Monday, August 24, 2015

What's the real score in the Ex with Benefits?


Sabi nga nila kapag naghiwalay daw kayo ng dati mong kasintahan ay dapat wala na itong balikan pa sapagkat may mga bagay talaga na mahirap ng balikan lalo na sa isang relasyon na akala mo siya na talaga. Ngunit paano na lang kung ang iyong Ex ay ang magiging kliyente mo sa iyong profession kakagat ka kaya sa kanyang paing?

Umiikot ang Ex with Benefits sa istorya ng dalawang magkasintahan na si Adam (Derek Ramsey) at Arki (Coleen Garcia) na nag-aaral sa parehong unibersidad ng biglang umalis si Arki at hindi na nagpakita ng hindi nalalaman ni Adam ang dahilan nito.


Pagkalipas ng mahabang panahon ay muli silang nagkatagpo ngunit tinatago na nila ang sakit ng kanilang nakalipas sa pamamagitan ng pagtamasa sa bagong relasyon na meron sila.


Ngunit kalaban ng bawat tao ang sakit ng damdamin at mararadaman na lamang ito ng walang pasabi. Kung Kailan bumabalik ang lahat sa dati, bigla maglalabasan ang mga lihim ng kanilang nakaraan at mapipilitan sina Adam at Aki na alamin kung  maari ba talagang magkaroon ng ikalawang pagkakataon ang kanilang pagmamahalan.


Ang  Ex with Benefits ay ang comeback movie ni Derek Ramsey sa Star Cinema at ito rin ang unang mainstream movie ni Coleen Garcia.

Narito ang ilan sa mga naganap sa  Ex with Benefits blogcon na ginaganap mismo sa location shoot.


Mula ito sa direksyon ng isang baguhang direktor sa mainstream na si Gino Santos.

Para sa iba pang mga video ng blogcon ng  Ex with Benefits tumungo lamang sa opisyal na Youtube Page ng AXLPowerhouse https://www.youtube.com/user/axlbench at para naman sa larawan tumungo lamang sa opisyal na fanpage

Ipapalabas ang Ex with Benefits sa mga sinehan sa buong bansa sa darating na Setyembre 02, 2015


0 comments :

Post a Comment