Sunday, June 28, 2015

8 Reasons To Shop In Pismo Digital Lifestyle Inc

Ikaw ba ang mahilig sa mga modernong kagamitan at gusto laging in sa mga bawat teknolohiya ngayon sa ating paligid? Kung oo ang magiging sagot mo sa aking katanungan naku may irerecommend ako na lugar kung saan ako na tiyak na matutuwa ka ng ubos sapagkat ang lugar na iyong mapupuntahan ay lugar kung saan hindi lamang isang ordinaryong store ng teknolohiya kundi lifestyle ng teknolohiya.


Ang Pismo Digital Lifestyle Inc ay isa sa mga may bagong at swak sa bulsa na store na matatagpuan sa loob ng  East Wings, Shangrila Mall.



Noong una di ko alam kung bakit siya tinawag na Digital Lifestyle akala ko more on virtual siya yun pala talagang real store siya kung saan pwede mo makita at may mag-assist pa sa iyong mga sales representative na alam na alam nila ang bawat pasikot sikot ng mga bagay na bibilhin mo.

Tara samahan mo akong alamin kung anung meron sa Pismo Digital Lifestyle Inc at anung rason kung bakit sa dinami-dami ng mga technology shop sa bansa ay ang Pismo Digital Lifestyle Inc ka dapat pumunta.


1. Kagaya ng nasabi ko ang Pismo Digital Lifestyle Inc ay tahanan ng isang moderno kagamitang pangteknolohiya merom silang DSLR camera sa pamamagitan ng FujiFilm, ang in na in ngayon sa mga kabataan ang FujiFilm Instax, ang GoPro para sa mga mahilig magtravel at kumuha ng mga larawan at syempre may mga usb / SD card din sila para naman masave mo ung mga nakuha mong mga larawan sa GoPro, dlsr at sa iphone/android mo.


2. May mga accessories din sila para sa mga IPhone and android users kagaya ng Otter, may mga headset and earphones din sila para sa mga mahilig mag music.


3. Kung mahilig ka naman sa mga aerial shoot at gusto mo makita ang ganda ng paligid sa pamamagitan ng aeriel view meron silang DJI kung saan pwede mo itong gamitin at di lamang yun sapagkat maganda ung quality na maibibigay niya para sa gusto mong kuha.


4. Kung ikaw naman yung tipong party goer o di kaya naman mahilig sa in-house music at syempre paano mangyayari yun kung wala kang magandang speaker hindi ba? Di papahuli ang Pismo Digital Lifestyle Inc sapagkat meron silang bowers and wilkins, mula sa ordinaryong speaker para sa pc hanggang sa speaker para sa Iphone.

5. Kung ikaw naman ay mahilig gumawa ng sarili mong gundam style o kaya gumawa ng sarili mong 3d art style masasabi kung matutuwa ka sa ipapakita ko sa iyo at maging ako ay di ko lubos na akalain mo meron talaga ganung makina na pwede gumawa ng sarili mong laruan na gusto mo at syempre bago mo magawa mo dapat may alam ka sa AUTOCAD, ang sinasabi kung makina ay walang iba kundi ang Ultimaker2. Grabe ang tuwa ko talaga dito habang ginawa ko ang isang sample nito.


6. Nababanggit ko na rin lang ang Iphone syempre meron din sila mula sa Iphone 5 hanggang sa pinakalatest na Iphone 6 plus meron sila.


7. Ito isa sa mga masasabi kung naging paborito kung binibenta sa Pismo Digital Lifestyle Inc ang Intuos Pro sapagkat mahilig ako magdrawing hindi man ako kasing galing ng iba pero unti-unti inaaral ko naman ito.


8. At ang huli ang mamabit na staff ng Pismo Digital Lifestyle Inc nawalang sayang nagbibigay sa akin ng mga impormasyon na aking kailangan at masasabi ko napag-aralan nila ang husto ang mga bagay-bagay, hindi sila tulad ng iba na kung anu lang ang nasabi sa kanila yun na yun, dito mula sa pinakabasic hanggang sa mga technicalities alam na alam nila.

So ngayon alam mo na kung saan mas masaya at magandang bumili ng mga gadgets na ggamitin mo sa iyong pang-araw-araw kaya yan ang dahilan kung bakit tinawag na Pismo Digital Lifestyle Inc, dahil lahat ng mga kailan mo mula sa simpleng accessories hanggang sa mga complicate na gamit para sa modernong panahon meron sila.

Para sa iba pang mga larawan at mga bagay na binebenta nila maari lamang kayo pumunta sa akin opisyal na facebook AXLPPI 

So paano kita-kits na lang tayo dito sa Pismo Digital Lifestyle Inc dahil mukhang mapapadalas ang dalaw ko sa store na ito.

0 comments :

Post a Comment