Monday, January 18, 2016

Erich Gonzales at Daniel Matsunaga bibida na sa kanilang kauna-unahang teleseryeng "Be My Lady"


Isa sa masasabi kung inaabangan ngayon na teleserye sa umaga ay ang "Be My Lady" na pinabibidahan ng real love sweethearts na sila Erich Gonzales and Daniel Matsunga kung saan ang magiging tema ng teleserye na ito ay ang dalawang magkaibang puso at lahi ngunit pagtatangpuin ng isang pagkakataon, paano at kung saan iyan ang isa sa mga dapat nating abangan.


Sa ngayon masasabi ko bago sa akin ang lugar ngunit ang kwento ay hindi marahil siguro mas tamang sabihin andun pa rin ang isang formula ng isang kwento at naiba lamang ang lugar nito. At proud akong masasabi na maganda ang napili nilang lokasyon sapagkat isa ito sa pinagmamalaki ng mga taga-Pampanga ang Arayat, isa sa mga naging lokasyon nila dito ay sa mga paanan ng bundok ng Arayat at sa simbahan nito kung saan madami rin mga makasaysayang mga nangyari sa lugar na iyon. Maliban pa dito masasabi ko rin na hindi magiging peke ang daloy ng istorya na kanilang nagawa sapagkat noong umattend ako ng kanilang grand media conference ay nakita ko kung ganito nga ba kamahal ni Daniel Matsunaga si Erich Gonzales, syempre ganun din naman si Erch Gonzales kay Daniel Matsunaga.


Ibinahagi din ni Daniel Matsunaga kung paano nga ba niya nakilala ng lubusan si Erich Gonzales, narito ang kanyang naging sagot sa tanung na iyan.

Daniel Matsunaga : I make a kindat to her, no joke lang! First time na nakilala ko si Erich noon sa KrisTV tapos nagkaroon kami ng chance to do a show together ung maraming kaming episode sa KrisTV,  pero ung I think we start developing after "Two Wives," I got to know her better at siguro  GOD really has his perfect timing naghintay ako ng 3 years ayun po dumating si Erich.

Narito ang boung panayam kay Daniel Matsunaga ukol sa tanung na yan.


Kaya naman hindi na ako magtataka pa kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.

Ang "Be My Lady" ay idirehe ni Theodore Bohorol at makakasama nila Erich Gonzales at Daniel Matsunaga sa "Be My Lady" ay sina Janice de Belen as Marcela "Marcy" Crisostomo, Priscilla Meirelles as Chelsea Oliviera, Al Tantay as Emilio "Emil" Crisostomo, Yayo Aguila, Almira Muhlach, Yves Flores, Karen Dematera, MJ Cayabyab, RK Bagatsing, Devon Seron, Karen Reyes at marami pang iba kaya naman wag na wag mong papalagpasin ang kanilang kauna-unahang teleserye lalo't pa na magsisimula na ito sa lunes bago magShowtime. 

Para sa iba pang mga larawan maari lamang pumunta sa AXLPowerhouse fanpage. 

1 comments :

  1. like ko si Erich since nung Star Circle Quest pa haha
    i think maganda talaga yung chemistry nila... is this a romcom? mukang exciting to huh

    ReplyDelete