Tuesday, October 20, 2015

Liza Soberano shares how she shows her love to


Isa sa mga pinakamagandang mukha sa mundo ng Philippine entertainment na si  Liza Soberano ay muling magbabalik sa big screen kung saan tampok ang kayang love team na si Enrique Gil at makakasama din nila ang nag-iisang Gerald Anderson. Ito marahil ang kauna-unahang magkakataon na sila'y magsasamang tatlo sa big screen maliban sa telebisyon kaya naman nakakapanabik kung paano nga ba ang magiging atake nito sa mga manonood.

Ang titulo ng palabas na ito'y walang iba kundi "Everyday, I Love You" isang romantic - drama na mula sa direksyon ni Mae Czarina Cruz-Alviar.

Dahil "Everyday I Love You" na rin ang naging pamagat ng pelikula nila naitanong ng kasamang blogger kung paano nga ba magpakita ng pagmamahal si Liza Soberano sa kanyang mahal sa buhay, narito ang kanyang naging sagot sa tanung na yan.



Makakasama din nina Liza Soberano, Enrique Gil, Gerald Anderson sina Ariel Rivera, Aiko Melendez, Carmina Villaroel, Marissa Delgado, Liza Lorena, Carla Martinez, Eva Darren, Nina Dolino, Paul Salas at marami pang iba.

Ang "Everyday, I Love You" ay mapapanood na sa darating na October 28, 2015 sa lahat ng sinehan sa bansa.

Para sa iba pang mga larawan sa naganap na "Everyday, I Love You" tumungo lamang sa opisyal na fanpage ng AXLPowerhouse.

1 comments :

  1. wow even with less makeup.. she still looks lovely..I'm sure hit itong Everyday, I Love You

    ReplyDelete