Wednesday, June 3, 2015

Watch : Liza Soberano talk about being a third wheel

Liza Soberano masayang-masaya sapagkat pagkatapos ng kanyang mahabang maghihintay ay naging isa na siya sa mga pinakamaningning na bituin sa kanyang henerasyon.


Sino nga ba ang hindi makakakilala sa isang Liza Soberano, dahil sa kanyang angkin galing sa pag-arte sa teleseryeng "Forevermore" ay muli nabigyan siya ng panibagong break kung saan tampok syempre ang kanyang kapareha sa natural palabas na si Enrique Gil.

Sapagkat silang dalawa ay muling magsasama sa isang pelikula na may pamagat na "Just The Way You Are" kung saan nakuha o mas tamang sabihin na base ito sa isang pocketbook na may pamagat na "The Bet".


Ang "Just The Way You Are" ay isang romantic comedy na nakasentro sa istorya nina Drake at Sophia. Isang badboy si Drake na magiging entangled kay Sophia, isang outcast sa paaralan, sa pamamagitan ng isang pustahan sa isang kaibigan na kaya niyang painlabin ng head-over-heels sa kanya si Sophia. Ang hindi nalalaman ng kanilang mga kaibigan ay sa ilalim ng bad boy image ni Drake at tough attitude ni Sophia ay dalawang nilalang na kapwa may problemang pang-pamilya na maaring humubog sa kanilang pagkatao at tunay na nagmamahal sa isa't-isa.


Dahil napasok na rin ang patungkol sa pagi-ibig naitanong kay Liza Soberano kung gaano nga ba siya kasaya ngayon at sunod-sunod ang mga biyayang kanyang mga natanggap.

Narito ang kanyang sagot sa nakaraang grandprescon ng "Just The Way You Are".



Makakasama din ng dalawa sa "Just The Way You Are" sina Yayo Aguila, Alex Diaz, Jon Lucas, Chienna Filomeno, Marco Gumabao, Myrtle Sarrosa, Kyra Custodio, Miguel Vergara, Yves Flores, Sue Ramirez at Erin Ocampo makakasama din nila sa espesyal na partisipasyon sina TonTon Guttierez at Sunshine Cruz.

Mula ito sa direksyon ni Theodore Boorol at sa manulat na nina Ceres Helga Barrios at Maan Dimaculangan-Fampule.

Mapapanood sa lahat ng sinehan ang "Just The Way You Are" sa darating na Hunyo 17, 2015.

Para sa iba pang mga larawan na naganap sa GrandPrescon ng "Just The Way You Are" pumunta lamang sa AXLPPI Fanpage.

0 comments :

Post a Comment