Tuesday, October 6, 2015

Watch : Kim Chiu More Mature Role in Etiquette for Mistresses


Isa si Kim Chiu sa mga hinahangaan ng mga kabataan ngayon lalo sa kanyang pananamit at pagiging isang mabait sa kanyang mga tigahanga. Masasabi ko malaki na rin ang pinagbago ni Kim Chiu simula noong lumabas siya sa bahay ni Kuya at isa na dito ang magiging magaling niyang umakte sa harap ng kamera lalo na ngayon sa kanyang bagong pelikulang Etiquette for Mistresses kung saan sinabi niya sa mga piling blogger sa nakaraang blogcon ng Etiquette for Mistresses na hindi niya comfort zone ang mga ganung role sapagkat mas nakilala sila sa mga pelikulang romantic-comedy.

Narito ang naging buong pahayag ni Kim Chiu sa kanyang role sa Etiquette for Mistresses


Makakasama ni Kim Chiu sa Etiquette for Mistresses sina  Claudine Barretto, Iza Calzado, Cheena Crab, at Kris Aquino.

Mula ito sa direksyon Chito Roño at prinoduce ng Star Cinema

Para sa iba pang larawan ng naganap na Etiquette for Mistresses blogcon pumunta lamang sa opisyal na fanpage ng AXLPowerhouse.

0 comments :

Post a Comment