Friday, January 8, 2016

Watch : PETA's upcoming production, 3 Stars and a Sun

Ang cast ng PETA's 3 Stars and A Sun
Muli na naman tayong papahangain ng PETA Theater sa kanilang 2016 opening na may pamagat na "3 Stars and a Sun" kung saan tampok ang ilan sa mga sikat na awitin na nilikha ng nag-iisang Pinoy Master Rapper na si Francis Magalona o mas kilala bilang Francis M.


Ilan sa mga pinasikat na kanta ng isang Master Rapper Francis M. ay ang mga Mga Kababayan, Gotta Let 'Cha Know", Cold Summer Nights, Tayo'y Mga Pinoy, Meron akong ano at marami pang iba. Kaya naman hindi na ako magtataka pa kung bakit nagkaroon ng interest ang PETA Theater sa kanta na nilikha ni Francis M sapagkat taos sa puso ang mga bawat liriko nito at talaga naman sumasalalim sa katotohanan mula noon hanggang sa ngayon.

Narito ang ilan sa mga excerpt ng PETA Theater 's 3 Stars And A Sun na kinunan noong media preview.



Ang mga makakasama sa 3 Stars and a Sun ng PETA ay sina Paolo Valenciano, Gio Gahol, Nicco Manalo, Gold Villar, Che Ramos-Cosio, Carla Guevara-Laforteza, Bodjie Pascua, Raffy Tejada, Giannina Ocampo, Justine Peña, Anna Luna, Jet Barrun, John Moran, Nar Cabico, Lee Villoria, EJ Pepito, Anj Heruela, Gab Pangilinan, Jef Flores, Norbs Portales, at marami pang iba.

Mula naman ito sa panulat ng isang nag-iisang Mixkaela Villalon at sa direksyon ni Nor Domingo.

Mapapanood ang 3 Stars and A Sun ng PETA simula sa darating na Pebrero 4 hanggang sa Marso 6, 2016.

Para sa iba pang detalye kaugnay ng 3 Stars and A Sun ng PETA maari lamang kayo tumungo sa kanilang opisyal na facebook.

Para sa iba pang mga larawan na naganap sa 3 Stars and A Sun ng PETA tumungo lamang sa opisyal na facebook ng AXLPowerhouse.

So paano kita-kits tayo sa darating ne Pebrero para sa makabuluhang pangtatanghal ng PETA's 3 Stars And A Sun.

0 comments :

Post a Comment