Monday, October 12, 2015

Watch : Who Will Harana Boys Serenade in their upcoming concert?

Harana Boys
Hindi na talaga mapipigilan ang pagusbong ng mga kareka ng mga ito parang kailan lamang ay di sila nabibigyan ng pansin ng husto ngunit ngaun ay yumayabong na ang kanilang mga karera.

Kaya naman sa darating na October 16, 2015 ay magkakaroon sila ng kauna-unahang concert sa Music Museum kung saan tampok ang kanilang mga guest na sina Kz Tandingan, Tippy Dos Santos, Morissette, Janella Salvador at Alex Gonzaga.


Sino nga ba ang tinutukoy ko dito, syempre walang iba kundi ang mga Harana Boys na sina Joseph Marco, Bryan Santos, Michael Pangilinan at Marlo Mortel ang bagong boyband na inyong kakahumalingan.

Dahil Harana Boys na rin lang sila tinanong naman sila ng ilan sa mga blogger kung sino nga ba ang gusto nilang haranahin sa kanilang concert?


Harana Boys Part 1

Harana Boys Part 2

Sa ilalim ng produksyon ng Star Event at Dreamstar Events Management, ipapakita sa concert na ito ang kanilang aking galing sa pagkanta bilang Harana Boys at syempre may mga kanya-kanya rin silang mga solo performances.

Para iba pang mga detalye sa kanilang gaganaping concert maari lamang na pumunta sa opisyal na facebook ng Star Music


So paano kita-kits tayo sa concert ng Harana Boys sa Music Museum.

Para sa iba pang mga larawan ng naganap na blogcon ng Harana Boys pumunta lamang sa AXLPowerhouse.

1 comments :

  1. naku wag naman sana si Pastillas Girl .. hehe
    I just learned na sila pala ang bagong boy's group ng ASAP but I am not yet familiar with their songs.. maybe I should check them on YouTube

    ReplyDelete