Wednesday, September 9, 2015

Mangan Ta Na : Hernatto Kick-Off Party at Solarum (#HKOP)

May bago ng kainan sa south hindi mo na kailan pa dumayo sa malayong lugar para makanasan ito sapagkat andito na siya

Bilang isang foodie, oo mahilig akong kumain hindi lang masyadong halata sa katawan ko sapagkat ang payat ko pero mahhilig talaga sa pagkain. Kung ang mga taga north ay may Mercatto Center sa amin naman sa south ay may Hernatto Food Hub kung saan tuwing huwebes, biyernes at sabado ay nagkakaroon ng malaking pagtitipon ang ilan sa mga kilala o mga bago sa larangan ng magtitinda ng pagkain.

Isa sa mga nagustuhan ko at paborito ko ay ang isaw at tainga ng baboy kahit alam naman natin na mataas ang kolesterol nito pero ika nga nila wala naman mawawala sa iyo kung minsan mo lamang iyong kakainin at wag mong dalasan sapagkat masama ang sobra.


Maliban pa dito nagkaroon ng sila ng kick-off party kung saan ang ilan sa mga sikat na DJ at banda ay nagsama-sama para bigyan ng saya at kakaibang karanasan.

Carl McFly Band
DJ Cathy Frey
Narito ang ilan sa mga larawan na naganap sa Hernatto Kick-Off Party.




Matatagpuan ang Hernatto Food Hub sa H District Alabang - Zapote Road, Las Pinas City (harap mismo ng SM Southmall.)

Para sa iba pang mga larawan tumungo lamang sa opisyal fanpage ng AXPowerhouse.

So paano kita-kits ulit tayo tuwing huwebes sa Hernatto Food Hub.

0 comments :

Post a Comment