Tuesday, June 16, 2015

Zss Zsa Zaturnnah Ze Zequel ng Tanghalang Pilipino hindi na tuloy

Isa sa mga inaabangan ko palabas sa Tanghalang Pilipino ay ang Zsa Zsa Zaturnnah Ze Zequel kung saan ito magiging finale o closing season nila ngaun taon, ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay hindi na natin ito mapapanood pa sapagkat nagpahayag na ng opisyal na statement ang mismong may akda ng Zsa Zsa Zaturnnah.

Ayun sa kanyang opisyal statement na inilabas sa facebook.


"Unfortunately, the musical Zsazsa Zaturnnah Ze Zequel will not push through as scheduled. My fault, really,
because I have to finish the book, among other reasons.

Thanks so much to Tanghalang Pilipino for their interest, and for respecting my decision to pull out."

Nakakalungkot man malaman na di na ito matutuloy pa pero sigurado naman ako na mas magiging kapanapanabik and susunod na mangyayari.

Sa mga hindi nakakaalam si Carlo Vergara din ang sumulat ng "Kung Paano Ako Nagging Leading Lady" kung saan isinabuhay ito ng Dalanghita Production at naging blockbuster ito noong nakaraang buwan.

Maliban pa dito siya rin and original na similar ng hit na hit na Zsa Zsa Zaturnnah the musical kung saan Tanghalang Pilipino din and nagproduce dito.

0 comments :

Post a Comment