Thursday, July 2, 2015

Antonette Jadaone talks how they do the storyline of "The Breakup Playlist"


The Breakup Playlist ay palabas sa  mga sinehan ngayon, oo alam ko dahil kinover ko din ito para mapromote ng husto ang pelikulang ito ngunit sa aking palagay ay di naman nila kailangan pa ng isang promotion sapagkat sa dalawang bida pa lamang ng The Breakup Playlist na sina Piolo Pascual at Sarah Geronimo ay sigurado na ako na patok na patok na ito para sa masa, para sa umiibig, nasaktan at patuloy na nagmamahal.
Lahat naman ata tayo dumaan sa mga ganung mga senaryo hindi ba? Maliban na lamang kung manhid kang tunay, biro lamang, Syempre naman no. May mga bagay talaga na masarap balikan lalo na ung mga masasayang mga alaala na magkasama kayo kung paano mo sinabi sa kanya ang mga salitang nagbibigay kilig at tuwa sa iyong kapareha.


Sa kwento ng The Breakup Playlist malamang sa malamang ay makakarelate ang mga manood sapagkat ang bawat playlist na maririnig sa pelikulang ito ay talaga naman iyong mararamdam ng husto at maaalala mo kung gaano nga ba kasakit magmahal ng husto at kung paano nga ba ito maoover-come.

Naitanung ng kasamang blogger kay Direk Antonette Jadaone kung paano nga ba nabuo ang storyline ng The Breakup Playlist.

Narito ang kanyang naging sagot sa katanungan na iyan.


Makakasama rin nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo sina Rio Locsin, Dennis Padilla, Diego Loyzaga, Maris Racal, Anna Luna, Teddy Corpuz, Cris Villonco, Badji Mortiz at Jet Pangan

Mapapanood ang The Breakup Playlist simula ngayon (Hulyo 1) sa lahat ng sinehan sa buong kapuluan ng Pilipinas.

Para sa iba pang mga larawan tumungo lamang sa opisyal fanpage ng AXLPPI.

0 comments :

Post a Comment