Tuesday, August 4, 2015

Watch : One More Chance ni Popoy at Basha muling magbabalik

One More Chance ang isa sa mga pinakamaganda, mahusay at mainam ang pagkagawa ng Star Cinema, sino nga ba ang hindi nakakakilala kay Popoy at Basha o ang mga walang sawang mga hugot lines nila sa pelikulang ito.
One More Chance Digitally Restrore Version and One More Chance Novel
Isang pelikulang tumatalakay sa isang usaping pag-ibig na nagsimula sa isang matamis na pagkakaibigan hanggang sa nauwi sa hindi inaasahang pagkakataon. Na marahil in some point of view ay nakarelate ka din sa mga linyang kanilang binibitawan, hindi ba?

Ilan nga sa mga linya sa One More Chance ay maaring nagamit mo na rin ng hindi sadya dahil sa ganda ng kwento nito.

Narito ang ilan sa mga di makakalimutang mga linya o sa panahon ngayon na hugot lines.

Kapag ang mahal natin ay iniwan tayo wag ka malungkot, dahil siguradong may darating na bagong taong hindi man maibibigay ang hinahanap natin matatanggap naman tayo at mamahalin- Basha

Di ba, kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin kasi baka meron bagong darating na mas okey. Na mas mamahalin tayo. Yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin. Yung nag-iisang taong magtatama ng mali sa buhay natin ng lahat ng mali sa buhay natin.. -Popoy

I want to stop wondering “what if” I want to know “what is”-Basha

Well it’s a very exciting time Basha… but at the end of the day , though things might change, somethings remain the same diba, kaya dapat wag mo kakalimutan ang lumang ikaw – Mark

She had me at my worst. You had me at my best. Pero binaliwala mo ang lahat... and you chose to break my heart. - Popoy

Basha, papano na tayo? -Popoy
Wala ng tayo Popoy. -Basha
Ganun na lang 'yun? Bash, five years. Itatapon mo lang lahat? Hindi mo na ko pwedeng bigyan pa ng isa pang pagkakataon para maayos ko 'to?! -Popoy
I already give five years of my life Poy, It's about time to give me what I want. -Basha
But your asking for too much. Ang hinihiling mo mawala ka sa buhay ko. -Popoy

Kailangan mo 'to at kailangan ko din. -Basha
Pero ikaw ang kailangan ko. -Popoy

If kaya pang ayusin pilitin. What if this is really what both of you need? Then just be strong. Magiging mahirap at masakit pero hopefully all the pain will be worth it. -Crizzy

Di ba panalo ang mga hugot lines ng One More Chance kaya naman hindi na ako magtataka ba kung bakit siya naging patok sa lahat bata man o matanda sapagakat ang kwento nila ay sumasalamin sa totoong tao at lamang masabi na may kwento.

Dahil nga naging patok ang One More Chance sa lahat ay napili ito isa sa mga naging digitally restore ng Star Cinema at maliban pa dito ay nagkaroon din sila ng isang novel kung saan isinalin ang movie sa libro. Ngunit subalit mayroon twist na magaganap sa libro sapagkat dito mo malalaman kung bakit nga ba ganun magmahal si Chinno (Janus Del Prado) at kung magkakabalikan nga ba sina Popoy at Basha.

Narito ang ilang mga piling eksena noong Novel Launch ng One More Chance


 Popoy ask Basha about the past.



One More Chance Novel Launch Basha ask Popoy for another chance

Kaya naman di na ako magtataka pa kung papatok ang novel ng One More Chance sapagkat maganda naman talaga ang kwento na ito.

Para sa iba pang mga larawan sa naganap na One More Chance novel launch sa opisyal na facebook ng AXLPowerhouse.

0 comments :

Post a Comment