Wednesday, February 3, 2016

Xian Lim malaki ang pasasalamat kay Direk Bb. Joyce Bernal

Isa si Xian Lim sa masasabi natin na kailangan talaga ng improvement sa akting dahil madami nga ang nagsasabi na bakit nga ba siya ang napili na makapareha ng isang Angel Locsin o makasama ang nag-iisang Vilma Santos? Pero kung tutuusin at kung titignan mo ng mabuti ang palabas ng "Everything About Her" makikita mo dito na talaga naman nabigyan nya ng hustiya ang karaketer na ito. Lalo na nasabi noon ni Bb. Joyce Bernal na pinag-aaralan talaga ng husto ni Xian Lim ang kanyang karakter.


Kaya naman nitong nakaraang araw ay nagkaroon ng intimate blogcon si Xiam Lim kasama ng ibang mga bloggers at natanung kung paano niya napaghandaan ng husto

Narito ang naging sagot ni Xian Lim, "Sabi ko nga ung bloggerscon, nakapalife changing ng paggawa nitong film. Paano ako nagbago sisimulan ko na ung sa proseso sa paggawa ng pelikula yung mismo pag-uusapan pa lang namin ni Direk Joyce talagang hinila niya yung ego ko na tangalin ko lahat yun. Tapos tinanong din niya ako sino ka ba? May napatunayan ka na ka? Marami syang natanung sa akin. Kaya marami akong narealize dito habang nag-uuspan kami ni Direk Joyce kasi more than the film kailangan kilala mo ung pagkatao mo paano o itratranslate, kaya sabi ni direk kailangan ko daw maging relaks at maging open sa tao. Sabi rin ni Direk Joyce, hindi kita jinajudge kasi andito ako bilang director mo to bring out the best in you. Kaya naman yun pa lang na pag-uusapan namin ni Direk, ang dami ko ng realization sa sarili. At marami kami natutunan sa sinabi ni Direk."

Narito ang full coverage ni Xian Lim


Ako aaminin ko na medyo ilang akong interview si Xian dahil nga parang medyo maangas ang kanyang dating ngunit kapansin-pansin na kahit paano ay nawawala na ung ganung angas na meron siya at nagiging open na talaga siya. Kung baga mas nakikilala na siya ng husto bilang siya at bilang siyang aktor hindi lamang sa kanyang hosting style.

Para sa iba pang mga detalye at mga kuhang mga video maari lamang ifollow at pumunta sa opisyal na youtube channel ng AXLPowerhouse.

0 comments :

Post a Comment