, isa sa mga pinakamabilis na paraan dito ang paggamit natin ng ating social media netowrk kung saan nagbibigay ito ng mga kailangan natin mga impormasyon ayon na rin mismo sa ating nais.

Isa sa mga nakita kung website ay ang brokerinmanila na sa aking malagay ay baguhan pa lamang siya sa mundo ng blogging base na rin sa kanyang paggawa pero hindi naman yun ang aking punto sapagkat sabi nga nila wala naman yan sa galing mo magsulat kundi nasa content yan kung paano mo isinulat ang mga bagay na nais mong iparating hindi ba?

Kaya naman habang binabrowse ko ang bawat detalye ng brokerinmanila isa sa mga nabasa ko sa kanyang blog ay ang Things to Consider when Buying a Condo na kung tutuusin ay talaga naman maganda at tama ang bawat impormasyon na andun. Ika nga nila bago ka bumili ng isang condo unit dapat alamin mo muna kung accessible ba ito sa work mo o sa mga lugar na lagi mong pinumuntahan, di lamang mga amenity ang dapat mong iconsider, oo nga maganda ang mga amenity ng condo itong tinitirhan pero yung pagpunta mo naman sa condo mo pahirap at walang mga alternative ways para makapunta doon, hindi wala rin naman manyayari hindi ba? At higit sa lahat ay important ay ang parking dahil napapansin ko na iilan lang ang mga parking space sa mga condo.

Anu-anu nga ba ang mga dapat iimprove sa brokerinmanila???

Di ko alam kung dapat ba akong magsuggest ng iilang mga bagay para sa isang ito sapagkat feeling ko parang baguhan pa rin ako sa social media dahil para sa aking araw-araw ng isang bagong kabanata ng kaalaman ang nakukuha ko pero dahil nga bilang isang matulungin na kaibigan, syemre tulugan natin.

Una, dapat mas bigyan niya ng buhay ang template ng blog niya masyado ito simple na parang minadali ang pagkakagawa nito.

Ikalawa, kung kakayanin naman niyang gawan ng paraan na mas maging imformative ang mga bawat blogpost niya katulad ng ginawa niya sa Things to Consider when Buying a Condo mas mainam sapagkat maraming naghahanap nito, hindi lamang basta-basta sinulat dahil kailangan mo.

Ikatlo, kung kaya naman gawan ito ng isang mini video kung saan ipinapakita dito ang actual place at amenity ng isang lugar dahil para sa akin mas nakakaenganyo itong panoorin o kung mga actual photos naman mas mainam din.

Sa ngayon yan pa lamang ay masasabi kong friendly advise sa kanya since baguhan pala lamang sa industrya na ito at tulong ko na rin sa kanya para sa kanyang negosyo.

But wait syempre di lamang ako ang tutulong sa kanya tulungan ninyo siya sa pamamagitan nito
https://www.thunderclap.it/projects/25176-brokerinmanila-website-launch pindutin ninyo lamang ang support para sa broker in manila.

Maraming salamat sa mga sumuporta! Hanggang sa muli nating pagkikita!

0 comments :

Post a Comment