Monday, June 22, 2015

Ryan Bang talks about how he really love the Philippines

Ryan Bang naglungsad ng kanyang kauna-unahang youtube music video kung saan tampok ang ilan sa mga kasama niya sa mundo ng showbiz katulad nina James Ried, Jonalyn Bartolema, Jason Gaiza at Eric Tai.


Nakakatuwa lamang yung youtube video ni Ryan Bang dahil ang linis ng pagkakagawa nito at di lamang yung magaling ung cinematography maliban pa dito hindi niya ginawa ito upang magkaroon siya ng album at sumikat ng husto, ginawa niya ito para lamang maging masaya ang kanyang mga tigahanga.

Isa sa mga nagustuhan ko sa music video na ito is di masakit sa tainga yung music kung baga chill lang ngunit mapapansin mo rin na medyo may hawig ng kaunti ang mtv nito sa mga ginawa ni Psy ng South Korea.

Narito ang official music video ni Ryan Bang para sa Shopping.



Dahil naungkat na rin lang din naman lang ang usapan shopping naitanung na rin kay Ryan Bang kung saan ninya pa gusto pumunta sa Pilipinas at bakit ayun ang napili niyang destinasyon.

Narito ang opisyal na pahayag niya.


Nakakatuwa lamang sapagkat mahilig maglakbay si Ryan sa Pilipinas at gusto-gusto niya ito, no doubt kung balik naclick siya sa masa, hindi dahil sa kanyang pagkakenkoy kundi marunong siyang magpahalaga sa bansa minahal din siya ng husto.

Sa mga di nakakaalam si Ryan Bang ay nagsimula sa Bahay ni Kuya (Pinoy Big Brother: Teen Clash of 2010) kung saan kabatch niya si James Reid.

Sa ngayon abala si Ryan Bang sa kanyang mga projects sa Kapamilya network.

Para sa iba pang larawan ng launching ng youtube video ni Ryan Bang pumunta lang sa opisyal na fanpage AXLPPI.

0 comments :

Post a Comment