Monday, February 1, 2016

Watch : Angel Locsin and Everything About Her

Isa sa mga tinitingal at mahusay na aktress sa kanyang henerasyon ngayon na si Angel Locsin ay sobrang galak na muling makatrabaho ang isang Vilma Santos. Nasabi rin niya nahirapan siyang muli sa pag-arte sapagkat para siyang nangangapa ulit. "Para kang kinder na naeexpect sila na yung utak mo pangcollege parang ganun kailangan mabilis kang makarecover tsaka hindi mo ipapahalata pero sa totoo lang nanginginig ako everytime na nagdedeliver ako ng line. Mahirap talaga pagnagpapahinga ka ng matagal" anyi ni Angel Loscin.

Maliban pa dito nagpahayag din siya na gusto niyang matrabaho ang nag-iisang Coco Martin lalo't pa na sinabi niya na kamukha niya ito noong nakita niya itong nagbihis babae sa kanyang palabas na Ang Probinsyano. Ngunit hindi nga lang magtagpo-tagpo ang mga schedule.

Narito ang kanyang naging pahayag ukol sa  Everything About Her at kay Coco Martin.


Para sa ibang mga videos ukol sa naganap na blogger conference kasama si Angel Locsin maari lamang tumungo sa https://www.youtube.com/user/axlbench

1 comments :

  1. hayst.. sya lang talaga ang Darna para sa kin hehe

    ReplyDelete