Monday, September 14, 2015

Rhian Ramos talks about love scene with Piolo Pascual

Sabi nga nila may mga bagay na di natin alam kung paano gagawin lalo na kung ito ang una mong pagkakataon na gawin ito. Pero kagaya din ng sabi ng iba, wala naman masama kung susubukan mo lalo na kung alam mo naman sa sarili mo na kaya mo itong gawin at pagnagawa mo na ito masasabi mong YES!!! Kaya ko pala.

Isa si Rhian Ramos sa masasabi kong nagawa niya ang isang bagay na alam naman natin na mahirap gawin lalo't pa isa siyang babae, hindi lamang ordinaryong babae sapagkat maganda siya, ika nga one of the most beautiful face in Philippine Entertainment.

Sapagkat sa kauna-unahang pagkakakataon ay umoo si Rhian Ramos sa isang matinding love scene kung saan katambal niya si Piolo Pascual para sa kanilang pelikulang Silong.

Narito ang naging sagot ni Rhian Ramos ng tanungin siya ng media patungkol sa love scene na iyon.


Interesting di ba? Gaano nga ba kaintense ang love scene na iyon at di alam ni Rhian ang nangyari?

Director Jeffrey Hidalgo, Roy Sevilla Ho, Guji Lorenzana, Rhian Ramos, Piolo Pascual and the Producer 
Makakasama nila Rhian Ramos at Piolo Pascual sina Guji Lorenzana, Angel Jacob at Raymund Concepcion.

Mula ito sa direksyon nina Jeffrey Hidalgo at Roy Sevilla Ho na siya rin sumulat ng nasabing pelikula.

Kaya naman dapat mo itong panorin sa darating na Setyembre 16, 2015 sa lahat ng sinehan.

Maari ninyo din tignan ang aking munting review ng Silong sa MOVIE REVIEW : SILONG (CINEMALAYA XI)

Para sa iba pang mga larawan tumngo lamang kayo sa opisyal na fanpage ng AXLPowerhouse sa Facebook.

0 comments :

Post a Comment