Tuesday, September 22, 2015

Mangan Ta Na : Tempura Japanese Grill Experience

Sabi nga nila ang piging ang isa sa mga importanteng okasyon na hindi naman pinapalagpas sapagkat maraming nagaganap dito na una't-huli.


Sino nga ba ang hindi makakalimot sa isang eksena sa Noli Me Tangere na isinulat ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal kung saan sa piging na iyon nangyari ang mga ilang eksena mula sa masayang halakhakan hanggang sa mga hindi inaasahang mga kuro-kuro, hindi ba? At sino ang nasa piging na iyon? Walang iba kundi ang mga illustrado, mga anak sa yaman o hindi kaya mga nakapag-asawa ng mga Kastila? Ibig lamang ipahiwatig nito na ang piging ay hindi lamang ordinaryong okasyon sa ating buhay kundi isang okasyon ng pagsasama-sama nakakaangat ka man sa lipunan o hindi.

Sapagkat para sa akin ang isang piging ay pagbubuklot ng mga kasiyahan at kwentuhan na magbibigay sa iyo ng tuwa, lungkot o maging isang pighati na maaring maging sandigan mo sa huli.

Kaya naman nag-imbitahan ako ng aking kaibigan upang magkamustahan ay pumayag kaagad ako sapagkat matagal-tagal na rin kami ng huli namin pagkikita. Ang napili namin lugar para sa aming piging ay ang Tempura Japanese Grill na matatagpuan sa kahabaan ng Ayala Avenue.

Ang Tempura Japanese Grill ay hindi na bago sa ating lahat sapagkat sila lang naman ang isa sa masasabi kung sikay pagdating sa masasarap na pagkain lalo na sa usaping tempura.

At dahil nga sa usapang tempura na ito na nga, isa sa mga naging best seller ng  Tempura Japanese Grill ay masarap at malinamnam na King size Tempura.

King Size Tempura
Syempre dahil andito na rin kami sa Tempura Japanese Grill sinubukan na rin namin ang ilan sa mga masasarap nilang pagkain. Tara samahan ninyo kami namnamin ang mga putahe na meronn sila.

Japanese Scallops
Oyster
Habang kumakain kami marami at ninanamnam namin ang bawat sarap nito ay hindi namin maiwasan pag-usapan ang iba't-ibang mga issue pumapaligid sa amin mula sa Edsa kung saan sabi nga nila may forever pagpumatak ang isang biglaan ulan hanggang napunta sa isang sikat na labteam ngayon sa bansa.

Dahil nabitin pa kami umorder pa kami ng bago kung saan ang paborito kong parte ng kainan sa masasarap at matatamis na pagkain.

Praline mousse ganache

Molten Lava Cake
Coffee Jelly and Green Tea Ice Cream
Hindi na namin namamalayan ang oras sa piging dahil sa sarap ng kwentuhan at kalakhakan sa mga kwento na sinamahan pa ng mga iba't-ibang mga masasarap na patamis ng Tempura Japanese Grill, sino di matutuwa dito hindi ba? Sabi nga nila isa ang matamis para maging masaya ka at panandalian makalimot sa problema.

At dahil busog na busog kami kailangan namin pagpahinga at uminom ng pamparelaks para sa amin katawan at isipin, ang kanilang masarap na hot tea with lemon ang sasagot para diyan.

Hot tea with lemon
Sa bandang huli masasabi ko kakaiba pa rin ang isang piging kung ang mga nakasama mo dito ay mga totoong tao o mas tamang sabihin na kilala mo talaga, hindi sila traydor na siyang magiging kalaban o siyang sisira sa pagkatao mo.

Gusto mo rin ma-experience ang masaya at masarap na piging na ito, punta na sa pinakamalapit na Tempura Japanese Grill sa inyong lugar (Ayala Convergy’s Building, Mall of Asia, Alabang Town Center, Trinoma, Tomas Morato, U.N Avenue, Robinson-Malate, SM Pampanga at SM Cebu).

So paano hanggang sa susunod na piging na lang at sana kasama ka na sa piging na iyon.

Para sa iba pang mga larawan sa piging maari lamang pumunta sa AXLPowerhouse fanpage.

0 comments :

Post a Comment