Thursday, April 28, 2016

Big Bang Sa Alabang now is back through MOLITO Alabang Lifestyle Center


Kung tigaSouth ka marahil narinig mo na o nakita mo na ang isa sa mga pinagmamalaki ng tigaSouth noon ang "Big Bang Sa Alabang" kung saan dito lang naman makikita ang pinamasayang slidefest noong 70's hanggang late 80's. Isa sa Big Bang Sa Alabang sa dinarayo ng mga tigaSouth tuwing papasok na ang tag-init lalo na sa mga kabataan at may mga pamilya ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nawala ito sa hindi malamang kadahilanan kaya naman muli itong bubuhayin ng MOLITO Alabang Lifestyle Center ung nga lamang ay hindi na lamang ito basta-basta na Big Bang Sa Alabang dahil ito ngayun ay isa ng Molito na ang ibigsabihin sa salitang espanpol ay maliit na plaza o pasyalan.
Tara samahan mo ako kung anu na nga ba ang pagbabago ng Big Bang Sa Alabang sa ngayon na MOLITO Alabang Lifestyle Center.


Ang MOLITO Alabang Lifestyle Center ay itinayo noong taong 2012 kung saan iilan pa lamang ang makikita ngunit masasabi mo na rin maganda ang lugar dahil sa minimalist ang dating at ambiance nito maliban pa dito hindi masyadong matao kumpara sa katabing malls nito


Ilan sa mga makikitang dito ay ang kanilang colorful floor fountain kung saan kinagigiliwan ng mga bata dahil sa ganda ng ilaw at pagsabay ng tubig maliban pa dito maraming aktibidadis din ang nagagawin sa MOLITO Alabang Lifestyle Center katulad na lamang ng mga session night kung saan tuwing weekdays may tumutugtog na banda upang magbigay ng kakaibang ambiance sa iyo. Pagsabit naman ng weekends meron din silang pop-up cinema kung saan ang panonood ng sine ay libre liban pa dito nasa ground kayo wala sa loob ng mall, di ba? kakaibang karanasaan ito kaya naman hindi na ako magtataka pa kung bakit ilan sa mga kabataan o pamilyang tagaSouth ang mas pinili ang MOLITO Alabang Lifestyle Center dahil sa kakaibang inooffer nila sa mga tao.


Kaya naman sa darating na May 13-14 ay magkakaroon ng kakaibang activity ang MOLITO Alabang Lifestyle Center walang iba kundi ang Cool Summer kung saan maiienjoy mo ang sarap at lamig ng summer dahil sa kanilang kakaibang ice cream festival.

Kaya naman kung tigaSouth ka pumunta na at muling balikan ang iyong alaala sa Big Bang Sa Alabang.

0 comments :

Post a Comment