Thursday, May 7, 2015

Reasons To Watch Kung Paano Ako Naging Leading Lady

Kung Paano Ako Naging Leading Lady ay nagsimula sa isang one act play comics na napunta sa virgin labfest 9 at ito na isang full blast play na ang Kung Paano Ako Naging Leading Lady na binuhay ng Dalanghita Production.


Kung tutuusin hindi naman talaga bago ang konsepto ni Ginoong Carlo Vergara (na siya rin lumikha ng Zsa Zsa Zaturnah na isinabuhay ng Tanghalang Pilipino) sapangkat ginawa na ito ng Marvels o ng DC Comics ngunit marahil ang nagpa-iba lamang ng context nito ay ang mga taong gumaganap at kung paano iikot ang isang kwento ng magkalabang grupo (Fuerza Filipinas at Kayumanggilas)

Anu nga ba ang istory ng  Kung Paano Ako Naging Leading Lady simple lamang naman ang laman nito, isang di kagandahang at medyo chubby na babae na nainlab sa kanyang nakapagwapong amo na si Leading Man na kabilang sa Fuerza Filipinas at syempre kagaya ng isang tipikal na istorya di makukumpleto ito kung wala ang mga masamang nilalang na kinabibilangan ng mga Kayumanggilas.

Narito ang aking dahilan kung bakit nga ba ninyong kailangan panoorin ang hit musical play na Kung Paano Ako Naging Leading Lady.

Fuerza Filipinas
1. Bigatin ang mga cast ng  Paano Ako Naging Leading Lady na pinangungunahan ni Menchu Lauchengco-Yulo, Bituin Escalante at Frenchie Dy makakasama ang mga magagaling na aktor at aktress sa mundo ng teatro na sina Kim Molina, Natasha Cabrera, Markki Stroem, Hans Eckstein, May Bayot, Astarte Abraham, Giannina Ocampo, Jeff Flores, Chesko Rodriguez, Caisa Borromeo, Nar Cabico, Domi Espejo, Red Nuestro, Vince Lim, Mikoy Morales, Elliot Eustacio, Red Concepcion, Kakki Teodoro, Raf Bravo, Gab Pangilinan, JC Santos, Brian Sy, Rhenwyn Gabalonzo at Josh Cabiladas.

2. Syempre isinulat ito ng isang magaling na story teller na si Ginoong Carlo Vergara kaya naman asahan mo na may kwento ito kahit alam mo na kung anu ang mangyayari.

Kayumanggilas
3. Musika ni Vince De Jesus na talaga nagbibigay sa iyo ng LSS hanggang sa makauwi ka sa iyong bahay.

The Leading Man
4. Hagalpak ka sa mga hirit ng Kayumanggilas.

The  Paano Ako Naging Leading Lady Stage
5. Ang mga kasuotan na makuha sa isang konsepto ng Marvels at DC Comics ngunit hinaluan naman ito ng pinoy style.

The author of Kung Paano Ako Naging Leading Lady
Mr. Carlo Vergara
6. May mga linya na hindi mo alam kung patama ba ito sa mga nangyayari sa lipunan o sadyang ginawa lamang upang buksan ang iyong kaisipan sa katotohanan.

Kung Paano Ako Naging Leading Lady” ay mappanood simula sa May 7 hanggang June 7 sa Peta Theater Center.

0 comments :

Post a Comment